Chapter 63: Positive

785 25 19
                                    

Announcement

Hindi ko napanin na nawawala pala yung Chapter 38 at kanina ko palang talaga nakita noong binasa ko ulit yung story ko parang may kulang tapos tinignan at kulang talaga sorry. Sa mga hindi pa nakakabasa ng Chapter 38 balikan niyo nalang po, sorry talaga😭




Chapter 63: Positive

Veronica's POV

Matapos ang dramahan ay nag simula na ang kwentohan nila. "Yung ang buhay ko sa Amerika walang pinagiba sa buhay ni Kate." Kanina pa nagkukwento si Evangeline.

"Ikaw naman, Mika?" Tanong ni Tina.

"Anong ako?" Tanong ko.

"Ikaw anong buhay meron ka ngayon?" Tanong ni Tina.

"Maayos na ako ngayon, hindi na naghihirap salamat sa dyos at masaya na ako sa pamilya ko ngayon." Sabi ko.


"Pamilya? May pamilya ka na? Ikaw ha....ibang-iba ka na talaga." Sabi ni Evangeline.


"Ako nga eh complicated pa yung lovelife ko tapos may anak na si Mika." Umarteng umiiyak si Evangeline. Natawa naman kami.


"May business ka ba, Mika?" Tanong ni Kate.


"Yes, meron." Sagot.


"Ano?" Magkasabay na tanong ni Kate at Tina.


"Yung Moon." Gulat na gulat naman ang mukha ni Kate at parang nakukuha ko na kung ano ang iniisip nito.

"Don't tell me-"

"Oo, ako ang may ari n'on." Napatakip naman sila sa kanilang bibig.

"Ang yaman mo na ha!" Sabi ni Evangeline habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

"Hindi naman." Sabi ko.


"Anong hindi-"


"MOMMY!!" Gulat akong napalingon sa may pinto ng Starbucks at nakita ko doon si Area at Alistair kasama si Jan at Thunder. Ang dalawang paslit ay umiiyak.


"Mommy!" Tumayo naman ako at sinalubong sila.


"Shhhh what happened?" I ask.


"Why took so long, Mommy?" Tanong ni Area.


Yumakap naman sa akin si Alistair at ganon na rin si Area. "Mommy, don't leave us again." Alistair said.


"Hindi mo naman kami iiwan, Mommy?" Tanong ni Area. "Uuwi ka naman, Mommy diba?" Naninigurong tanong ni Area. Umiiyak talaga sila. Hindi naman sila maingay ngunit ang luha sa kanilang mga mata ay patuloy sa pag-agos.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon