Chapter 72: Delivery Room

343 16 6
                                    

Chapter 72: Delivery Room

[Warning: Not Edited]

Veronica's POV

3 weeks later

"Good morning, Baby." Bati ni Nicholas sa akin.

"Kanina ka pa gumising?" Tanong ko.

"37 minutes ago." Nakangiting sabi niya.

"Tapos nakatitig ka lang sakin?" Natatawang sabi ko.

"I love watching you sleep." He said and he kissed me on my lips.

"Stop that! Hindi pa nga ako nagsisipilyo." Inirapan ko ito at tinawanan niya lang ako.

"Help me up." I said. Agad namang siyang tumayo at inalalayan ako pa tayo.

Simula no'ng sa bahay nila Nicholas hanggang ngayon ay palaging nandito si Nicholas. Hindi ako pwedeng gumalaw na ako lang. Kailangang may umalalay sa akin. Bawal rin akong maglakad lakad dahil dinudugo agad ako kaya bumili na kami ng wheel chair.

Paminsan minsan naman ang pagbibisita nila Hiro dito. Natatawa nga ako eh kasi by schedule sila kung pumunta rito. Nagpapasalamat naman akong naiintindihan nila ang kalagayan ko.

Pinaupo ako ni Nicholas sa wheel chair at tinulak niya iyong hanggang makapasok kami ng banyo. Inalalayan niya akong sa pagtayo. Agad naman akong naghilamos at nagsipilyo.

Habang nagsusuklay ako ng buhok ay nilapit ni Nicholas ang kaniyang mukha sa aking leeg. "Ano ba, Nico! Nakikilitian ako." Sabi ko sa kaniya pero mukhang hindi ako naririnig nito.

"I want to touch you so badly, baby." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Magpigil ka, Nicholas." Napasimangot naman ito kaya mas lalo akong natawa.

Hinimas himas nito ang tyan ko. "Ang tagal niyo namang lumabas, gusto ko na kayong sundan." Pinalo ko naman si Nicholas sa braso.

"Oo sundan mo tapos ikaw ang manganak ah!" Natawa naman siya.

"Kung maka sabi ka d'yan! Akala mo ikaw magdudusa ng syam na buwan!" At humalakhak na ito.

"Hindi naman kita pinapabayaan ah." Sabi nito at hinalikan ako.

"Kung may paraan lang talaga na ilipat sayo yung sakit! Tignan natin kung hanggang saan yang angas mo." Binelatan lang ako nito.

"Mom!" Agad akong napalingon sa may pinto ng marinig ko ang takot na boses ni Alistair.

"Anong nangyari?" Kinakabahan ako.

"Si Area mainit." Naluluhang sabi niya. Inalalayan naman ako ni Nicholas na makaupo ulit sa wheel chair at tinungo na namin ang silid nila Alistair.

Na abotan naming hinahawakan ni Erica si Area. "Ate ang init-init niya."

"Nicholas, paki tawagan si Manang." Utos ko sa kaniya at agad niya namang sinunod.

Hindi ko kayang alagaan ang anak ko sa lagay ko ngayon. Inusog ko ka onti ang wheel chair papalapit kay Area.

Pinatong ko ang palad ko sa noo niya at agad naman akong napaso. "M-mhie." Umiiyak na ito.

"Mhie, ang sakit ng u-ulo ko." Para akong maiiyak.

"Shhh. Nandito lang si Mommy, kailangan mo lang magpahinga." Dumating naman agad si Manang na may dalang kool fever, tubig at gamot.

"Nako ang alaga ko nilalagnat." Pinainom naman ito ni Manang at nilagyan ng kool fever sa noo.

"Bakit nilalagnat si Area?" Tanong ko kay Manang.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon