Chapter 33: Secret Passage

800 24 1
                                    

Very short update dahil tinatamad na naman po ako!

Chapter 33: Secret passage


Humiga lang ako sa kama ni Joshua habang hinihintay itong matapos sa banyo. Ayoko kasing bumaba doon nahihiya ako sa mga katulong. Pinikit ko ang aking mga mata dahil bigla akong nakaramdam ng antok. Napamulat ako ulit ng marinig ko ang pagsipol ni Joshua mula sa loob ng banyo. Kumakanta ito ng pasipol. Dahil hindi ako makatulog sa kaingayan niya ay umupo akong muli.

Nadako ang mga mata ko sa isang libro na kulay pula na nasa bookshelf dito sa kwarto ni Joshua. Kataka-takang ang pagkakaiba nito dahil pareho ang kulay ng ibang libro maliban sa isang to.

Lumapit ako doon at kinuha ang libro. Curious na kasi ako kung anong libro iyon. Ngunit imbis na makuha ko ang libro ay biglang bumukas ang bookshelf at tumambad sa akin ang hagdan pababa sa kung saan.

Lumingon muli ako sa pinto ng banyo at sinigurong hindi ako makikita ni Joshua. Binalik ko ang tingin ko sa hagdan at tinahak ito pababa. Sumara naman ng kusa ang pinto at sa pagsara non ay lumiwanag ang paligid.

Mahaba-haba pala ang hagdang 'to. Isang ikot ko pa pababa ay narating ko rin ang dulo nito. Isang pinto ang tumambad sa akin. Bakal na pinto na kulay ginto. May logo sa gitna ng pinto at familiar sa akin ito ngunit hindi ko matandaan ko saan ko ito nakita. Isang leon na kulay itim.

Binalewala ko nalang ito at pinihit ang seradora ng pinto at binuksan iyon. Nagulat ako sa tumambad sa akin. Napakaraming taong nakasuot ng itim at may kaniya-kaniya itong ginagawa. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Blanko ang mga expression nito dahilan para gumapang ang kaba at takot sa katawan ko.

May mga lalaking may hawak na espada at halatang nililinisan nila ito. May mga lalaki ring nagaayos ng mga baril, nagbibilang at naga-assemble.

May iba namang nasa ring at halatang nagsusuntokan at nagsasakitan ang mga ito. TANGINA SAANG LUGAR NA NAMAN BA AKO DINALA NG MGA PAA KO!????

Napataas ang mga kamay ko na ibig sabihin ay pagsuko dahil lahat sila ay may hawak na ngayong mga baril at lahat ng ito ay nakatutok sa akin. What the fuck?!

"H-hindi p-po a-ako mmmm-m....mag... nnnn-nanakaw." Utal kong sabi. Ramdam ko ang nanginginig kong katawan.

"Who are you?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa bandang kanan ko.

"A-aako si...sss..si-"

"MAGSALITA KA NG MAAYOS KONG AYAW MONG PUTOLIN KO YANG DILA MO!" Galit na sigaw nito.

"EH TANGINA KA PALA EH, GUSTO MONG MASAGOT KITA NG MAAYOS TAPOS HINDI NIYO MAN LANG INABALANG IBABA YANG SANDATA NIYO AT KAUSAPIN AKO NG MAAYOS!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Pinaglalaroan niya ba ako!?

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo." Sabi niya at agad na lumapit sa akin. Nadako ang mga mata ko sa kamay niyang nilalaro ang isang kotchilyo.

"A-anong gggg-gagawin m-mo?" Utal kong tanong. Imbis na sagotin ako ay ngumisi lang ito ng nakakaloko sa'kin at patuloy parin itong humakbang papalapit sa akin.

Nagulat ako ng nasa likoran ko na siya habang sinasakal ng braso niya at may nakatutok ring kotchilyo sa leeg ko.

Ramdam ko ang dulo ng kotchilyo sa balat ko. Kinakapos ako ng hininga habang dinadamdam ang kotchilyo sa leeg ko. Para akong estatwa sa mga oras nato dahil hindi ko magawang gulaw at baka masugatan ang leeg ko.

Naramdaman ko ang hapdi ng ibaon niya ng kaonti ang kotchilyo sa leeg ko. "Fuck!" Mura ko.

"Bitiwan mo siya Julo!" Rinig kong sigaw ni Joshua sa likoran ko. Agad naman akong binitawan ni Julo. Dahil wala na akong lakas ay napaupo na ako sa sahig. Sobrang sakit ng balakang ko ngunit nangingibabaw ang sakit sa leeg ko.

"Are you okay, Gela?"

Nanginginig buong katawan ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang sugat ko sa leeg at tinignan ang palad ko pagkatapos.

THIRD PERSON'S POV

Nanginginig ang katawan ni Mika habang nakatingin sa palad niyang puno na ng dugo.

"Gela? Gela? Can you hear me?!" Kinakabahang tanong ni Joshua kay Mika ngunit hindi siya nito marinig.

Nagugulohan naman ang lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon. Hindi nila kilala kung sino ang babaeng kasama ng kanilang boss.

"Fuck! Fuck! Fuck! I will kill you, Julo!" Galit na sigaw ni Joshua sa kaniyang kanang kamay sa grupo.

"Sino ba kasi yan, Boss!" Tanong ni Julo kay Joshua.

"Fuck! What have you done!" Sigaw ni Joshua at niyogyog ang balikat ni Mika. "Gela, please please, Gela. Okay ka lang?" Kinakabahang tanong ni Joshua sa kaibigan.

Kinakabahan at the same time ay natatakot si Joshua na maulit ang nangyari noong mga bata pa sila.

Nangi-nginig parin si Mika habang tumulo ang kaniyang mga luha. Mas lalong kinabahan si Joshua ng yumuko si Mika at tumawa ng nakakatakot.

"Fuck! Lumayo kayo!" Sigaw ni Joshua at agad na tumayo. Dumistansya naman ang lahat kela Joshua at patuloy na nanonood.

"BAHAHAHAHAHA!" Tanging nakakatakot na pagtawa lang ni Mika ang naririnig sa apat na sulok ng kwarto.

"Sino ba siya?" Tanong ng isa sa mga lalaking naroon sa kwartong iyon.

"Not now, Angela. Not now!" Si Joshua.

Nakayuko parin si Mika at dahan-dahang tumayo. At ng makatayo na si Mika ay biglang nakaramdam ng takot si Joshua sa tanang buhay niya.

Lumingon si Mika sa gawi niya at ngumiti. Nakikita ni Joshua ang nagaapoy'ng mga mata ni Mika na hindi niya alam kung bakit. Ganito rin si Mika noong mga bata pa sila ni Katkat.




NICHOLAS'S POV


Nagising ako kinaumagahan ngunit hindi ko nakita si Mika sa aking tabi. Tsk!

Tumayo na ako at pumasok sa banyo upang maligo. Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis at bumaba. Baka nasa kusina na si Mika.

Pagkarating ko sa hapag ay silang lahat ay nakakunot ang noong nakatingin sa'kin. "What!?" Inis na tanong ko.

"Where's Mika?" Tanong ni Grandma.

"What the fuck!? Hindi pa siya bumabalik?" Inis na sigaw ko.

"Huh? Saan ba siya nagpunta?" Tanong ni Hiro.

"Paalam ni Mika sa'kin kahapon ay pupuntahan ka niya." Sabi ni Grandma.

Kumunot naman ang noo ko. "Hindi naman siya nagsabing pupuntahan niya ako." Sabi ko.

"Eh yun yung sabi niya." Sabi ni Grandma.

"Anong oras siyang umalis?" Tanong ko na kaagad niya namang sinagot. "Alas singko." Sagot ni Grandma. Chineck ko naman kung anong oras akong nag text sa kaniya kahapon at 5pm din iyon.

"Hayaan niyo na ang malanding 'yon!" Inis na sabi ko at umupo sa upuan ko at nagsimulang kumain.

"Ano bang nangyayari sayo, Nicholas?" Tanong ni Grandma. "Wala naman." Tanging sagot ko.

Umalis na ako ng mansyon at pumasok sa opisina. "Good Morning, hon." Bungad ni Kim sa'kin ng makapasok ako sa aking opisina.

"Ang aga mo naman yata?" Tanong ko at ngumisi naman ito sa akin at agad na lumapit at niyakap ako.

"Na miss kita eh." Sabi pa nito.

"I miss you too." Sabi ko at agad niya akong hinalikan sa labi.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon