Chapter 17 : Regret

1.1K 47 8
                                    

Chapter 17 : Regret

Mikaela's POV


"Nay! Tay! Saan po tayo?" Tanong ko sa kanila. Pang limang araw ko na itong kasama sila.

"Doon tayo sa hardin, kakain tayo." Sabi pa nito. Nakangiti naman akong tumango. "Hm!" Tsaka sumunod sa kanila.

Malawak ang hardin rito at may magandang tanawin sa malayo. "Nay, saan po tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa gitna ka ngayon ng buhay at kamatayan, anak." Sagot nito na ikinagulat ko.

"Po?!" Nasa bali nasa langit na ako? Patay na ba ako? Pano na ang kapatid ko? Akala ko mahabang panaginip lang ito.

"Patay na po ba ako?" Tanong ko sa kanila.

Umiling naman ang mga ito. "Hindi pa." Sagot ni Tatay dahilan ng pagluwag ng hininga ko.

"Ngunit binigyan kami ng limang araw para makasama ka." Napalingon naman ako dahil sa sinabi ni Tatay.

"Po? May ganon po ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Mahinang tumango naman ito.

"Wow! Ang galing pala non?" Manghang sabi ko.

"Sabi niyo limang araw? Eh pang limang araw ko na po rito." Tanong ko.

"Kaya nga sabay-sabay tayong kakain dahil miss na miss ko na ito." Sabi ni nanay sabay haplos ng aking mukha.

Tumulo naman ang mga luha ko. "N-nayy....."

"Iingatan mo ang kapatid mo ha?" Umiiyak na rin ito. Nakita ko namang tumalikod si Tatay sa amin pero alam kong umiiyak rin ito.

"Patawad dahil hindi kami nabuhay ng mas matagal." Sabi nito.

Naalala ko ang pagkamatay ng mga ito. "Nay, ano po ang kinamatay ninyo? Hindi ko po kasi alam." Sabi ko.

Umiling lang ito. "Hindi na importante yun." Sabi pa ni nanay sabay haplos ulit ng mukha ko.

"Babantayan ka namin ng kapatid mo rito." Sabi pa ni Nanay.

May maliit na lawa sa harap namin at lumapit si Nanay doon. "Gusto mo bang makita ang kapatid mo noong isang araw na nawala ka?" Tanong ni Inay at tumango naman ako.

Inikot-ikot nito ang palad sa tubig at ilang sandali pa ay may nakikita na ako sa ilalim ng tubig.

"Ang mansion!" Sabi ko at tumango naman si Inay.

Nakita ko silang lahat sa hapag na kumakain at umiiyak si Erica. Na pilit pinapatahan ni Hiro. "Iyakin parin ang kapatid mo." Mahinang natawa si Nanay.

Bigla namang namula ang pisnge ko ng maalala ang nangyari sa amin ni Nicholas. Nakita rin kaya iyon nila nanay?

Bigla namang nag iba ang tubig at ipinakita ito kung asan ako nakahandusay sa damohan at parang binabawian na ng buhay.

"Humanda talaga ang lalaking yun! Pag nakita ko ulit iyon, hindi ko alam kong anong magagawa ko sa kaniya. Pasensyahan nalang." Inis na sabi ko.

Napalingon ako sa paligid ng marinig ko ang tunog ng kampana. " Ano iyon, Nay?" Tanong ko kay Nanay.

"Oras na." Sabi nito at bigla naman akong kinabahan.

"Nay extend ng isang oras, please." Sabi ko. Hindi pa ako handa na bumalik, oo kailangan ako ng kapatid ko pero may kailangan akong malaman tungkol sa kanila.

"Nay, huling hiling." Sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan pa sila ni Tatay bago sumagot. "Ano iyon?"

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon