Chapter 32 : Saw

990 32 5
                                    

A/N:

SO AYON INIS NA INIS AKO SA SARILI KO!! TAPOS KO NA 'TO NA EDIT TAPOS BEH BIGLANG NA DELETE! HINDI KO MEMORIZE JUSKO! SO BALIK SULAT NA NAMAN AKO NETO?! GRRRRRRR!!! PANO BA ITO PARA MA REVIVE 'YON?!

GUSTO KONG UMIYAK NGAYON!! DAHIL SA INIS SA SARILI KO BAKIT BA KASI NAWALA!?😭😭😭 HUHUHUHUHUHU

PAHELP GUYS PAANO NA 'TO??😭😭






Chapter 32 : Saw

Mikaela's POV

"OKAY KA LANG??" Tanong ko kay Tres ng makabalik ito.

"Save na ako, nakabalik na raw yong pusa.

"Mabuti naman." Sabi ko.

"How's the food?" He asked.

"It's good." I said.

Ilang minuto pa kaming nagk-kwentohan at palitan ng tanong hanggang sa mapagpasyahan nitong umuwi na.

"Mauna na ako, Mika." Sabi nito sabay tayo.

"Ako rin, malalim na ang gabi." Sabi ko sa kaniya.

"Eto calling card ko, baka sakaling makaramdam ka ng gutom feel free to call me anytime." He said.

WOW! Ang bait ah, kakakilala lang namin. Tinanggap ko naman agad 'yon.

Magpapaka-choosy pa ba ako? Grasya na kusang lumalapit sa akin.

"Thanks, Tres." I said.

"No problem, so see you around?" He said.

"See ya." Sabi ko.

Matamis naman itong ngumiti sa akin at tuloyan ng naglakad papalayo sa akin.

Sumunod naman ako kalaonan. Nang makarating na ako sa sasakyan ko ay papaalis na si Tres. Bumusina muna ito bago pinaharurot ang sasakyan paalis.

Sumakay na rin ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho.

Natatawa ako sa isiping humihingi at nagpapalibre ako sa ibang tao ng makakain pero naka lamborghini ako.

Sampung minuto ang lumipas simula ng makapasok ako sa madilim at tahimik na daan na ito. "Bakit ba walang tumitira sa lugar na'to?" Wala sa sariling tanong ko.

Sa wakas ay nakikita ko na ang maliwanag na bahagi ng lugar na ito at kalaonay nakalabas na ako sa tahimik at madilim na lugar na iyon.

Sa ibang daan ako dumaan kasi mahaba ang traffic sa dinaanan ko kanina.

"Bakit ba sila nagsisiksikan doon eh maluwag naman ang daan dito?" Napaisip ako bigla.

Napahinto ako ng wala sa oras ng madaanan ko ang isang malaking bar na nandidito.

"Familiar 'to ah." Parang nakapasok na ako d'yan. Hindi ko lang maalala kung kailan.

Naningkit ang mga mata ko ng may mamataan ako pamilyar na pigura. "Si Nicholas 'yon ah!" May kasama itong maganda at sexy'ng babae. Mas maganda at mas sexy naman ako kung eh k-kompara niyo ako sa babaeng yan! Siya ba si Kim?

Nakaramdam ako ng sakit at galit dahil sa nasasaksihan ko sa mga oras na'to.

Inalalayan ni Nicholas si Kim papasok sa kotse, eh kayang kaya naman ng babaeng 'yan pumasok sa kotse ah. Hindi naman nabalian o napilayan ang babaeng yan ah!

Kung maka-alalay naman itong si Nicholas parang tanga!

Iyan ba 'yong tinatawag nilang gentleman? Hindi ako naniniwala d'yan. Kalandian siguro baka pwede pa. Tsk!

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon