Chapter 67: Evange

249 15 5
                                    

Chapter 67: Evange

Author's Note: This Chapter is not edited.

Larah Kate's POV

Hapon na at mag isa ako ngayon sa bahay. Walong oras na ang dumaan simula nong umalis si Evangeline. May kikitain raw siya. Sino na naman kaya?

Napapadalas ang alis nang babaeng iyon. May lalaki kaya iyon? Hmm bakit mo tinatago, Evangeline? Kung sakaling meron man.

Matapos kong magisip-isip ay tumayo na ako at napagpasyahang magluto para sa haponan namin. Maaga kaming kumain ng haponan dalawa eh kaya hapon palang ay magluluto na ako.

Kinuha ko ang remote ng tv at nilipat sa youtube. Sinearch ko ang gusto kong kanta bago ako lumapit sa kusina. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay na ito pang lima katao lang ganon kaya rinig sa loob ng kusina ang pinapakinggan ko.

Kumakanta ako at sinabayan ng pagsayaw habang nagluluto ako ng adobong manok. Trip ko kumain neto ngayon eh. Nakita ko kasi sa facebook habang nage-scroll ako kanina.

Nang matapos akong magluto ay pumasok muna ako ng silid ko upang isara ang bintana doon at para mabuksan ko na ang aircon.

Umupo na ulit ako sa sofa. "Hihintayin ko nalang umuwi ang bruha." Inabot ko ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng mini table. Hinanap ko sa contacts ko ang pangalan mi Evangeline.

To: Evan

Asan ka na teh? wala ka na bang balak umuwi?
sent: just now

Narinig kung bumukas ang pinto. "Umuwi ka pa? Saan ka galing?" Bungad na tanong ko sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas at hindi ito sumagot kaya alarma ako at baka magnanakaw. Hindi ko pa naman inilock ang pinto.

"Evange?" Tawag ko sa kaniya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto.

"Eva—shit! Anong ginagawa mo dyan!" Mukha itong kinawawa sa labas. Parang bata na pinagkagulohan dahil sa buhok nitong wala na sa hitsura.

"Teh anong nangyari!?" May hawak pa itong bote ng alak. Agad na lumapit ako sa kaniya at inagaw ang bote ng alak at ipinatong sa kung saan. "Saan ka ba nangaling?" Tanong ko sa kaniya.

Inaya ko siya papunta sa kwarto nito. She's a mess. Juice colored!

Iniupo ko siya sa kama niya. Tinanggal ko ang sandal na suot niya. "K-kate." Nagkagat labi ito at pinipigilang hindi umiyak.

"Anong problema?" Eto ang kauna-unahang nakita ko si Evangeline na nasa ganitong sitwasyon.

"Kate!" Niyakap ako nito at humagolhol na ito sa pag-iyak.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko. Pumasok ako sa messenger at nagstart ng call sa group chat naming lima. Agad naman nilang sinagot iyon.

"Hi napatawag kayo—"

"Anong chismi—"

"May trabaho ako ano ba—"

"Tulongan niyo ako! Si Evange!" Putol ko sa dapat nilang sabihin.

"WHAT!?'

"WHAT HAPPENED TO EVAN?!"

"WHERE ARE YOU?!"

"Puntahan niyo kami sa bahay, ngayon din!"

"KATE WAAAAAHH!!"

"Please guys dalian niyo." Nagmamakaawa ako sa inyo. Hindi ako marunong magpatahan! Sa mga baby lang ang alam ko, pag umiiyak ang mga bata ay ipapadede lang sa kanilang mga Mommy. Eh alangan namang isubo ko sa bibig ni Evange yung susu ko!

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon