Chapter 26 : Office

992 35 0
                                    

Chapter 26: Office

Mikaela's POV

ALIW na aliw akong pinagmasdang kumakain si Nicholas. Ang sarap pala talaga sa feeling ang magmahal no? Yung feeling na isang simpleng ngiti niya lang ay nagwawala na ang puso ko. Yung makakaramdam ka lang bigla ng paro-paro sa tyan tuwing na-aalala mo ang mga oras at araw na magkasama kayo.

"Yes? Cancel the meeting." Naputol ang pag de-daydream ko dahil sa narinig ko.

May kausap ito sa telepono. "No buts...I said cancel those meetings may importante akong ginagawa ngay—"


"Wala ka namang ginagawa, Nico." Singit ko. Napalingon naman siya sa gawi ko.


Alam ko namang pinapa-cancel niya ang mga meetings niya dahil nandito ako.

"Tapos ka rin naman kumain kaya aalis na ako." Sabi ko sa kaniya at niligpit ang pinagkainan niya.


"No! You stay!" He said.

Umiling naman ako saka hinalikan siya sa labi. "No, aalis na ako at makakasagabal lang ako rito." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka sagabal." Mahinahong sabi nito.

"Hindi? Edi wag mo ipa-cancel ang meetings mo." Sabi ko. "Aalis na rin naman ako, ito lang naman talaga ang sadya ko rito." Sabi ko.


Hawak ko na ngayon ang lunch box at tumayo. "I'll wait for you later, Nico..." Bulong ko sa tenga niya.


Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya. Natawa naman ako don. "Nakalimotan mong patayin yung telepono." Natatawang sabi ko.


Naging balisa naman ito at agad na nagsalita sa telepono. "Okay, don't cancel those meetin—"


Pinutol ko ang sasabihin niya at hinalikan ito sa labi. Natigilan naman ito kaya napangiti ako. May epekto na pala ako sayo ngayon, Nicholas? HAHAHA


"I'm going home." Sabi ko at tumalikod na at naglakad papalapit sa malaking pinto.


"Take care." Rinig kong sabi niya at ngumiti lang ako ng palihim at lumabas na ng tuloyan.






Nicholas's POV

HINDI ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Mika. Tumino lang ang utak ko ng marinig kong magring ang cellphone ko.


"Hello?"

(Anong feeling ang mainlove, bro?)

Napairap nalang ako ng wala sa oras ng marinig ko ang boses ni Hans. "Tumawag ka lang talaga para itanong yan?" Hindi makapaniwalang sabi ko.


Narinig ko naman ang halakhak nito sa kabilang linya. "Ngayon alam ko na kung paano nakapasok si Mika." Sabi ko at mas lalo itong tumawa.


(How I wish na makita ko ang mukha mo ngayon)


Pag-aasar niyang muli. Dahil sa inis ay pinatay ko ito at inilapag sa mesa.

Tataposin ko nalang itong mga papeles. Hindi ko pa nga nababasa yung nakasulat sa papel ay nagring na naman ang lintek kong cellphone.

Nawala ang inis ko ng hindi si Hans ang makita ko sa calling ID. It was Prince.

"Prince?" I asked.

(May nalaman akong plano ng kalaban)

Biglang akong sumeryoso dahil sa sinabi niya. "Ano?" Tanong ko.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon