Chapter 50: Pagsugod

815 25 5
                                    

Chapter 50 : Pagsugod
[WARNING: NOT EDITED]

Kevin's POV

Nandito lahat sa mansyon at nagpupulong. Alam na namin kung nasaan si Angela ngunit hindi kami pwedeng padalos-dalos. Ang mga Noble Queen ang kalaban namin. Top 3 most dangerous mafia group in the world.

Base sa nasagap na impormasyon ay nasa 1000 ang mga taong nakabantay sa paligid nito ngayon at wala pa si Mai doon. Si Mai ang leader ng Noble Queen nangungunang tao'ng may malaking galit kay Queen na hindi man lang lingid sa ka alaman ni Queen. Hay!

Napalingon kami sa pinto ng pumasok ang isang maid doon. "Sir, may nagpupumilit pong pumasok sa mansyon." Sabi nito.

"Who!?" Sinong hanggal ang nagtangkang pumasok sa mansyon?

"Joshua raw po ang pangalan." Nagkatinginan naman kaming anim. Nandito rin pala si Zoey.

Kung hindi ninyo na aalala. Si Zoey ang naatasang magbantay ng DIS na pagmamay-ari ni Queen.

"Papasokin mo, ihatid mo rito." Sabi ko.

"Masusunod po." Sabi nito. Yumuko pa ito bago umalis.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Joshua.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Thunder sa kaniya.

"Makakatulong ako sa inyo."


Nicholas's POV

Nalaman na rin namin kung nasaan ang lungga ni Kim. "Pupunta ako mag-isa." Sabi ko.

"God, Crimson. Magpapakabayani ka na naman?" Sabi ni Kuya Prince sa kaniya.

"Oo nga kuya." Sang-ayon ni Jared.

"I have no choice, gagalawin ni Kim si Mika kung hindi ako pupunta mag-isa." I said.

"Okay fine! After 4 hours kung hindi ka pa nakabalik ay lulusobin namin ang lugar na iyon." Sabi naman ni Kuya Prince at sumangayon naman ang lahat.

"Fine!" I said.

Kumilos na kaming lahat. Nagsuot naman ako ng normal kasuotan at naglagay ng mga armas sa sekretong lalagyan sa katawan ko.

"Hindi ka naman siguro mamamatay sa apat na oras diba, Kuya Nico?" Napalingon naman ako kay Hiro.

"Hindi ako lampa." Sabi ko na ikinatango niya.

Hintayin mo'ko Mika, papunta na ako.





Sumakay na ako ng kotse at tinahak ang daan patungo sa kagubatan. Mahigit isang oras din ang lumipas ng makarating ako.

May distansya ang layo ko sa lungga ng mga kalaban. Hindi naman siguro ako tanga para huminto sa harap ng mismong lunga nila diba? Tsk tsk tsk!

Tahimik akong naglakad habang nakamasid sa paligid at baka may sumulpot na kalaban.

Sobrang laki ng gusaling ito at maraming mga taong nagroronda sa paligid. Sa may pinto ay may nakabantay na dalawang lalaking may hawak na armas. Hinintay ko munang makalayo-layo ang mga nagroronda bago ako tumakbo patungo sa nagbabantay at agad na pinatulog ang mga iyon. .

Hinila ko ang dalawang katawan sa gilid na hindi madaling makita ng mga kalaban at dahan-dahang lumapit sa pinto.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago pinihit ang siradora at dahan-dahang pumasok.

"Sino ka?!" Agad akong na alerto dahil may nakakita sa akin.

Tumakbo ito papalapit sa akin at susuntokin sana ako, bago pa lumapat ang kaniyang kamao sa pisnge ko ay agad ko na itong tinadyakan sa tyan at malakas na sinuntok sa mukha.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon