Chapter 6 : Gather

1.4K 64 11
                                    

Chapter 6: Gather

Mikaela's POV

HAPON na ngayon at nasa parke ako at kasama ko si Hiro, Lola Teressa at si Erica.

Nasa play ground si Erica kasama ang mga ka edaran niya at naglalaro. Si Lola Teressa naman ay nasa ilalim ng puno at nakamasid sa kapaligiran. Narito naman kami ni Hiro sa bandang likoran ni Lola Teressa at naka upo sa isang bench.

"Ate." Tawag nito sa'kin.

"Kanina ka pa ate, ng ate ah." Sabi ko sa kaniya.

Nagpuot naman ito at inirapan ako. "Gusto ko lang naman may kapatid na babae eh! Ba't ba!" Nakasimangon na sabi nito.

Nagulat naman ako at ng makabawi ay tumawa. "Anong nakakatawa ha?" Pikon na sabi nito.

"Cute mong tignan." Sabi ko sa kaniya sabay kurot sa pisnge.

"Heh! Binata na ako, hindi na ako bata para maging cute." Sabi nito.

"Binata raw pero gustong magka ate." Sabi ko sabay tawa.

Pikon ito at pinagkrus pa ang mga braso at pikon na tumingin sa playground. Tumawa naman ako ng malakas, sabi nila bepolar daw ang magkakapatid na Corden. Iba ang isang to, cute eh HAHAHA.

"Osya-sya ate mo na ako simula ngayon." Sabi ko at gulat naman itong lumingon sa'kin at ngumiti. "Cute." Bigla namang sumimangot ang mukha nito sa sinabi ko.

"Bakit ba ayaw mong sabihan ng cute, eh totoo naman." Natatawang sabi ko pero inirapan lang ako nito.

"Halika na nga bumili tayo ng Ice cream at cotton candy." Sabi ko at lumiwanag naman ang mukha nito at tumango. "Pero libre mo, mayaman ka eh." Sabi ko.

Ang akala ko ay sisimangot eto pero ngumiti ito sa akin. "Kahit bilhin ko pa ang pa ang buong Dairy Queen ay hindi ako maghihirap." Mayabang na sabi nito.

Tinawanan ko lang ito at hinila na papunta sa Dairy Queen na katabi lang ng park.

Bumili kami ng dalawang cookies an' cream, isang rocky road para kay Erica at isang Chocolate para kay Lola Teressa. Bumili rin kami ng cotton candy sa labas at bumalik na sa inuupoan namin.

"Lola eto po yung sayo." Sabi ko sa kaniya sabay abot ng ice cream na para sa kaniya.

"Salamat." Sabi nito at ngumiti.

Sinenyasan ko naman si Erica na lumapit rito at iniangat ang ice cream na dala ko. Sumaya naman ang mukha nito at kinausap ang mga kalaro. Nagpapaalam siguro at agad na tumakbo sa gawi ko.

"Hala ice cream!" Nakangiting sabi nito.

"Sayo yan, wag mo damihan ha, makakasama yan sayo." Sabi ko at tumango naman siya at hinay-hinay na kumain ng ice cream.

Sa isang buwan ay isang beses ko lang itong papakainin ng Ice cream, hindi na nagtitipid kami kundi sa bawal talaga sa kaniya.

Bawal siyang magkasakit dahil nahihirapan siyang huminga sa tuwing uubo ito at ayaw ko naman siyang makitang nahihirapan at ayaw niya rin ng ganon kaya hindi ito humihingi ng ice cream o malalamig na pagkain at inumin.

"Erica, call me Kuya Hiro." Sabi pa ni Hiro sa kapatid ko. Lumingon pa si Erica sa akin at tumango lang ako sa kaniya.

"Okay, kuya Hiro." Sabi nito. Ngumiti naman ng nakakalapad si Hiro. Halatang gusto niya talaga ng babaeng kapatid.

Sumakay na kaming lahat sa kotse at nagmaneho ang driver pabalik sa bahay. "Nasiyahan ka ba ang parke kanina, Lola Teressa?" Tanong ko kay Lola.

Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. "Oo, iha." Sagot nito kaya ngumiti ako sa kaniya.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon