Chapter 55: End

631 21 5
                                    

Chapter 55: End

Kevin's POV

Patuloy parin kami sa pagtakbo ni Zoey patungo sa abandonadong gusali. Mabilis na ang galaw ko ngayon kompara kanina.

"Hang in there, Queen." Napalingon ako sa gawi ni Zoey.

"Matagal mamatay ang masamang damo." Sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya. "Lalo na't Veronica pangalan." Natawa naman ako sa sinabi ko.

Sa totoo lang ay kinakabahan rin ako. Alam kong malakas si Queen pero hindi pa siya nakakaalala kaya hindi lumalabas ang totoo niyang lakas.

"Kailangan na niya maalala ang lahat." Napalingon uli ako kay Zoey. Parang nababasa nito ang iniisip ko dahil dumugtong ang kaniyang sinabi.

"Oo, bago mahuli ang lahat." Natatanaw ko na ang abandonadong gusali kaya mas binilisan pa namin ang pagtakbo.

"RUN THUNDER!" Natigil kami ni Zoey ng makarating na kami roon. Nangungunang tumakbo si Blake patungo sa gawi namin at nakasunod naman sa kaniya si Thunder.

Natataranta ang mga ito kaya napalingon ako sa paligid at doon ko lang natagpuan si Queen.

"QUEEN!" Sigaw ko.

NICHOLAS' POV

Kumunot naman ang noo ko sa nakitang papalayong Kevin at Zoey. "Saan sila pupunta?" Seryosong tanong ko.

"Babalik na sila." Isang doctor ang sumagot sa akin.

"Pero malubha ang kalagayan niya kanina?" Takang tanong ko. Napalingon naman ako kay Joshua ngayon na ginagamot ng tatlong doctor.

"Dahil malakas si Sir Kevin." Talaga lang ha.

Sinubukan kong tumayo. "Kuya dito ka muna." Pigil sa akin ni Hiro.

"No, Hiro! Samahan mo ako roon." Sabi ko sa kaniya. Alam kong hindi ako papayagan nito kaya isasama ko nalang ito.

"Paano si Kuya Law?" Napalingon naman ako sa tabi niya. Nakaratay parin si Law sa higaan. Maraming naka kabit sa katawan niya.

"Hindi naman siya pababayaan ng mga tao rito." Sabi ko. Tumango naman siya bilang sang-ayon sa sinabi ko.

Tumayo na ito at sumabay sa akin. Medyo masakit parin ang paa ko pero kaya ko pa naman.

Lakad takbo ang ginawa ko dahil hindi kaya ng paa ko. Nasa unahan ko naman si Hiro at pinapatay nito ang mga humaharang sa daan namin.

"AAAAHHHHHHH!!" Nagsitayoan naman ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa lakas at nakakatakot na tinig na iyon.

"Magmadali ka kuya!" Sabi ni Hiro sa akin. Dali dali naman akong tumakbo kahit sobrang sakit na ng paa ko.

Natanaw na namin sila Kevin. Nakikipag away parin si Thunder at si Zoey naman ay pinagbabaril ang mga kalaban. Nakatayo lang sa likoran nila si Kevin at Blake habang nakaharap sa gusali.

Tumulong naman si Hiro sa pakikipaglaban at lumapit naman ako kela Kevin. Napahawak ako sa braso nito dahil inakyat ko pa ang pabundok na lupa dito.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon