ONE

1.5K 44 3
                                    

=DWAYNE DALE DY=

"My God, Kiki! Hindi ako makapaniwalang napakalandi mo. Jowa 'yon ng kapatid mo, tapos nilandi mo? Ang haliparot mo."

I kept listening to Lauren while reading the books about cats.

"Meow!"

"Don't meow meow me, ha! Nag-sex na sina Lalat at Tintin tapos nakipag-sex ka rin kay Tintin? Paano kung mabuntis kayong dalawa? Magkapatid na magpinsan pa ang mga anak niyo?"

"Meow!"

"Stop meowing. Ang landi-landi mo." May inis na ang boses ni Lauren. "Hubby?"

"Yes, wife?" I answered but did not look at her.

"Wala ka bang gagawing aksyon sa mga 'to?"

Binaba ko ang libro na hawak saka sinenyasan si Kiki na lumapit sa akin. Mabilis siyang tumalon at tumakbo palapit sa akin saka umupo sa tiyan ko.

"Alam mo, wife, let them be happy. Si Tintin lang kasi ang guy rito, kaya OK lang na mag-share sila. Ano'ng gusto mo, mabuntis isa sa kanila ng kung sinu-sino lang?"

Lauren rolled her eyes and looked at Kiki.

"Kiki, you should know your place, dahil nauna si Lalat maging GF ni Tintin, OK?" I said. "Ikaw ang kabit kaya dapat matuto ka maghintay kailan magkaroon ng time si Tintin sa'yo. Understood?"

"Meow!"

"Good! Now, go back to your room. Mommy and Daddy are going to sleep."

Tumalon agad si Kiki at pumasok sa cathouse.

"Nakakainis ka. Imbes na pagalitan mo si Kiki ay kinonsenti mo pa."

"Alam mo, wife, you don't need to get mad at them. OK nga kung sabay silang mabuntis para mas dumami ang angkan nila."

"What? Oh my God. I can't believe you."

"Don't stress yourself, wife."

"Whatever, malanding Tintin na iyon. Nakakainis talaga ang mga malalanding lalaki na kahit may jowa na, kumikiringking pa rin sa iba. My God."

Saka siya tumayo at pumasok sa banyo, kaya natawa na lang ako.

Lauren and I have been married for a week. Pero bago kami nagpakasal ay naging magkaibigan na kami. Kinilala namin ang isa't isa, ang mga ayaw at mga gusto. Lumalabas kami, nanonood ng sine, kumakain sa labas, anything that a two-person did buy getting to know each other. But for us, it's a friendly date.

Malinaw ang usapan namin na walang mahuhulog lalo pa at isa lang ang lalaking mahal niya—si Hendrick Lee, na nakabuntis ng ibang babae at kakapanganak lang. Pero gaya ng sabi niya—mahal niya kaya tinanggap niya pa rin. On my side, ay alam kung imposibleng mahulog ako Lauren. Dahil hindi ko kayang magmahal, at hindi ko alam kung paano magmahal.

Hendrick and I were OK. Nagkita na kami ng ilang beses kapag sinusundo niya si Lauren, o kung ano ang sumusundo sa asawa ko sa agency nila. Wala kaming pormal na usapan at wala rin akong planong makipag-usap sa kanya. He's nothing but an actor-model, and I am Dy.

Lauren said na hindi bigdeal kay Hendrick ang kasal dahil ang sabi niya ay may tiwala siya kay Lauren kaya ayos lang sa kanya. Wala rin kasi siyang magagawa kung sumunod si Lauren sa daddy niya dahil hindi rin niya kayang ibigay ang kailangan nito. Kaya pinagbibigyan na lang niya ang kasintahan niya.

Honestly, wala naman akong pakialam sa set-up nilang magkasintahan. Basta huwag lang sila papahuli na dalawa. They can kiss, hug, and have sex anytime they want. Basta walang makakaalam, dahil ayoko rin masira sa daddy ko. Mas lalo na ang negosyong iniingitan ng pareho naming pamilya. Well, alam kong maingat din si Hendrick since may pangalan din siyang iniingatan. Hindi nga nakalabas sa publiko na may na anak siya.

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon