Veronica
3 years later
"Ice! Ace! Sabing wag kayong lalayo!" Tawag ko sa dalawa. Naglalaro ito sa likod ng mansyon kong saan may malaking puno na may duyan. May play ground doon upang doon maglaro ang mga bata.
"Yes, Mom!" Sabi ng dalawa.
"I'm home!" Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Erica, Area at Alistair. May dala silang pasalubong para sa tatlong kapatid.
"Welcome back." Sabi ko at niyakap nila ako at hinalikan isa isa.
"Saan ang mga kapatid ko?" Tanong ni Alistair. Binatang binata ito sa kaniyang uniform at dalagang dalaga naman si Area at Erica sa kanilang uniform.
"Nasa likod." Sagot ko. Nagsitanguan naman ang dalawa kaya pumunta sila sa likod at hindi man lang nagabalang magbibis muna.
Pumasok ako sa kusina kung saan kumakain ang bunsong anak ko. "Yana?" Tawag ko sa kaniya.
"Mommy!" Tawag niya sa akin. Binuhat ko na ito. "Salamat, Manang."
"Kahit ano para sa batang ito." Sabi ni Manang at marahang kinurot ang pisnge ni Yana. Bumungisngis naman ang bunso. "Tara na. Nandito na sila Ate at Kuya." Sabi ko.
"Ate! Kuya!" Masayang sabi niya. Napapalakpak pa ito dahil sa tuwa.
"Mhie? Nasaan si Yana?" Tanong ni Area.
"Here! Here!" Sabi ni Yana kaya natawa ako. "OMO MY BABY BABY!" Sabi ni Area at hinalikan sa pisnge ang kapatid.
"Ate!" Sabi ni Yana habang hinimas himas ang mukha ng kaniyang kapatid. Ibinaba ko naman ito para makapaglaro kasama ang mga kapatid.
Tumayo ako at pinanood silang maghahabulan sa aming bakuran. Napatanaw ako sa langit.
Inay, Itay. May mga anak na ho ako. At hindi ko po pinabayaan si Erica tulad ng pangako ko sa inyo ni Tatay.
Mommy, Daddy. Napaghiganti ko na po kayo. Sana masaya kayong nagkakasundo ryan sa langit. At sana masaya kayong magkasama ni Maiko.
Myla, kakambal ko. Pasensya na at hindi kita nailigtas noon. Pasensya na dahil hindi kita naipagtanggol noong mga bata pa tayo. Patawad kapatid ko kung iniwan kita noong manahong nagmamakaawa kang wag akong umalis. Hindi ko inakalang huling pagkikita na natin iyon at nang makita tayong muli ay ganoon ang ating pagkikita. Mahal na mahal kita kapatid ko. Antayin mo ako dyan. Kapag sawa na ako sa buhay ay susunod ako ryan. Wag muna ngayon dahil kailangan pa ako ng mga mata at alam kong iiyak si Nicholas pagnagkataon.
Wag kang magalala kakambal ko. Iingatan at mamahalin ko ang mga anak mo. Ituturing ko sila ng akin. Ipaparamdam ko sa kanila anv kakulangan mo noon. Sana wag mong sisihin ang sarili mo. Nabulag ka lang dahil sa galit at selos ng mga panahon iyon. Hindi mo iyon kasalanan. Mahal na mahal ko kayo. Mag ingat kayo ryan at wag na wag niyo kaming papabayaan.
Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan Niya ako ng buhay na ganito. Hindi ko matukoy kung ano ang ginawang kabutihan ko sa mundong ito at kung nararapat akong magkaruon ng pamilyang ganito.
Naramdaman ko ang mainit na labi ni Nicholas sa gilid ng aking mga mata. "Bakit umiiyak ang mahal ko." Tanong nito sa akin. Pinunasan ko naman ang aking mga luhang hindi ko namalayang tumutulo na pala.
"Welcome back, Nico. Kamusta ang trabaho?" Tanong ko sa kaniya.
"Eto nakakapagod pero kung ganito lagi ang uuwian ko, hinding hindi ako magsasawang magpakapagod sa trabaho dahil alam kong maraming dahilan upang mapawi ang mga pagod kong iyon." Sabi nito sabay tanaw sa mga anak naming naglalaro sa bakuran.
Napalingon ako kay Nicholas at ganoon rin siya sa akin. Hinalikan ako nito sa aking labi.
Wala na akong hihilingin pa sa buhay ko ngayon. Kontento na ako sa kung anong meron ako ngayon. Mahal na mahal ako ng Panginoong Dyos at hindi niya pinabayaang mabawasan ang aking pamilya sapagkat nadagdagan kami ng isa—Keithara Aurianna Aldridge Corden.
____________
Kahit pa maraming unos ang dumating sa ating buhay, huwag tayong bibitaw sa pananampalataya at pag-asa. Sa bawat pag-ikot ng mundo, tandaan natin ang halaga ng pagmamahal sa sarili at sa kapwa. Hindi lahat ng bagay ay dapat sukuan, at may mga laban na kailangan nating ipagpatuloy.
Sa mga pagkakataon ng panghihina, isipin natin ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa atin. Huwag nating palampasin ang mga pagkakataong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin araw-araw. Ang pagiging grateful ay isang daan patungo sa mas maligayang puso at isipan.
Sa bawat araw na lumilipas, tandaan natin na ang pag-asa ay tila bituin na kahit sa madilim na gabi ay nagbibigay liwanag. Huwag nating isantabi ang mga pangarap at layunin na nagbibigay saysay sa ating pag-iral. Sa bawat hakbang na ating tatahakin, isama natin ang halaga ng integridad at pagiging tapat sa sarili.
Sa kabila ng mga pagsubok, tanging sa pagsasama-sama at pagtutulungan natin makakamit ang tunay na tagumpay. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa, sapagkat ang bawat bagong umaga ay pagkakataon na magsimula muli at baguhin ang takbo ng ating kwento.
BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN
ENDS HERE
THANK YOU SO MUCH EVERYON😘Also read my other story
BILLIONAIRE SERIES 2 : Tyler Fabriquire
BINABASA MO ANG
BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN III
RomantikBillionaire Series 1 : Nicholas Corden III A 21 years old woman named Mikaela Angela Sarmiento. She is beautiful but not so attractive. She doesn't care about the world because she's too busy working for her life and she has a little sister named Er...