Chapter 39: Childhood friends

840 25 1
                                    

Chapter 39: Childhood friends

Mikaela's POV

"Magkakilala kayo?" Tanong ko kay Jacov at Kevin.

"Oo naman." - Jacov.

"Yes." - Kevin.

"Paano?" Tanong ko.

"We're childhood friends." Sabay nilang sagot.

"Hala totoo?" Manghang sabi ko.

"Bakit kayo magkasama?" Napalingon naman kaming lahat kay Joshua.

"Ah...eh..." Shot! Hindi ko alam ang isasagot ko!

"Kayo na ba?" Tanong ni Jacov na nag-aasong mukha.

"Baliw, hindi!" Sabi ko.

"Bakit kayo magkasama?" Tanong uli ni Joshua.

"Dahil Boss ko siya." Si Kevin ang sumagot.

Kumunot naman ang noo ni Jacov at Joshua.

"Baliw ka talaga! Wag niyo nga'ng dalhin ang kabaliwan ninyong lima dito sa pamamahay ni Joshua!" Saway ko sa kaniya.

"Lima?" Halos sabay na tanong ni Jacov at Joshua.

HUHU Lord kelan pa 'to matatapos? Gusto ko lang namang lumabas eh! Gusto ko ng kumain! Bakit ba kasi lumabas ang bwest na 'to ng sasakyan!

"Gosh! Kevin bumalik ka na nga sa kots—"

"ANG TAGAL NIYO NAMAN!" Inip na inip na boses ni Tres. Lumingon naman silang tatlo sa likoran ko at napa facepalm nalang ako.

"Sino na naman 'yan?" Tanong ni Joshua.

"Mga alipin ko!" Inis na sagot ko kinuha ko ang baso na nasa mini table at agad na hinagis kay Tres dahil sa inis na inis na ako. "Bwesit ka talaga! Bakit ka lumabas!!!" Inis na sigaw ko.

Umilag naman ito at nabasag ang baso sa sahig na lumikha ng ingay. Agad namang naglabasan ang mga maid sa kusina at sinimulang linisin ang bubog na nasa sahig.

"Kalma ka lang, Lady Angela." Sabi ni Tres.

"Lady?" Sabay na sabi ni Jacov at Joshua.

"Mga baliw ang mga 'to!" Sabi ko.

"Bumalik na nga kayo sa kotse, NGAYON DIN!" Inis na sigaw ko at tumango naman ang dalawa at magkasabay na lumabas.

Hawak ko ang ulo ko dahil sumasakit na ito. Nakakabwesit na talaga.

"Sino ang mga 'yon?" Tanong ni Joshua.

"Ewan ko, Josh. Nagsilabasan lang ang mga asungot na 'yon at sinasabing Boss nila ako. Ni hindi ko nga sila kilala!" Inis na sabi ko.

Nagkatinginan naman si Jacov at Joshua. "Mik?" Napalingon ako kay Joshua.

"May party'ng magaganap bukas ng gabi at wala akong partner. Pwede bang ikaw nalang?" Tanong ni Joshua at tumango naman ako.

"Oh sige ba, para makawala na ako sa mga engot na 'yon at wala naman akong ginagawa sa mansyon." Sabi ko.

"Mansyon?" Tanong niya.

"Oo, mansyon ko raw,  sila lang naman nagsasabi niyan eh, ewan ko ba nababaliw na ata ang mga 'yon." Sabi ko. Para narin malibang-libang ko ang sarili ko para makalimutan ko na ng tuloyan si Nicholas.

Hindi naman sumagot si Joshua. "Text nalang kita bukas, Josh. Aalis na ako, nagugutom na kasi ako at pati rin ang mga halimaw na 'yon." Sabi ko at tumango naman sila.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon