Chapter 35: Again

805 29 1
                                    

Chapter 35: Again

Mikaela's POV


Matapos akong gamotin ni Hans ay nilagyan niya ito ng band aid para hindi masyadong makita pagnakalugay ang buhok ko.

"Ayan tapos na." Sabi nito.

Nilingon ko ang sarili ko sa harap ng salamin nito at oo nga hindi nga kita.

"Salamat, Hans." Sabi ko at ngumiti lang ito sa'kin.

"Wala yun. Sige labas ka na at baka hinahanap ka na ng kapatid mo." Sabi nito at tumango naman ako.

Napalinga-linga muna ako sa palagid at baka may makakita sa akin at narinig ko naman ang pagtawa ni Hans sa likoran ko. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin, nakaupo lang ito sa kama habang tumatawa.

Nang wala akong makitang tao ay agad akong lumabas. Naglakad ako patungo sa kwarto ni Erica at bago ako makarating sa kwarto ni Erica ay madadaanan ko muna ang kwarto ni Nicholas.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng nasa gilid ko na ang pinto ni Nicholas. Konting hakbang pa, Mika. Makakarating karin sa kwarto ni Erica.

Binilisan ko ang aking lakad at agad na pinihit ang pinto ng kwarto ni Erica at agad na pumasok.

Napalingon ang kapatid ko na kanina ay abala sa pagsusulat sa kaniyang kwaderno.

"ATE!! SAAN KA BA GALING?" Agad na tanong nito. Yumakap naman ito sa'kin.

"Kela ate Katelyn mo lang ako." Pagsisinungaling ko at tumango-tango naman siya.

"Bakit hindi ka nagpaalam?" Tanong nito.

"Nawawala kasi yung cellphone ko kagabi at kanina pa namin nahanap ni Ate Katelyn mo." Pagsisinungaling ko ulit.

"Dito ka ba matutulog?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Miss ko na ang kapatid ko eh." Sabi ko sabay kurot ng kaniyang pisnge.

"Sige ate, tataposin ko lang itong ginagawa ko at matulog na tayo." Sabi niya at tumango naman ako.

Pinagmasdan ko lang siya mula rito sa kama hanggang sa matapos siya sa kaniyang ginagawa at nakangiting lumapit sa akin.

"Tulog na tayo, Ate!" Masayang sabi niya.

"Goodnight, Erica." Sabi ko sabay halik sa kaniyang noo.

"Goodnight din, Ate Mika." Sabi niya saka humalik sa pisnge ko. Ginulo ko pa ang noo nito at ngumiti naman ito.

Humiga na ako sa kama at ganon din si Erica. Ginawa nitong unan ang braso ko at siniksik ang sarili sa katawan ko.

Nakaramdam na rin ako ng antok kaya pinatay ko na ang ilaw sa bedside table ko at pumikit na.

Nagising ako ng hindi ko malaman kong ano na ang oras. Tinakpan nito ang bibig ko upang hindi ako makasigaw. Sobrang sakit ng paghila niya ng buhok ko. Parang matatanggal ang anit ko.

Nang makalabas kami ng kwarto ay dinala niya ako sa first floor at ng makababa kami ay agad niya akong ibinalibag sa sahig.

"Ahh..." Daing ko dahil sa sakit ng balakan ko at pagkahilo ng ulo ko dahil sa sakit ng pagkakahila niya sa buhok ko.

"SAAN KA NA NAMAN BA LUMANDI KANG BABAE KA!?" Sigaw nito sa kin.

Nanginginig at gulat na gulat ako dahil sa inaakto niya ngayon. P-parang b-bumabalik siya noong una naming pagkikita.

"H-hindi a-ako—" Napahiga ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa'kin.

Nanginginig ang buo kong katawan. Namamanhid ang aking mukha at hindi matigil ang pagpatak ng aking mga luha.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon