SIXTY-EIGHT

960 40 2
                                    

Hinawakan ko ang mukha ni Lauren habang natutulog. Galing na dito ang pamilya ko at nakita na rin si Avyanna. Ngayon ay nasa nursery na ang baby namin at ibabalik na lang kapag padedehin. I can't explain my fucking feelings. Sobrang saya ko nang makita kong safe si Lauren at triple pa nang makita ko si Avyanna.

I am already a father, and I promise I can be a responsible family.

"Hubby..."

"Hi! How's your feeling? Are you OK? May masakit ba sa'yo? Tatawagin ko ba si doktor Keisha?"

"I am OK." She smiled at me, kaya agad na nawala ang kaba ko. "Hubby, I told you I am OK. Chill lang ako, kaya dapat relax ka lang."

"I know. You're a strong woman, wife. Sorry kung medyo kabado pa rin ako."

"I need to be strong because I want you to be happy. Si Avya?"

"Nasa nursery. Ibabalik daw 'yon dito kapag papadedehin na. Pero kung gusto mo siyang makita ay pwede natin ipakuha."

"I want to see her."

"OK, wait for me, and I'll get her."

I kissed her in the forehead before I left. Pwede naman siyang iwanan mag-isa dahil may button siyang pwedeng pindutin kung kailangan niya ng tulong.

When I reached the nursery, I saw a familiar figure of a man. He's standing and looking inside the nursery. There is a nurse that holds a baby so he can clearly see. Hindi ako maaring magkamali na anak ko iyon dahil sa nakabalot na lampin na niregalo sa kanya ni Dylan. Hanggang sa nasigurado ko kung sino ang lalaki—none other than Hendrick.

A nurse looked at me, kaya napatingin din sa akin si Hendrick. May dala siyang basket na puno ng prutas at isang bouquet na bulaklak. Nang makita niya ako ay tumango lang siya sa nurse saka tumalikod para umalis.

"Hendrick!" I called him kaya napatigil siya at saka lumingon, pero hindi nagsalita. I walk towards him at pareho na kaming nasa tapat ng nursery.

"Hindi ako nagpunta rito para manggulo, Dwayne Dale. Sorry, gusto ko lang makita ang anak niyo."

"Bakit hindi ka pumunta sa kwarto ni Lauren?"

Hindi siya sumagot, tumingin lang siya anak namin na ngayon ay nasa crib na. I don't want to be mean. Kahit naiinis ako sa kanya noon ay may utang na loob pa rin ako sa kanya. He saved us from danger once, mas lalo na ako.

"Gusto ko lang makita ang baby."

"Lauren will be happy to see you."

He smiled at me. "Hindi na, just send my regards to her, and congratulations to both of you."
I think that's a good idea. Selfish man isipin pero mas OK na rin kaysa magkita sila. Hindi naman siguro ako mang-aagaw dahil ako ang asawa. Inalok ko siyang pumunta, tumanggi siya kaya ayoko nang ipilit dahil iyon ang tama. At least he's professional enough to know his place.

"Aalis na ako."

"Is that for her?" tanong ko referred to the flower and fruits. Tumingin siya sa dala at nahihiyang tumango. "I can give it to her."

"OK lang ba?"

"Sure, not a big deal." He handed it to me, kaya inabot ko ito. "Do you want to say something to her aside from regards?"

"No, but I want to ask you to please take care of her. I know I don't need to ask it because you already did. But please love her every day and prioritise them. That's all."

"I will."

"Thanks."

Then he left.

Napailing na lang ako. Hindi ko kasalanan na mahulog sa akin si Lauren at ganoon din ako sa kanya. Babae siya at lalaki ako. We stay in one house and sleep in one room. We did what every couple did. Anong aasahan niya? Hayop nga nagkakagustuhan, kami pa kaya.

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon