Chapter 28: Kim

895 30 1
                                    

Chapter 28: Kim

Mika's POV

HINANDA ko na ang sarili dahil punpuntahan ko pa si Nicholas sa opisina nito para idaan itong tanghaliang ginawa ko para sa kaniya.

"Lola Tere, alis na po ako!" Paalam ko kay Lola Teressa at kumaway naman ito sa akin.

Pumasok na ako sa kotse at nagsimula ng magmaneho si manong driver.

"Hintayin niyo lang po ako saglit, Manong ha. Ihahatid ko lang ito kay Nicholas." Sabi ko.

"Sige ba, Mika." Sabi nito at ngumiti.

Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. Pumasok na ako sa opisina at halos lahat ng tao ay nakatingin sa'kin.

May dumi ba yung mukha ko?

Pangit ba yung suot ko?

"Diba siya yung palaging pumapasok sa opisina ni Sir Nicholas?"

"Oo nga."

"Sila na ba?"

"I don't think so."

"Palaging may dala itong lunchbox, asawa ba ito ni sir?"

Rinig kong sabi-sabi sa paligid. Hindi ko nalang sila pinansin at agad na pumasok sa opisina ni Nicholas ng marating ko ito.

"Hi!" Bati ko sa kaniya. Abala ito sa mga papeles na nagkalat sa mesa niya.

"Good afternoon." Bati nito sa akin tsaka ako hinalikan ng marahan sa labi.

"Good afternoon, Nico." Sabi ko ng bitawan niya ang mga labi ko.

"Dinalhan kita ng pagkain mo for today pero hindi ako makakasabay, may lakad ako remember?" Sabi ko sa kaniya at tumango naman ito.

"Dederetcho ka na ba doon?" Tanong niya.

"Nope! Daan muna ako sa mall, nakuha ko rin naman yung sweldo ko kay Lola Teressa eh." Sabi ko at tumango naman ito.

"Eat well, I love you." Sabi ko tsaka hinalikan siya sa labi.

"I love you more, baby." He said and kissed me in the forehead.

"Aalis na ako." Sabi ko sa kaniya.

"Oo, mag-iingat ka." Sabi nito. Kumaway naman ako sa kaniya bago lumabas ng opisina.

Sumakay na ako sa kotse at nagpahatid sa mall. Bibili kasi ako ng gift, birthday ni Katelyn ngayon at syempre pupunta ako.

Pumunta ako sa shoes section. Bibili nalang ako ng sandal na 3 inches heels tsaka bag para kay Katelyn.

Pumuli muna ako ng heels na gusto ko para kay Katkat at napili ko ang white na sandal na may diamonds sa paligid.

Binayaran ko na ito at lumipat sa ibang store kung saan makakahanap ako ng bag. Pumili uli ako at color black at white naman yung binili ko. Dinalawa ko nalang para marami HAHAHA.

Binayaran ko na ito sa counter. "3,798 lahat." Sabi ng cashier.

Ngayon ko lang napansin na sobrang mahal pala ng bag na yun pero okay na yan. Ngayon lang naman. Inabot ko na yung pera ko at binigyan niya naman ako ng saktong sukli at agad na kinuha ang bag at lumabas na ng store.

Dumaan muna ako sa isang party store at bumili ng paper bag para ilipat itong pinamili ko. "Ah nakakagutom!" Sabi ko habang hawak ang tyan ko.

Napalingon naman ako sa relo ko at malapit na pala mag 2:30 ng hapon kaya bumili nalang ako ng burger at coke sa jollibee at agad na lumabas ng mall at pumara ng taxi.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon