SIX

974 31 5
                                    

"Good Morning!" Lauren greeted me with a wide smile habang pinupunasan ang sarili niyang buhok. Katatapos lang niya maligo at pasunod na rin ako.

"Good Morning!" I greeted back.

"May pasok ka ba ngayon?"

"Nope, why?"

"Good, labas tayo. Gusto ko mag-shopping at wala na rin kasi tayong toiletries."

"OK, I'll just take a shower."

"OK, sa labas na rin tayo mag-breakfast."

"Are you OK?" May pagtataka kong tanong. Nakakapanibago kasi dahil ang lapad ng ngiti niya.

"I am, bakit? May problema ba sa akin?" She asked, nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

"You keep smiling."

"Oh, come on, hubby, it's morning. Dapat kapag early morning ay naka smile, para smile ka rin the whole day."

"Really, o baka naman dahil..."

"Go." Tinulak niya ako papasok sa banyo. "Maligo ka na para makaalis na tayo."

"Fine."

Hindi na ako sumagot at pumasok na ng banyo. Tuwalya lang dinala ko dahil, for sure, paglabas ko ay nakahanda na mga gamit ko.

One thing that I admire about her is that she always takes care of me. Alam kong wala lang sa kanya iyon, pero importante sa akin iyon. As she said, a duty of a wife, though we are not a real couple. Kung hindi ko lang alam na mahal niya si Hendrick, I will assume that she likes me, which is not allowed because we have an agreement na hindi namin mamahalin ang isa't isa.

I can't love her. And I don't have any plans to love her. She will never be happy with me in the future. Dahil mayroon akong hindi kayang ibigay sa kanya na alam kong parte ng isang masayang pagsasama.

Nang matapos ako ay agad akong lumabas.

"It's fine, no worries."

I heard her talking on the phone. Hindi nga ako nagkamali. I have my dress on the bed, arranged nicely from underwear to shoes.

"Yeah, of course, I am happy. Oh, sige na, bye na, just visit me when you have time. Bye," she added, then ended the call at humarap sa akin.

Napatingin ako sa kanya na nakangiti pa rin sa akin.

"Ow, I forgot, wala pala ang sando, hubby," she said and walked to the closet, saka kumuha ng white sando. "Here, hubby,"

"Thanks."

"I will wait for you outside."

"Wait!" awat ko nang aktong lalabas na siya.

"Bakit?"

"Hindi ka magbibihis?"

"Bakit?" takang tanong niya saka sinuri ang sarili.

"Ano'ng bakit? Look at yourself in the mirror."

"Why?"

"Ano'ng why, Lauren? Lalabas kang kita ang kaluluwa?"

"Ow, hubby, OK lang 'yan. Sa pictorial nga nakahubad ako at private part lang ang natatakpan."

"Magkaiba..."

"I will wait for you outside."

"Wife!" Pero na hindi na siya nakinig. "Lauren!" She slammed the door na mas malakas pa sa boses ko. "Damnit!" I have no choice, kundi ang magbihis para makalabas na rin.

We're on our way to the mall. She keeps scrolling on her phone at tapos ngingiti saka tatawa. I am not used to seeing her like this, sobra niyang masiyahin.

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon