Chapter 80: JIJI

234 7 0
                                    

Chapter 80: JIJI

Veronica's POV

Napahagolhol ako dahil sa sakit ng aking puso at ulo. Nakakaalala na ako. Napasigaw ako ng maalala ko ang mukha ni Maiko noong iniwan ko siya sa manyon at noon panahong tinapos ko ang buhay niya.

"MAIKOOOO!! KAPATID KOOO!!!" Sigaw ko.
Hindi hindi maari. Hindi masamang tao ang kapatid ko. Napakabait niya. May puro siyang puso at masiyahin ang kapatid ko! Ayaw niya. Ayaw niyang humawak ng sandata!

"PUTANGINA MO! PINILIT MO ANG KAPATID KO! PINAGSAMANTAHALAN MO ANG PAGIGING MABAIT AT PAGIGING INOSENTE NG KAPATID KO!" Malakas na sigaw ko kay Don Blanco.

Nakangiti lamang siya sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit. "Baby, baby, are you okay?" Napalingon ako kay Nicholas na hindi ko namalayang nasa aking tabi pala at inaalalayan ako.

"HE! HE KILLED MY SISTER! NICO, HE KILLED MY INNOCENT SISTER!" Humagolhol ako.

Nagpakitang muli sa isip ko ang inosenteng mukha at ang paghalakhak ni Maiko habang pinapakain namin ang mga ipong nasa aming hardin.

"N—no!" Hindi. Hindi maari! Wala akong ginawa noon. Duwag ako. Akala ko ayos lang! Akala ko ayos lang ang lahat pero putangina sana hindi ko siya iniwan sa mansyong iyon. Alam kong natatakot siya. Nagmakaawa siya sakin noon. Umiyak siya sa akin. Pero wala akong ginawa! Umalis pa rin ako! Akala ko—akala ko babalik agad kami. "PUTANGINA MO DON BLANCO!!!" Sigaw ko. Pinulot kong muli ang katana at mahigpit na hinawakan iyon.

Agad akong sumugod kay Don Blanco. Syempre may nga bata niyang humarang sa akin. Nagkilosan naman sila Ryoichi at ang iba.

"Kami na ang bahala rito, Queen." Tumango lang ako sa kaniya at patakbong lumapit kay Don Blanco. Binunot niya ang baril niya at pinaputokan ako. Tudo takbo, tago, at iwas ang ginawa ko. Nagtago ako sa likod ng dingding dahil hindi ako makalapit sa kaniya. "Naduduwag ka ata, aking apo." Napamura ako sa aking isipan.

Hindi ako makapaniwalang kadugo ko ang hangal na ito. Pinulot ko ang kunai na nakita ko at mabili na tumakbo pakanan. Sinundan naman ng putol ang lahat ng natatapakan ko dahil kay Don Blanco. Bago ako makapagtago at inihagis ko patungo sa kaniya ang kunai na nakita ko. Tumama ito sa baril kayat na bitawan niya iyon.

Dali dali naman akong tumakbo patungo sa direksyon niya. Itinutok ko sa tyan niya ang katanang hawak ko ngunit nakailag ito. Hindi ko alam kong saan nangagaling ang katanang hawak niya ngayon. Walang imposible sa lalaking 'to.

Nagpalitan kami ng atake. Nangingibabaw ang tunog ng aming katana sa apat na sulok ng mansyong ito. Paubos ng paubos na rin ang mga tao ng hangal na ito. "Walang hiya ka! Pinatay mo ang kapatid ko!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

Tumawa muna ito bago ako inatakeng muli. "Sa naaalala ko ay ikaw ang pumatay sa kapatid mo." Sabi nito sabay tawa.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganon ang kapatid ko!" Sigaw ko sa kaniya.

"Oh, Vela. Alam na alam mo na ayaw na ayaw ko talaga sa kakambal mo." Hindi! Hindi ko alam iyan! Alam kong mahina lang si Maiko sa mga sandata kaya siya napapagalitan noon.

"Ba't tulala ka?" Natatawang tanong niya. Itinulak niya ang katana ko bago ako inambahan ng tadyak sa tiyan. Napadaing ako dahil sa bigat ng kaniyang paa at napakatigas ng kanyang sapatos.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon