Chapter 7

52 30 3
                                    


Nadatnan ko sa kuwarto si Mr. Gigantomachia habang pinupulot ang mga nabasag kong mamahaling mga chandeliers. Nagtataka talaga ako kung anong motibo nila upang kunin nila ako. Tiyak akong may kapalit ang pananatili ko sa kanila.

"Akala ko umalis ka na, ijah." Ngiti niya sa akin pero hindi ko pinansin at nakita ko naman ang pagkadismaya nito. Mahirap nang magpapasok sa buhay ko, ayaw kong iwan ulit na mag-isa. Mas mabuti ng manatiling ganito.

"Sabihin niyo, anong kailangan niyo sa akin?!" Matalim ko itong tinitigan ngunit nagpatuloy lamang ito sa paglilinis. Bakit siya ang naglilinis niyan? Bakit hindi nalang hayaan?

"Wala kasing babae sa pamilyang Gigantomachia kaya nais kong magkaroon ng apong babae." Tumingin siya sa akin. Base sa kanyang ekspresyon ay totoo ang kanyang sinasabi.

"Talaga bang iyan lang?"

"Oo, ijah. Kaya tawagin mo na akong Grandpa." Napataas ang kabila kong kilay. Hindi ko akalain na may mga ganito pang pag-uugali sa mundong ito.

"Kung gayon, iyon lang ang gagawin ko sa pamilyang ito. Grandpa." Kahit masama ang pagkabigkas ko ay ngumiti na lang ang matanda. "Iyon lang at wala ng iba pa." Tingin ko sa kanya pero ang matanda ay nakikitaan ko siya nang pagkagalak. Tulad ng una kong makita si Inang Tia.

"Sige, magpahinga ka na ijah." Aalis ito ng mag-salita ako. Kahit wala akong makitang motibo sa pagkupkop nila sa akin, kailangan ko pa rin mag-ingat.

"Hindi niyo ba nais malaman kung saan ako nagpunta? Ako ay isa na niyong apo. Bakit hindi kayo nagtatanong?"

"Sapagkat may tiwala ako sa aking mga apo. Hindi ko na kailangan malaman pa ang iyong ginagawa. Ito lang ang sa akin, gawin mo ang gusto mong gawin. Mananatili akong suportado sa inyo, mali man o tama." Tinapik nito ang balikat ko. Napakasuwerte naman ng pamilyang Gigantomachia sa pagkakaroon ng isang suportadong Lolo.

Umalis na ito at naiwan akong tulala. Kahit mali susuportahan ang mga apo? Sana mayroon din akong kamag-anak na ganoon ang turin sa akin.

Damang-dama ko ang sakit sa aking likuran habang naliligo ako. Tiningnan ko ang sugat ko sa likuran at may namuong luha sa aking mga mata ng makita ko ito sa salamin. Ang tattoo na nakaukit rito ay nawala sa ayos na tila namatay din dahil sa natamong sugat. Ito lang ang bagay na iniwan sa akin ni Titus, ang kanyang nilagay na tattoo sa dati kong sugat na ngayon ay para na rin itong namatay.

Humiga ako sa kama ng mapatuyo ko ang buhok ko. Niyakap ang malambot na unan at patuloy sa pag-tulo ang mga luha ko. Sana panaginip ang lahat. Nais kong makasama sila muli. Ang sakit sakit isipin na wala na naman akong kasama. Bakit hindi na lang pwedeng mawala na lang? Pagod na pagod na ako.

Nagising ako at inuna kong tingnan ang mukha ko sa salamin. Mas lalong nadagdagan ang pamamaga ng ibaba kong mata, mas nangitim ito. Bumaba ako sa kama upang maglibot-libot sa bahay na ito at nakita ko si Suga na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo. Tumabi ako sa kanya at doon nag-isip ng malalim. Hindi rin naman pinakialaman ang pag-upo ko sa tabi niya.

Habang nag-iisip, sumilay sa akin ang laman ng diyaryo, ang mukha ni Kurozul habang may kasama itong babae. Morena ang babae, maganda at makikita mo sa kanyang mukha ang pagiging suplada at tiwala sa sarili.

Sandali? Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Elvira? Siguro iyan ang iniiyakan ng malditang iyon kagabi dahil ipinagpalit siya sa babaeng mas maganda at mas suplada sa kanya.

Dahil sa katitingin sa diyaryo, hindi ko namalayan na isang inch na lang at magkakadikit ang mukha namin ni Suga kaya lumayo ako sa kanya at hindi pinapahalata na nagulat din ako sa nangyari. Nakita ko na lang siyang tumaas ang kabila nitong kilay.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now