Chapter 45 : Death Threats

893 20 0
                                    

Chapter 45 : Death Threats

Mikaela's POV

Abala ako ngayon sa pagbebake ng cake ng mapansin kong kanina pa nag va-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa kitchel island.

Tinigil ko muna ang pagpagfi-first coating ko ng chocolate sa cake at naghugas ng kamay sa lalabo at agad na nilapitan ang cellphone ko.

Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa. Another death threats? Pang anim na ito ngayong araw ah. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagco-coat ng cake.

Napalingon ako kay Erica na papasok sa loob ng kusina. "Ate! Ate! Maliligo kami ng pool nila kuya Blake, sama ka?" Tanong ni nito.


"Hindi pa ako tapos eh, kayo nalang." Sabi ko at tumango naman siya at tumakbo na papalabas.

"Para kanino yan?" Napalingon ako kay Kevin. Nakasandal ito sa pinto ng kusina habang ang mga braso ay nakakrus at ang mga matang nakatingin sakin.

"For us." I answered and continue what I am doing.

"Really?" Sabi nito gamit ang kakaibang tuno. Yung tonong hindi na niniwala.

"Yes, palagi akong gumagawa ng cake at cupcakes noong nasa mansyon pa ako ng mga Corden. Mahilig din kasi sila ng mga ito so do I." I said. Tumango lang ito at lumapit sa ref at kinuha ang isang gallon ng ice cream.

"Hoy! Magkakaubo ka niya!" Sabi ko sa kaniya.


"Hindi ako katulad mo." Tanging sabi nito at sumubo na ito ng ice cream gamit ang s-san...SANDOOK!??

"BALIW KA TALAGA!" Sabi ko at inagaw sa kaniya ang sandok at pinalitan ito ng kotchara.

"Yabang-yabang mo pag ikaw talaga nagkasakit. Sinasabi ko sayo, Kevin." Banta ko sa kaniya at tumawa lang ito.

"Baliw." Tanging sabi ko at inilagay na sa ref ang cake dahil tapos na ako.


Kumuha rin ako ng kotsara at tumabi kay Kevin. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon. Nagulat ako dahil sa sobrang daming missed calls galing kay Hiro.

Agad ko namang tinawagan ito. Isang ring palang ay sinagot na niya ito.

"Ate!"

"Napatawag ka? Sorry hindi ko nasagot, pinatay ko kasi ang cellphone ko." Sabi ko sa kaniya.

"Okay lang ate. Ipapaalam ko sana si Erica. Magbobonding lang sana kami, miss na miss ko na siya eh." Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Si Erica lang pala ang na miss mo?" Kunwaring nalulungkot kong sabi.

"Pati rin ikaw ate no, pero alam ko namang may ginagawa ka sa mga oras nato kaya si Erica nalang muna ang dadalhin ko, ayaw ko rin naman kasing makaabala sayo." Natawa naman ako.

"Joke lang kasi eto naman napakaseryoso." Sabi ko. "Okay, ipapahatid ko lang si Erica sa mansyon." Sabi ko.

"Yes! Thank you, Ate! Thank you!!" Masayang sabi nito.

"No problem." I said. "What times?" I asked.

"1:00 pm." He said.

"Noted." Sabi ko at nagpaalam naman siya na maghahanda na. Sobrang excited talaga ang batang yon pagdating kay Erica.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon