Chapter 36: Goodbye's
Mikaela's POV
Sobrang sakit na ng katawan ko. Parang ilang minuto nalang ay bibigay na ang katawan ko kaya kailangan ko ng umalis sa lalong madaling panahon.
"Lola Teressa!" Sigaw ko para marinig ako ni lola na ngayo'y nasa itaas.
Kitang-kita ko kung paano ito humikbi. Lumuhod ako sa sahig at niyuko ko ang noo ko hanggang sa sahig bilang respeto sa kaniya, "Maraming salamat po, Lola Teressa. Sa lahat lahat na ginawa niyo sa buhay ko, salamat sa alaga at pagmamahal niyo sa akin. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan." Sabi ko.
Narinig ko ang paghikbi si Hiro sa gilid ko. "A-ate....anong pinagsasabi m-mo?" Umiiyak niyang sabi.
"H-hindi...k-ka....aalis d-diba?" Mas lalong sumikip ang puso ko ng makita ko kung gaanong nahihirapan si Hiro.
Tumalikod naman si Jared, Law at Prince. Alam kung umiiyak din ang mga baliw na yon, kahit gaano pala sila ka manhid ay may puso parin ang mga iyon.
"Aalis lang ako, Hiro. Hindi naman ako mawawala." Sabi ko kay Hiro at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Ate naman eh!" Sabi nito at mas lalong ibinaon ang mukha niya sa leeg ko.
"What did you say, Mika?" Tanong ni Nicholas.
Binitawan ko muna si Hiro at inayos ang mukha ko at ngumiting humarap sa kaniya.
"I'm breaking up with you, Nico." Kahit masakit ay kailangan ko itong gawin. Ayokong maging hadlang sa kanila ni Kim. Mahal na mahal ko siya at kaya kong gawin ang lahat sumaya lang ang taong mahal ko kahit ang ibig sabihin non ay kailangan ko siyang palayain ay gagawin ko.
Hindi ito gumalaw o nagsalita. Nakatingin lang siya sa'kin. Ngumiti naman ako ng matamis at totoo sa kaniya. Huli nato.
"Paalam." Sabi ko at kinuha si Erica at paika-ikang naglakad.
Akmang pipigilan ako ni Hans at Hiro ngunit agad silang napigilan ni Law at Jared na ngayo'y umiiyak.
Ngumiti lang ako sa kanila at nagpatuloy kami ni Erica sa paglalakad. "Ate okay ka lang?" Tanong nito sa'kin ng makalabas na kami ng gate ng mansyon. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Kahit gusto ko ng umiiyak at humiga dahil sa sobrang sakit at pagod na natamo ko.
Hindi ko alam kung saan ako ngayon pupunta. Ayokong pumunta kela Joshua. Makakagambala lang ako doon, ayoko ring gulohin ang tahimik na buhay ni Katelyn.
Hindi ko na alam kung saan kami pupunta ni Erica ngayon. Tumigil kami sa isang park ni Erica. Walang tao ron dahil hating gabi na.
"Erica...pipikit lang saglit si Ate ah." Sabi ko.
"Sige ate, babantayan kita." Sabi nito.
Bago pa ako makapikit at may humablot kay Erica, ngunit hindi na ako makapag react dahil nilamon na ako ng dilim.
Joshua's POV
Abala ako sa opisina ng marinig ko ang tawag ng sekretarya ko.
"Sir, sir, sir. I'll remind you that the party will be 7 days from now." Sabi ng sekretarya ko at tumango naman ako.
Mikaela's POV
Nagising ako sa hindi kilalang silid. Napalingon-lingon ako sa paligid. Medyo masakit parin ang katawan ko. Si Erica? SI ERICA!? SI ERICA—
"ATE! MABUTI AT GISING KA NA!" Masayang sabi nito sa'kin at agad na tumakbo papalapit sakit at niyakap ako.
"Aray...aray..aray." Agad niya naman akong binitawan.
"Sorry, na miss lang kita ng sobra ate. Tatlong araw ka ng tulog eh." Nagulat pa ako dahil sa sinabi ni Erica.
"3 days!?" Gulat kong sabi at tumango lang ito. "Nasaan pala tayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Nasa bahay mo RAW tayo." Sabi niya na ikinagulo ng isip ko.
"Bahay? Bahay ko? Huh?" Hindi ma proseso ng utak ko ang sinabi ni Erica.
"Hindi ka naman nagsabi ate na mayaman pala tayo?" Masiglang sabi nita sabay talon talon.
"Sinong nagdala satin rito?" Tanong ko.
"Si Kuya Kevin and friends po." Gusto kong matawa sa pagsagot ni Erica sakin. Ano raw? HAHAHAHAHA
"Sinong Kevin?" Natatawang tanong ko.
Nakarinig ako ng mahinang katok sa nakaawang na pinto at sumilip ang isang, kasambahay?
"Magandang hapon po, Lady Angela. Ang tanghalian niyo po ay nakahanda na. Naghihintay na po ang iba." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito pero wala akong nagawa kondi ang tumango at tumayo. Humarap ako sa isang pamilyar na salamin. Inayos at sinuklayan ko muna ang buhok ko at pumasok sa banyo. "Sabihin mo muna sa kanila na mauuna na silang kumain at maliligo pa ako." Utos ko kay Erica. Tumango naman ito at naglakad papalabas ng pinto.
Pumasok na ako ng banyo at nagsimulang maligo. Tinangal ko lahat ng benda ko sa katawan at dahan-dahan iyong hinugasan. Matagal akong natapos syempre, dahan-dahan lang ang kilos ko at baka bumuka ang sugat ko sa leeg na hindi parin gumagaling at sobrang sakit parin ng katawan ko.
Matapos kung magbihis ay lumabas na ako sa banyo at laking gulat ko ng tumambad ang isang babaeng nakasuot ng pangdoctor ang nakaupo ngayon sa kama ko. "Narito po ako upang gamotin at takpan ang mga sugat ninyo, Lady Angela." Magalang na sabi nito.
Kanina ko pa napapansin na Lady Angela ang tawag nila sa'kin. Lady? Ako lady? Para nga akong kargador ng semento sa construction company eh.
"Upo po kayo." Sabi nito at umupo naman ako sa tabi niya at binendahan ang sugat ko sa leeg at nilagyan rin ng kung ano ano ang mga pasa ko sa katawan.
"Magbihis na po kayo." Magalang na sabi nito at tinulongan akong isuot muli ang aking towalya. Iniwan na nito ako sa loob ng kwartong iyon at agad akong pumasok sa closet at naghanap ng damit. Wait what? Bakit ko alam? Huh? Eh? Ehhhh???!!!
"Anong nangyayari?" Nagugulohang tanong ko.
Dali dali akong nagbihis at nakasalubong ko naman si Erica daan. May kinakain itong candy. Ngayon ko pa napansin na sobrang taas ng bahay nito. Nasa fifth floor ako at may seventh floor pa. "Tara na, Ate. Hinihintay ka na nila sa baba.
Dalawa ang elevator na nandidito. Ang ganda naman ng bahay nato. Bahay ba 'to or kastilyo? Hahay sana ganito rin kaganda at kalaki ang bahay namin.
Ilang minuto rin ay nakababa na kami ni Erica at may tumambad naman na maid sa amin sa labas ng elevator.
"Dito po ang daan patungong hapag, Lady Angela." Sabi niya at tumango naman ako at sumunod sa kaniya.
Nasa gilid ko parin si Erica na abala sa pagdila ng kaniyang lollipop.
Binuksan nito ang malaking kahoy na pinto at tumambad sa akin ang napakarangyang hapag. Sobrang ganda at napakalinis. Kumunto ang noo ko ng mapagtanto kong may limang lalaking nakaupo sa hapag.
Nagulat ako ng makita ang dalawang imahe ng lalaking kilala ko. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Anong kailangan niya sa'kin? Sa amin.
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN III
RomantizmBillionaire Series 1 : Nicholas Corden III A 21 years old woman named Mikaela Angela Sarmiento. She is beautiful but not so attractive. She doesn't care about the world because she's too busy working for her life and she has a little sister named Er...