Chapter 49: Mai, Kim, Geo

708 21 2
                                    

Chapter 49 : Mai, Kim, Geo

Hiro's POV

DALAWANG araw na ang dumaan ng magsimula ang paghahanap namin kay Ate Mika. Hindi kasi ito sumasagot sa mga tawag ko. Nag-aalala na nga ako eh.

"Hindi pa rin ba nakikita si Mika?" Tanong ni Kuya Nicholas.

Nasa loob kaming lahat ng Headquarter. "Hindi parin, Crimson." Sagot ni Kuya Jared.

Ang wala pala rito ay si Kuya Hans. Wala namang position si Kuya Hans sa grupong 'to, ayaw niya raw at tsaka abala iyon sa kaniyang trabaho kaya hindi namin iyon pwedeng gambalain.

"Dang it, Mika! Saan ka ba nagtatago!" Sigaw nito.

"Hiro? Natawagan mo na ba?" Tanong ni Kuya Nicholas sa akin.

"Susubukan ko ulit. Wala parin kasing sumasagot kanina." Sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at niloud speaker ito at inilagay sa gitna ng mesa. Naka apat na tawag na kami ngunit walang sumasagot.

"Dang it!" Mura ni Kuya Nicholas.

"Ulitin mo." Sabi ni Kuya Jared kaya isang tawag pa.

Sa ikaapat na ring ay may sumagot. "MAY SUMAGOT!" Sigaw ni Kuya Jared kaya mabilis kaming nagsalita.

"MIKA?" - Kuya Nicholas.

"ATE?" - Ako.

"What the hell do you want, Hiroshima." Sabi ng isang lalaki sa kabilang linya. Napakalamig nagpagkakasabi nito lalo na ang Hiroshima.

"Who the hell are you!?" Sigaw ni Kuya Nicholas.

"Paano mo nalamang ang buo kong pangalan!?" Sigaw ko.

"Wala akong panahon makipag-usap sainyo." Malamig na sabi nito.

"Sino namang nagsabi na ikaw ang kumausap samin?! Eh si Mika ang tinawagan namin, hindi ikaw!" Inis na sigaw ni Kuya Jared sa kaniya.

"Shut up, Jared!" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Sino ka ba ha!?" Inis na sigaw ko. Bakit kami kilalang-kilala nito.

"Nasaan si Ate Mika!" Sigaw ko.

"Si Angela pala ang hinahanap niyo? Wala siya rito." Sagot nito.

"Damn! Nasaan!" Sigaw ni Kuya Nicholas. "Bakit nasa sayo ang cellphone ni Mika!" Sigaw ni Kuya Nicholas.

"Eh nasa iisang bubong kami nakatira eh! Tsaka nasa mesa yung cellphone niya malamang sasagotin ko may tumatawag eh!"

Gulat kaming lahat sa sinabi nito, iisang bubong??

"Wtf!?" Sabay naming sigaw.

"Kuya Kev! Si Ate Mika?" Narinig ko ang boses ni Erica sa kabilang linya.

"Hindi pa-"

"ERICA!? ERICA!? ARE YOU THERE!?" Sigaw ko.

"Huh? Si Kuya Hiro ba 'yon?"

"Yes." Sagot ng Kev na yon kung sino ka man!

"WAAAAH!! KUYA HIRO SI ATE!!!!!" Sumigaw ito at biglang umiyak.

"What happened!?" Tanong ni Kuya Nicholas.

"Wala na kayong pakealam do-"

"NAKIDNAPPED SI ATE!!" Sigaw ni Erica at humagolhol sa kabilang linya.

"You shouldn't say that, Erica." Sabi ni Kev.

"What?!" Sigaw ni Kuya Jared.

"Fuck!" Mura ni Kuya Nicholas.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon