Chapter 15 : Legaspi Doctors Hospital

1.1K 50 5
                                    

Chapter 15 : Legaspi Doctors Hospital

Chico's POV

PINAGALAW ko na lahat ng taohan ko para mahanap si Mika. I received call from Kuya Hans.

Nahanap na si Mika?

"Nahanap na si Mika, Kuya Hans?" I asked as soon I pick up.

"We didn't find her yet, I want you to go back to the mansion, Grandma is alone right know." As soon as he said that Grandma is alone ay agad akong nag U-TURN kahit na bawal. Pakealam ko sa mag-isa ang Lola ko sa mansion. Kailangan kong magmadali! Baka mapaano na si Grandma doon at mga kasambahay lang ang kasama niya, wala pa si Mika at yon ang hinahanap niya.

Nang makarating ako sa mansion ay halos takbuhin ko na ang pagitan ni Grandma at ang kinakatayoan ko. Natagpuan ko ito sa living room, nakaupo sa couch habang umiiyak.

"Grandma, tahan na. Mahahanap din natin si Mika." Pagpapatahan ko sa kaniya. Baka mapano ito kung biglang umatake ang puso nito.

"S-si E-erica..." Bigla naman akong napalingon sa paligid ng mapagtanto kong wala si Erica.

"Nasaan si Erica?" Tanong ko kay Lola. Nilingon ko naman ang ibang katulong rito na kasama ni Lola. Biglang nalungkot ang mukha nila at halos sabay-sabay na napayuko. "Grandma? Saan si Erica?" Kinakabahang tanong ko.

"She's in the hospital." Sagot nito. Bigla namang sumikip ang puso ko.

"Ha? Anong nangyari!? How is she? Is she okay?! Sinong kasama niya don?!" Kinakabahan na talaga ako.

"She's with Hans." Sagot nito at tahimik na umiyak. Niyakap ko naman ito at niyakap niya rin ako. Ano bang nangyayari?


Someone's POV

HABANG nagmamaneho ako ng sasakyan ko papunta sana sa bahay ko. Inabotan kasi ako ng umaga sa bahay ni Lucas. Kakalaro ng dota. Pinagbigyan ko na kasi birthday niya naman daw pero hindi nagpaparty gastos raw eh. Kuripot talaga ang isang 'yon kahit sobrang yaman naman.

Napadaan ako sa mga nagkukumpolang mga tao sa gilid ng kalsada. Hindi naman ako nagmamadali kaya naki chismis na rin ako saglit.

"Manong may nangyari po ba?" Tanong ko sa isang matandang lalaki.

"May babaeng natagpuan sa baba ng bangin." Gulat naman ako sa sinabi ng matanda.

"Buhay pa ba?" Tanong ko.

"Mukhang hindi na eh." Sagot nito.

Bumaba naman ako ng kotse ko at tinanaw kong nasaan ang babaeng tinutukoy ng matanda. "Tumawag na ba kayo ng ambulansya?" Tanong ko sa mga tao.

"Oo tapos na paparating na sila." Sagot ng isang babae na sa tingin ko nasa mid 30's pa.

Lumapit ako sa bangin at tinanaw kong sino ang nasa baba pero hindi ko mahagilap ang kaniyang mukha dahil naka dapa na ito sa lupa.

Tumalon talon naman ako sa mga sanga ng malalaking punong narito.

"Mahuhulog ka!"

"Waaaaaah!"

"Nababaliw ka na ba!?"

"WAG KANG MAGPAPAKAMATAY!"

Rinig kong sigaw mg mga tao sa akin. "Hindi naman po ako magpapakamatay eh." Sabi ko sabay kalmot sa ulo ko at tumalon uli.

Narating ko na rin ang babae at nakita ko ang pangingitim ng paa nito. Nabalian ito ng buto. Maraming sugat at pasa sa katawan at maraming dugo na ang nawawala sa kaniya.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon