"Siya ba ang dahilan, Dwayne? Kaya mo ba ako pinagtutulakan dahil sa kanya?" Dinuduro ni Lauren si Carmona. Kita rin sa mukha niya ang galit.
"Stop making a scene, Lauren. You don't know everything."
"I know everything, Dwayne. Suddenly, you changed because of her."
"Lauren, Hija, it's not what you..."
"Stop calling my name, you whore."
"Pwede ba tumigil ka na!" May inis kong saway sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Umuwi ka na."
"Bakit, ha? Nahihiya kang malaman na dahil sa babaeng 'yan kaya ka nagbago? Tama, 'di ba? Dahil sa kanya? Dahil mas gusto mo ang ginagawa niya sa'yo kaysa sa ginagawa natin? Nami-miss mo siya?"
"Stop!"
"I won't stop. You miss what she did, right?"
"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin, huh?" Napahilamos ako gamit ang palad dahil sa inis ko. Tumingin ako kay Carmona. "Thank you for your time and for clarifying everything. Wish all the best," I said, habang nagpipigil ng galit dahil Lauren.
"Thanks. Wish you all the best too."
Siguro nga naging makasalanan siya sa akin. Pero naging mabuti rin naman siya. At ngayon na malinaw na sa akin kung bakit niya iyon nagawa ay parang nawala ang galit ko. Mali man ang paraan niya, pero hindi maipagkakailang biktima lang din siya. Ang pagkakamali niya lang ay inabuso niya ako at sinira. Pero ayos na ako ngayon at gusto ko ng kalimutan ang lahat at patawain siya para mapatawad ko rin ang sarili ko sa mga nagawa ko. Ngayon ay tuluyan na akong makakapag move-on.
"I need to go. Ingat lagi." I cupped her face and kissed her forehead.
"Ikaw din." Nakahawak naman siya sa tagiliran ko nang yumuko ako.
"Ang sweet niyo namang magpaalam sa isa't isa. Halatang may namamagitan." Lauren said sarcastic.
"Halika ka nga rito."
Hinawakan ko sa kamay si Lauren para dalhin sa labas nang magsalita si Carmona. "Don't hurt her, Dale. She only misunderstood everything."
"I don't need your help. Stop acting like a saint, you whore evil."
"Stop!" saway ko saka kinaladkad si Lauren palabas palayo kay Carmona.
"Dale! Dale!"
Hindi ko na pinakinggan si Carmona at dinala ko na si Lauren sa labas. Nakita ko roon ang sasakyan na ginamit niya at mukhang may kasama siya. Binatawan ko siya ay saka hinarap.
"What's wrong with you?"
"What's wrong with me? Ako pa talaga? You dumped me, then what? Makikita ko na kasama mo ang babaeng 'yon? Ang babaeng umabuso sa'yo?"
"Wala kang alam, Lauren. May inalam lang ako mula kay Carmona kaya kami nagkita."
"Inalam? O nami-miss mo siya?"
"What?"
"Bakit, nami-miss mo ang haplos niya? Na-miss mo ang ginagawa niya? 'Yon ba? Kaya mo ako tinapon dahil nandiyan na siya?"
Napapasabunot na lang sa sariling buhok dahil sa inis. Napapahigpit ang pagkuyom at gusto kong manapak.
"Stop. Saying. Nonsense." May pigil kong sabi.
"Bakit, kaya ko naman gawin iyon, 'di ba? I can do it better. Sana nagsabi ka sa akin para ginawa rin natin."
"Alam mo, hindi ko akalain na ganyan ka mag-isip. Sa lahat ikaw pa talaga mag-iisip sa akin ng ganyan sa akin. Hindi ako ganoon kababaw, Lauren."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest Scar
Ficción GeneralWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 Pumayag si Dwayne na makasal kay Lauren Del Fuego upang mapag-isa ang kompanya ng kanilang pamilya. Sa kanilang pagsasama, naging magkaibigan sila at ginampanan ang mga pangangailangan sa kama. Pero malinaw ang usa...