Chapter 21 : Is that you?

1.2K 43 0
                                    

Chapter 21: Is that you?

Mikayla's POV

MAAGA akong nagising at naligo sa banyo ni Nicholas. Natapos na ako sa pagligo at binalingan ko ito ng tingin. Nasa kama parin ito at mahimbing na natutulog. Nagmadali ako sa pagbihis at agad na bumalik sa kwarto ko.

Hindi ko na ginising si Erica dahil linggo naman ngayon at walang pasok kaya bumaba nalang ako at nagluto.

Matapos kong magluto ay umupo muna ako sa living room at kinuha sa gilid ang laptop ni Hiro. Alam ko naman ang password nito dahil nakailang nood na kami ng movie dito.

Hinanap ko sa google map yung lugar kung saan ako nahulog sa bangin at totoo nga may bangin doon at sinubaybayan ko ang maliit na kabahayan malapit doon. Dito ako magsisimulang maghanap sa walang hiyang lalaking 'yon.

Pumasok ako ng kusina at kinuha ang niluto kong cake sa ref at nag slice nito at kumuha ng orange juice sa ref at bumalik sa living room.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang numero ni Joshua at tinawagan iyon. Wala akong pakealam kung anong oras pa.

"Hello?"

(Oh? Ang aga mo namang tumawag, natutulog pa yung tao)

"Pupunta ako diyan." Sabi ko.

(Ha..?)

Hindi ko na pinatapos ito at agad na pinatay ang tawag.

Umakyat uli ako sa taas at nagpaalam kay Lola Teressa. "Lola? Gising ka na?" Tanong ko ng makita kong dilat na dilat na ito.

"Oh? Apo? Ang aga mo ata?" Tanong nito sa akin.

"Ah kasi po nagluto po ako sa baba." Sabi ko at tumango naman ito.

"Magpapaalam lang sana ako, Lola Teressa." Sabi ko.

"Ano iyon?" Tanong nito.

"Aalis muna ako saglit, babalik lang ako, pangako walang mangyayari sa akin." Sabi ko at kita ko naman sa mukha nitong kinakabahan ito at nagdadalawang isip.

"Sigurado ka ba?" Tanong nito.

"Opo, kela Katelyn lang po ako." Pagsisinungaling ko at nagpakawala naman ito ng malalim na hininga at tsaka ngumiti.

"Sige ija, bumalik ka lang rito mamaya." Sabi nito at tumango naman ako at humalik sa noo niya.

"Matulog na po kayo ulit, Lola Teressa. Maaga pa po, hindi pa sumisikat ang araw." Sabi ko. Tumango naman ito kaya bumalik ako sa kwarto namin ni Erica na sobrang himbing ng tulog. Agad akong pumasok sa walkin closet na naririto sa kwarto at nagbihis.

Nang makalabas na ako ng mansyon, bago ako magsimulang maglakad ay nilingon ko pa ulit ang terasa ng kwarto ni Nicholas.

Napabuntong-hininga nalang ako atnagsimulang maglakad papalayo.

Pumara ako ng taxi ng makalabas ako ng main gate ng mansion at nagpahatid sa bahay ni Joshua.

"Ang aga mo, Angela? May importante ka bang gagawin rito at sobrang aga mo pumunta?" Tanong nito ng makita ako sa harap ng bahay niya.

"May ipapagawa ako sayo."






Nicholas's POV

NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na dumapo sa pisnge ko, napalingon ako sa gilid ko at hindi ko na makita si Mika.

Napahilamos naman ako ng mukha, nasaan na naman kaya ang babaeng 'yon? Ibinigay ko naman sa kaniya lahat? Ano pa bang kailangan niya para hindi niya ako iwan!?

Naligo nalang ako at nagbihis saka napagdesisyonang bumaba.

"Ang aga na namang gumising, Ate Mika, para lang mag luto nito!" Rinig kong sabi ni Hiro.

"Pinapaalala ko lang sayo, bawal ka pa raw gulaw-galaw sabi ni Dr. Legaspi." Napantig naman ang tenga ko sa pinaguusapan nila sa baba. Kompleto na silang lahat sa hapag pati si Erica ay nandodoon na.

"Wala naman to eh, hindi naman makakasama sa kalusogan ko ito." Sabi pa ni Mika sabay kamot ng batok.

"Kahit na! Ibabalik kita sa ospital eh, tigas ng ulo mo." Kumonot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Hiro? Hospital?

"Sinong galing ng ospital?" Kunot noong tanong ko. Napalingon naman silang lahat sa gawi ko at gulat naman ang nasa mukha ni Mika at bigla itong nataranta.

"A-ahhh wala.......i-itong kasing kapatid m-mo nababaliw na ata e-eh.......ilang araw ba namang hindi kumakain eh k-kaya kung ano na ang p-pinagsasabi...." Utal sa sabi nito.

"Wala kang alam no? Hindi mo kasi ginagamit utak mo!" Inis na sabi ni Hiro sa akin ngunit hindi ko ito binigyan ng atensyon dahil nakatingin lang ako kay Mika.

"Mika?" Tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga nalang ito. "Upo ka diyan, Hiro at kumain ka na, maguusap lang kami." Sabi nito at lumapit sa gawi ko.

"Sumunod ka." Sabi nito at naunang naglakad. Patungong pool area.

"Ano yung pinagsasabi ni Hiro, Mika?" Tanong ko ng makarating kami sa gilid ng pool.

"Hindi naman talaga totoong inutusan ako ni Hiro, hindi rin totoo ang pinagsasabi mong umalis ako dahil sumama ako sa kung sino-sinong lalaki." Napakunot naman ang noo ko. Saan niya nalaman 'yon?

"Wag mo na alamin kong saan ko nalaman iyan, ang totoo kasi nasa ospital ako." Nakayukong sabi niya.


"Ano naman ang ginagawa mo ron?" Tanong ko sa kaniya.

"Na aksidente ako nong gabing nawala ako. Nahulog ako sa mataas na bangin." Kwento nito.

"Fuck!? Sinong may gawa non sayo!? Sino? At ipapapatay ko!" Galit na sabi ko.

"Kalma ka muna sige ka, hindi ko itutuloy ang sasabihin ko." Pananakot nito kaya tumahimik nalang ako para matapos na at para mabura ko na sa mundo ang walang hiyang gumawa kay Mika non

"May pinuntahan ako ng gabing 'yon at dahil hating gabi na ng umuwi ako ay wala ng sasakyan sa daan at hindi ko naman kabisado ang lugar doon kaya naligaw ako at may lasengerong sumusunod sa akin kaya tumakbo at hinahabol ako nito hanggang sa naiwala ko na ito at doon rin ako nahulong." Kwento nito at nasapo ko naman ang noo ko dahil sa katangahan ng babaeng to.

"Hindi ko kasalanang nahulog ako! Madilim doon! Kung hindi niya ako sinusundan edi hindi ako tatakbo at mahuhulog sa bangin!!" Inis na sabi nito at parang nababasa lahat ng nasa utak ko.

Tumango-tango naman ako dahil may point din siya. Tinalikoran ko na ito at inilabas ang cellphone ko.

I dialed Christian's number and as soon as he picks up....

"May ipapagawa ako sayo."

(Yes, Nico)

"Pumunta ka ng opisina, 9am." Sabi ko at pinatay ang tawag.

"Halika na nga rito! Bumalik na tayo doon at nagugutom na itong mga alaga ko sa tyan ko!" Inis na sabi ni Mika sa akin at natawa naman ako.

"Oh tara na." Sabi ko at bigla lang itong natitigilan. Baliw talaga.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon