Chapter 56: New Beginning

638 22 6
                                    

Chapter 56: New beginning

Kevin's POV

Nagkakasiyahan ang lahat dito sa pool area. Nasa pool naman si Erica na may suot na flotation device na donut ang hugis. Karga naman ni Hiro si Alistair at karga naman si Chico si Area. Nasa gilid naman ng pool si Jared habang nakababad sa pool ang mga binti. Nakaupo naman sa Chaise Lounges si Law at Prince. Nasa upoan naman sa ilalim ng umbrella sila Nicholas at Hans katabi nito ang ama at ang kaniyang lola.


Naka swimming attire na kaming lahat. Tumayo naman si Prince at Law. "Mag-iihaw kami." Sabi nito at nagtungo sa ihawan at nagsimulang mag ihaw.



"Manang. Manang. Manang." Sigaw ni Blake at lumabas naman ang aming mayordoma.



"Bakit po, Sir Blake?" Tanong nito.


Pakilabas po ng softdrinks, yakult at yung cake na gawa po ni Queen na nasa fridge." Utos nito.


"Right away, Sir Blake." Sabi nito at nagmadaling bumalik sa loob ng mansyon.


"Butler Kin, ang mga alak po!" Utos naman ni Blake.


Tumango naman si Butler Kin na naka tayo lang sa gilid ng pinto.

"Kuya Kevin, si Poison po? Hindi ko po nakikita." Biglang sabi ni Erica.

"Sino si Poison?" Tanong ni Chico.

"Yung malaking ahas po." Natigilan namn silang lahat. Tumawa naman ako.


"Andyan lang yun, hindi lumalayo ng mansyon yun, lalo na sa silid ni Queen." Sabi ko at tumango-tango naman si Erica.


"Wag kayong magbiro ng ganyan." Napalingon naman kaming lahat kay Law.

"Takot ka sa ahas?" Tanong ni Blake.


"Oo, may phobia yan sa ahas." Sagot ni Prince.


"Kayong lahat naman siguro ay takot sa ahas." Sabi ko.


"Hindi no." Natatawang sabi ni Prince.


"Hindi rin." Si Hiro.


"Si Law lang talaga." Confident na sabi ni Hans.


Tumango-tango naman ako. Tignan nalang natin kung hindi kayo magkanda takbo-takbo mamaya pag nagpakita si Poison. Natatawa nalang ako sa magiging reaksyon nilang lahat.



Sumapit ang hapon at hindi parin sila tumigil sa pagligo. Nakita kong inaantok na sila Alistair at Area. "Manang. Manang. Manang." Sigaw ko at agad namang itong lumabas.



"Pakibihisan na ang tatlo, hapon na at inaantok na ang dalawa." Hindi naman umangal ang tatlo lalong-lalo na ang dalawa dahil nabibigatan na ito sa kanilang mga talukap at pumipikit ng mag isa.



"Masusunod po." Sabi nito at kinuha si Area.



Binuhat naman ng ibang katulong sila Erica at Alistair.


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon