THIRTY-NINE

855 42 3
                                    

I put a candle on my son's grave. It's been almost a decade since it happened, but the pain and trauma of what happened to him still haunted me, the reason why I don't want to have a child anymore.

Hindi ko sinadya ang nangyari pero ginusto ko. Bata pa ako noon kaya mapusok at padalos-dalos. Kung sana hindi ko iyon ginawa sa mommy niya ay hindi sana ito nangyari sa kanya. Hindi sana siya nabuo at hindi rin nawala. Hindi sana niya mararanasan ang ganoon klase ng kamatayan sa kamay mismo ng sariling ina. The pain that her mom endures because of me was the reason why these all happened.

I love his mom. The first woman that I loved. At ang lintek na pagmamahal ko sa kanya ang naging rason kung bakit ako nakagawa ng hindi maganda na naging dahilan ng pagkawala ng anak namin. Minahal ko siya sa paraang alam ko na naging dahilan kaya nasiraan ako ng ulo.

I saw a pair of hands putting a candle beside mine. There was also a bouquet of red roses. Hindi ko na kailangan tumingin kung sino siya dahil amoy pa lang ay kilala ko na siya.

This is a Dy Museleo, kaya nandito ang mga anak namin. Cupid Aragon - Dy, ang nakalagay sa anak niya na katabi ng anak ko na. Dale Heart – Dy naman ang anak ko na katabi rin ang mga fetus na anak ni Dave kay ate Lileth na magkatabi at may nakalagay na Aragon - Dy.

"Kung nandito ka para pagsabihan ako, pwede ba wala akong panahon. Lalo na kung makikipagtalo ka lang."

Inunahan ko na dahil alam kong kapag nagpapakita siya ay imposibleng walang ganap.

"Bakit, kailan ba ako nakipagtalo sa ganitong lugar? Lalo na sa harap ng anak ko?" Hindi ako sumagot at diretso lang ang tingin sa lapida. "We're on the same boat, Dale. Ang pinagkaiba lang natin, nakapag-move on na ako sa anak ko, hindi nga lang sa babaeng mahal ko. Ikaw hindi pa pareho. Si Dave, nakapag-move on na sa kagaguhan niya sa mag-iina niya. Kaya walang rason na hindi ka rin magmo-move on...kung gugustuhin mo."

"Bakit, sa tingin mo ba hindi ko sinubukan?" tanong ko.

"Oo, dahil kung sinubukan mo, sana hindi na kayo umabot ni Lauren sa ganito."

"Hindi mo ako maiintindihan, Dylan. Dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko. Magkaiba ang pinagdaanan natin."

"Wala tayong pinagkaiba ng pinagdaanan, Dale. Pareho tayong naging gago na naging dahilan ng pagkawala ng mga anak natin. Hindi lang ako, hindi lang ikaw, kundi tayong tatlo nina Dave. Pero ikaw na lang itong napag-iiwanan ng husto. Hindi mo ba naisip na bata ka pa noon? Mapusok at hindi marunong mag-isip ng tama kaya iyon nangyari."

Napahawak ako sa ulo ko. I was nineteen at that time. Pero nang mga panahon na iyon ay alam ko na ang ginagawa ko. Alam ko ng mali pero ginawa ko pa rin. Dahil nagpadala ako sa pagmamahal ko.

"Mahal mo ba siya?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Mahal mo na ba si Lauren?"

"No." I said and diverted my gaze. "Hindi ko na makuhang magmahal ng iba pagkatapos ng nangyari sa amin ng unang babaeng minahal ko," Iadded.

"Liar." Napatingin ako dahil sa sinabi niya. "Bakit ganoon kahirap para sa inyo ang umamin na nagmamahal kayo? Putangina, mahirap ba umamin na mahal mo ang isang tao? Ano'ng mahirap sa pag-amin kung totoo naman ang nararamdaman mo at sigurado ka? Dapat nga proud ka kasi marunong kang magmahal. Ang sarap kayang magmahal dahil nakaka-inspired."

"Hindi ako ikaw, Dylan. Huwag mo akong kwestyunin at pagsabihan. Hindi ko mahal si Lauren, nalilibugan lang ako sa kanya at magkaiba 'yon."

"Kapag sinapak kita ay masasabi mo akin na mahal mo si Lauren. ' Yang utak mo, babaliktad ang desisyon niyan kapag tinamaan ng sapak ko. 'Tangina ka."

"Hindi nga ako ikaw kaya huwag mo nang ipilit ang iyo. Ang dali para sayo na sabihin 'yan dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko. Kung ikaw nga hindi pa rin makapag-move on nang tuluyan."

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon