FIFTY-FOUR

885 39 4
                                    

I volunteered to bring her to the hospital. Dumiretso kami sa emergency room dahil nandoon si Hendrick para lapatan ng paunang lunas. Akala ko nga magiging aligaga siya at mahihirapan akong pakalmahin siya, pero mukha namang kalmado lang siya.

When we arrived, Lauren went to him. Mukhang OK naman si gago maliban sa putok sa labi at benda sa kamay. Hindi na rin ako lumapit sa kanila. Hinayaan ko lang si Lauren na makipag-usap sa kanya.

Naabutan namin si Hendrick na may kausap kanina na dalawang pulis at sila rin ang nag-imbestiga sa kaso ni Carmona. Nakatayo lang ako hindi kalayuan sa kanila at hinintay si Lauren. I just want to make sure that she arrived here safe; that's why I am here. Kaya pwede na rin akong umalis kung tutuusin, pero lumapit sa akin ang dalawang pulis.

"Mr. Dy."

"Yes?"

"Pwde ka ba makausap saglit?"

"If I am not mistaken, my brother said that if you want to know about Carmona's case, you can talk to his lawyer."

"Hindi po ito tungkol sa kaso ni Miss Carmona."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Tungkol ito sa nangyari kay Mr. Lee."

Tumingin ako kay Hendrick na masama ang tingin sa akin. Lauren is standing beside her, pero hindi naman sila ganoon kalapit na dalawa tingnan, kaya safe pa rin kami sa issue.

"Anong tungkol sa kanya?"

Nagtinginan muna ang dalawang pulis bago sumagot ang isa. "Nasaan ka nang mga bandang alas otso hanggang alas nuebe?"

Hindi ako sumagot tiningnan muna sila saka tumingin kay Hendrick at binalik sa kanila ang tingin. "Am I suspect in Hendrick's case?"

"Pwedeng oo, pero ang sabi ni Mr. Lee ay wala siyang kaaway at wala siyang nakasamaan ng loob maliban sa'yo. May hindi raw kayo pagkaka-unawaan na dalawa. Hindi niya masabi dahil personal, pero maliban sa'yo ay wala na siyang ibang alam na nakagalit. Pinatunayan din ni Miss Lauren...ng asawa mo na mukhang may hiwdaan nga kayo ng kaibigan niya."

"Yes, meron nga. Dahil masyadong pabibo ang gagong 'yan sa asawa ko. Jealous? Maybe dahil bida-bida siya sa relasyon namin. And I think I have the rights to get jealous, because I am the husband, isn't it?"

Tumango ang isang pulis habang ang isa ay tumingin sa dalawa saka binalik sa akin ang tingin.

"But I am neither a criminal nor a fool to threaten him. Ano ako, tanga kagaya niya? Ipapahamak ko ang sarili ko sa isang pipitsuging kagaya niya, samantalang kaya ko naman siyang ibagsak sa ibang paraan. Dragging his name into an issue that can ruin him is way better than hurting him."
Hindi nakasagot ang dalawang pulis nang magsalita ang isa. "Nasaan kayo nang mga oras na nabanggit ko."

"Sa Isa beach, kung saan pinatay si Carmona." Nagtinginan silang dalawa. "Around five to eight, I am at Cupid Bar owned by my brother. Nandoon na ako kahit sarado pa ang bar hanggang sa dumami ang tao. My brother owns the bar, so he allows me to stay there even though it was close. You can check the camera there. Around eight when the people started to get crowded, so I left. Sa Isa beach ako nagpunta dahil gusto ko sana tingnan ang pinangyarihan at baka may makita ako na hindi nakita ng mga pulis."

"May testigo kayo?"

"Yup, a baranggay tanod, hinarang niya ako dahil bawal daw pumunta sa speedboat.

Nagkwentuhan kaming dalawa. His name is Lando Macapagal."

"Nagkwentuhan tungkol saan?"

"Alamin niyo, puntahan niyo para mapatunayan niyong nandoon ako." Hindi na sila sumagot kaya tumingin ako sa dalawa na nag-uusap. "Suspect ba ako at huhulihin niyo? Para makausap ko na ang abogado ko."

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon