Chapter 14 : What is happening?
Hiro's POV
UMAGA na nandito na kaming lahat sa hapag pero walang ulam, puro kanin ang nasa hapag.
"Nasaan si Mika?" Tanong ni Grandma sa Mayor Doma ng mansion.
"Hindi po namin nakita ngayong umaga, Madame Teressa." Sagot ng Mayor Doma.
"WHAT!?" Gulat na sabi ni Grandma.
"HUUWAAAAAAAAHHHH!!!!" Napalingon kaming lahat sa third floor ng sumigaw si Erica.
"ERICA!?" Dali akong tumayo sa pagkakaupo ko at agad na tumakbo patungo kay Erica.
Sumunod naman sila Kuya sa akin at tumatakbo rin ito.
"HUWAAAAAA!!!! KUYAAAAAA!!! SI ATEEEE!!" Mas lalo itong umiyak kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.
Halos liparin namin ang pagitan ng first floor at third floor. "FUCK BAKIT BA ANG LAKI NG BAHAY!!" Inis na sigaw ni Chico.
"I'M COMING, ERICA!" Sigaw ko. Dahil sa sigaw ko mas lalong humikbi ito.
Pagkarating ko doon magang-maga na ang mga mata nito at sobrang pula na ng mukha pati tenga nito.
"Shhh whay happened." I asked.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kuya Jared.
"May masakit ba sayo?" Tanong ni Kuya Prince.
Chineck naman nila sa loob kung anong meron. Tanong naman ako ng tanong pero hindi pa ako magawang sagotin ni Erica dahil panay ang iyak nito.
"Shhhh tahan na nandito na ang mga Kuya mo, okay?" Sabi ko sa kaniya.
Tinayo ko siya pero takip parin ang mukha nito gamit ang maliliit niyang palad.
"What's wrong?" I asked.
Singhot pa ito ng singhot bago nagsalita. "N-nasan si Ate...?" Tanong nito.
Nagkatinginan kaming lahat. " Jared check the CCTV's NOW!!" Matigas na utos ni Kuya Nicholas kay Kuya Jared.
"LOOK FOR MIKA!!" Inis na sigaw nito sa amin. Binuhat ko naman si Erica at ipinasa kay Kuya Prince at sabay na kaming tumakbo.
Sa laki ng mansion imposibleng mahanap agad namin si Mika. Halos isang oras na kaming naghahanap lahat sa mansion pero walang sign ni Mika. Iyak lang ng iyak si Erica katabi ni Grandma. Nagaalala na rin si Grandma eh. Walang nagluto, walang tumigil sa paghahanap, walang nakakaalala na hindi pa kami kumakain.
"Young masters!" Hingal na hingal na sabi ni Mang Pido. Siya yung gate keeper namin.
"Oh, Mang Pido?" Tanong ko sa kaniya. Nagsilapitan naman silang lahat.
"Ah...k-kasi...a-an...ano po kasi si Mika." Utal na utal na sabi ni Mang Pido.
"Anong nangyari kay Mika?" Tanong ni Kuya Nicholas.
"MAY NANGYAYARI KAY MIKAELA!?" Sigaw ni Grandma kaya agad itong nilapitan ni Kuya Hans para pakalmahin at baka atakihin ito sa puso.
"Kasi po umalis po siya kagabi pa sabi niya may pupuntahan lang siyang kaibigan." Sabi pa ni Mang Pido.
"Po??" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Anong oras? ANONG ORAS?!!" Galit na sabi ni Kuya Nicholas.
"A-a..alas utso po ng gabi." Sagot ni Mang Pido.
"FUCK! 8PM! ANONG ORAS NA NG UMAGA? MAG AH ALAS SYETE NA!!" Inis na sigaw nito.
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN III
RomanceBillionaire Series 1 : Nicholas Corden III A 21 years old woman named Mikaela Angela Sarmiento. She is beautiful but not so attractive. She doesn't care about the world because she's too busy working for her life and she has a little sister named Er...