FIFTY-SIX

867 39 8
                                    

"How are you, Tita?" Lauren asked Tita Laura. Bumuntong hininga lang ang ginang saka tumingin sa labas ng bintana.

Nang dumating kami kanina ay may kausap siyang abogado na agad din umalis.

"Hindi ko alam, Lauren. Pwedeng kong sabihing OK, pwede ring hindi. Still moving on sa pagkawala ng kaisa-isa kong kaibigan."

Lauren held her hand to calm her.

"I miss her, Lauren. I spent more than half of my life as her best friend. Para akong nawalan ng kahati ng buhay dahil sa pagkawala niya."

"Tita..." Lauren caressed her hand as if trying to make her calm.

"Ang masakit ay hindi pa napaparusahan ang may gawa noon sa kanya. She was killed in a tragic way. She's not deserving those kinds of devious acts."

She looked at me and then looked at Lauren.

"The police keep working on it, Tita," Lauren said. "Tita Mona will have justice. Huwag kang mag-alala at mahuhuli rin ang totoong may sala."

"My brother helped the investigation too," I said.

She just nodded at me at saka binalik ang tingin kay Lauren. "Kung sino man ang gumawa noon sa kanya, I hope HE will rot in jail. Demonyo siya, kung may kasalanan man sa kanya si Carmona ay hindi niya dapat ginawa ang ganoon sa kanya. Halimaw siya, wala siyang puso."

"Surely, tita, mabubulok siya sa kulungan. Tita, you want me to stay here with you in the meantime?"

I want to disagree with her, but I remain quiet.

"I am OK, hija; don't worry about me. You, are you OK?"

"Yeah, I'm good. Dwayne taking care of me." She smiled at me, so I smiled at her too. Pero hindi ako pinansin ni tita Laura.

"Basta lagi kang mag-iingat, ha? Lalo na at hindi pa bumabalik ang ala-ala mo. Hindi mo kilala ang mga tao sa paligid mo."

Napansin kong hindi maganda ang mood ni tita Laura sa akin. Kanina pa masama ang tingin niya sa akin at hindi ako pinapansin ng maayos. Mukhang pinaparinggan niya rin ako sa mga salita niya.

Is she suspecting me? Naniniwala ba siyang may kinalaman ako sa nangyari kay Carmona?

"How are you and Hendrick? OK ba kayo?" Oh, fuck. Dragging that asshole's name irritates me.

"Yeah, we're good."

"Mabuti naman. I am glad to hear that you two are still together and that he's taking care of you. Alam kong hindi ka niya pababayaan."

"Excuse me, wife. I'll go outside."

"Where do you go, hubby?"

"Sa labas. I think you two need time."

"OK."

Hindi naman nagsalita si tita Laura at hinayaan akong umalis. Hindi na ako makikisali sa usapan nila. Mukhang hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni tita Laura. Hindi ko na kailangan umaktong parang santo at magpakamanhid kahit harap-harapan na niya akong pinaparinggan.

I went outside kung saan kami madalas na nag-uusap ni Carmona. This is her spot, kung saan ang lagi niyang ginagawa ay tingnan ang larawan namin. Dito siya tumatambay mag-isa.

Hindi ko maiwasan na hindi masaktan. She has a space in my heart and somehow became important. Kaya apektado talaga ako sa nangyari sa kanya, at hindi ako mapakali hangga't hindi siya nabibigyan ng hustisya.

I looked around the place nang hindi umaalis sa pwesto ko. I wanted to know kung may makukuha din ba akong lead dito. But I think nothing. Ewan, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung ano ba ang dapat gawin. All I know is I need justice. I want justice, because she needs justice.

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon