Chapter 1

115 67 7
                                    


6 years Later.

When I remember what happened long ago, it made me clench my fist because of them. They made me who am I right now! Full of anger, disrespectful and emotionless, na para bang ipinagkait ang lahat ng kasiyahan sa mundo. But who can't tell?

Father died on that time. It feels like they really targeting our family, because we are the one of the most magnificent in the town. Nakakatawa diba? Para lang sa kapangyarihan ay handa silang pumatay o sumira ng buhay nang kapuwa nila tao o mabampira man!

And yes! I'm a half vampire and half human called HUVANIRE, how interesting right? But I hate that, for being a human and vampire na nananalaytay sa aking dugo. Napangiti na lang ako habang nakatanaw sa malawak na karagatan habang pinagmamasdan ko rito sa tuktok ng pinakamatayog na bundok dito sa Isla.

Bilang parusa sa isang kasalanang hindi ko ginawa, they order to put me in this Island that full of beastly animals, upang maranasan ang sakit na aking idinulot sa kanila. Ang saklap diba? Paano nila nagawa sa isang batang sampung taong gulang na ipatapon sa Islang itong punong-puno ng mababangis na hayop tulad nila! Naisip ba nilang magagawa kong pumatay sa edad kong iyon? Pero ngayon baka maaari! Ngayong labing-anim na ako.

Mother hate me for being her daughter. I don't know why? dahil ba sa akin kaya namatay si papa? Kasalanan ko ba iyon? Dahil sa ginawa kong hindi ko naman talaga ginawa or because they really hate me for being their unlucky blood relation on their clan? Pero kahit gaano pa ako kamuhian ng aking ina o kamuhian ko siya, hindi parin maipag-kakaila na minahal ako nito at mahal ko siya bilang aking ina hanggang ngayon, hanggang sa aking hukay.

Ang angkan ni mama, ayaw sa akin dahil sa nananalaytay sa aking dugo ng mga bampira. Ganon din sa papa ko, dahil sa may dugo rin daw akong tao! Pero PUTANGINA!! Ano naman ngayon kung ganon ang pag kakakilanlan ko? Hiniling ko bang ipanganak ako sa mundong ayaw rin naman sa akin? Akala ba nila gusto ko rin sa kanila?!

All of them, lahat sila! isinusumpa kong pagsisisihan nila ang pag takwil sa akin bilang isa nilang kamag-anak. Pati ang mga kaibigan kong mga walang katapusang pagkasuklam sa akin dahil sa ginawa ko sa aming kaibigan. Mali pala, kaibigan nila. Ang pinakamamahal nilang ELVIRA na hulog ng langit sa kanila.

Iwan ko kung anong ginawa ni Elvira sa mga kaibigan ko upang sa kanya magtiwala, pati ang taong ni minsan ay hindi ko naisip na kamuhian sa tanang buhay ko si Kurozul Blood Alaric. Ang lalaking palagi kong kasama sa lahat ng mga kaibigan ko si Kuro ang tawag ko sa kanya.

"ELVIRA! ELVIRA!" Sigaw ko na nag echoe sa karagatan na tila mabibingi ang mga isda sa ilalim nito. Napahagalpak ako nang tawa na tila walang katapusan, walang katapusang paghihinagpis, pagkamuhi sa sarili dulot ng mga taong minsan ko nang pinahalagahan na kanilang sinayang.

Nakarinig ako ng mga kaluskos sa mga damuhan pero hindi ko na pinansin because I'm not totally hungry para kumitil ngayon ng masarap na hapunan. Itinuon ko muli ang attention ko sa malawak na karagatan kasabay ng pagsalubong sa akin ng sariwang hangin dahilan upang mapasandig ako sa malaking puno rito.

I feel so lonely, naramdaman ko na lang may tumakas na luha sa aking mata. Bakit ba ito nangyari? Are you kidding me self? You've been cage in this Island for six years tapos ngayon mo lang naisip na bakit naging ganito? Nagpapatawa ka ba?

Bumuntong hininga na lang ako kasabay ng pagtangay ng hangin sa aking mahabang buhok na hindi nakatali.

Hindi ko rin maipagkakaila na ako'y umasang may bumisita o dumalaw man lang sa akin sa Islang ito. Pero sino ba ang pinagloloko ko? Ayon sa pagkakakulong ko rito, malayang malayang may dumalaw sa akin dito pero hindi ako pwedeng isama pabalik kung saan talaga ako nararapat. Ngunit ni isa wala!

Tears of BloodWhere stories live. Discover now