Chapter 71: New Members

245 16 6
                                    

Chapter 71: New Members
[Warning: Not Edited]

Veronica's POV

We're on our way to the Corden's Mansion. "Sino po sila—iha ikaw pala iyan, long time no see." Masayang sabi ni Manong.

"Long time no see, Manong. Si Nicholas po?" Tanong ko.

"Nasa loob po." Binuksan nito ang malaking gate gamit ang monitor.

"Maraming salamat po." Magalang kong sabi.

"Walang ano man iha."

Habang papalapit kami sa kinakabahan ako. Ang tagal ko ng hindi nakakabalik rito. Hindi rin ako nagpapakita sa kanila. Sinalubong kami ng mga kasambahay.

"Magandang hapo—" natigilan ang kasambahay. Ang mga mata nito ay nasa tyan ko.

"Si Nicholas?" Tanong ko.

"Nasa kaniyang silid po." Magalang na sagot nito.

"Sinong nandiyan?" Boses iyon ni Chico? "Papasokin mo, yaya!"

"O-opo."

"A-ate?" Hindi ito makapaniwala. Dahan-dahang bumaba ang mga mata nito sa tyan ko. "Si Kuya mo?" Tanong ko.

"N-nasa taas." Tumango lang ako at naglakad na papasok sa loob.

"Hello, Lola." Bati ko kay Lola Tere.

"Hija!" Masaya kong sinalubong nito. Ramdam ko ang mga titig ng lahat. Nandito ang lahat maliban kay Dad at Kuya Hans.

"A-ate?" Basag ang boses ni Hiro. Grabe mahigit isang linggo lang kaming hindi nagkikita, nagiging emosyonal ang lahat. Sino ba yung buntis? Ako o sila?

"Hija! Ang ganda ganda mo par—you're pregnant?!" Masayang sabi niya at tumango ako.

"OH MY Mija! Ang saya saya ko!" Niyakap ako nito ng napakahigpit. "Quite lang muna, Lola. Baka malaman ni Nicholas. Gusto kong ako mismo magsabi." Bulong ko sa kaniya at mabilis naman itong tumango.

"Go! Nasa kwarto siya." Tumango ako.

"Hijo, dito ka muna, magkwentohan tayo." Nagaalangan si Kevin.

"I'm fine, Kev—"

"No! Kahit sa pinto lang, bababa ako agad." Tumango na lang ako kasi kung magmamatigas pa ako, kakaladkarin lang ako nito pauwi sa bahay.

"I'll be right back, Ma'am." Tumango at ngumiti lamang si Lola Tere.

Gustong lumapit ng magkakapatid kaso parang dumikit na ang kanilang mga paa sa sahig.

Tinulongan nga ako nitong maka akyat at isa lang ang masasabinko. Nakakapagod!

"Okay na dito." Sabi ko ng makaakyat na talaga kami sa taas. Tinanaw ko sila sa baba at lahat sila ay nakatingin sa akin. Ngumiti muna ako sa kanila bago naglakad patungo sa silid ni Nicholas.

Hindi na ako kumatok baka natutulog. Pinihit ko na ang door knob at dahan-dahang pumasok sa loob. Hindi nga ako nagkamali dahil nakahiga ito sa kama. Naka office attire pa ito at halatang hindi pa nagbibihis. Madilim sa loob at parang ilang araw ng hindi binubuksan ang mga kortina. Malinis naman ang paligid at hindi rin mabaho. Napabuntong hininga nalamang ako at naglakad papalapit sa kaniya.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon