Chapter 7 : This Card Will Get You Drunk

1.3K 67 4
                                    

Chapter 7 : This Card Will Get You Drunk

Author's Note:

OMG TALAGA! Kanina ko pa na pansin na paulit-ulit lang 'yong Chapter 5 at 7. Thank you sa mga supporters ko d'yan! Maraming salamat talaga sa pag message sa akin na may mali sa chapter ko. Huhu! Hontōni gomen'nasai min'na😭

Eto na po yung continue ng Chapter 6, sorry talaga. Huhu!

Para makabawi ako may u-UD ako ng dalawang chapter, sorry talaga!

Enjoy reading!❤️




Mika's POV

"It's free pass." Sabi pa ni Chico at ipinakita ang baraha.

"Swerte ah." Natatawang sabi ni Jared sa kapatid.

Bumunot naman si Law at binasa iyon. "Wtf!" Mura nito habang binabasa.

Sinilip naman ito ni Chico at Law. "Keep you eyes closed until it is your turn again. If you open your eyes, you drink." Sabay na pagkabasa ni Chico at Hiro. Sabay naman kaming natawang lahat. Kung minamalas ka nga naman.

Inis na pumikit si Law ng mga at natatawang bumunot naman si Hiro ng baraha. "Pick a superhero and act out this superhero without talking. First person to guess correctly picks someone to drink." Natatawang basa ni Hiro sa baraha.

Tumayo ito at inilagay ang dalawang kamay sa sahig at umaaktong parang gagamba. "SPIDER MAN!" Sigaw ko at tawang-tawa naman itong tumango.

"Para kang baliw, Hiro." Tawang-tawang sabi ni Law.

"Hoy bakit ka dumilat! Inom ka inom!" Sabi pa ni Chico kay Law at pinainom ng alak.

Tawa lang ako ng tawa dito sa gilid.

"Sinong napili mong papainomin ng alak, Ate Mika?" Tanong ni Hiro. Napalingon naman ako isa isa sa kanila at ngumisi kay Prince. "Si Prince." Sagot ko.

Agad namang nagsalin si Law ng inomin at siya mismo nagpainom kay Prince sabay tawa.

"Ikaw na, Ate Mika." Rinig kong sabi ni Hiro kaya kumuha ako ng isang card at binasa.

"Flip a coin. If it's heads, you drink. If it's tails, everyone else drink." Sabi ko at kumuha naman ng piso si Chico sa cellphone niya. May coin purse kasi yun.

I flip the coin and cover it with my hand. Dahan-dahan ko itong sinilip at naghihintay naman ang lahat sa resulta. "IT'S TAILS!" Masayang sabi ko at sumimangot naman si Hiro at tawa naman ng tawa si Chico.

Uminom muna silang lahat bago bumunot si Prince. "Everyone votes on who is the most likely to get arrested. That person drinks." Basa niya. Agad naman nilang tinuro si Prince na nakaturo ang kamay kay Law.

"Darn bakit ako?" Inis na sabi nito. No choice sya kaya uminom nalang ito ng alak at kumain ng chicharon.

"Sige ako na." Sabi pa ni Jared tsaka bumunot ng card. "The person with the longest first name drinks. If there's a tie you both drink." Basa nito sabay tawa.

Agad naman nilang binilang ang mga letra ng pangalan niya.

"P-R-I-N-C-E, 6 letters." Sabi pa ni Prince.

"H-I-R-O, safe 4 letters." Natatawang sabi ni Hiro.

"C-H-I-C-O, safe 5 letters." Sabi ni Chico sabay tawa habang nakatingin kay Prince.

"J-A-R-E-D, 5 letters." Sabi pa ni Jared sabay kindat kay Prince.

"S-I-L-V-E-R, 6 letters." Sabi pa ni Law.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon