Chapter 11

49 28 3
                                    


Bumaba kami sa kotse nang dumating kami sa Luna University. Unang sumalubong sa amin ang malawak at mataas na gate habang nakabukas ito. Mayroong sampung security sa labas nito na purong naka formal attire na color black tapos mayroon ding nakasabit na devices sa kanilang tainga.

Nakasuot din ako ng uniform na kulay puti ang blouse tapos sa kanang dibdib ko ay nakalagay ang logo ng eskwelahan. Ang palda naman nito ay color black na hanggang legs ko lang, hindi naman masyadong mababa. Napaka simple ng kanilang uniform at the same time ay elegante itong tingnan.

Sinamahan lang ako ni Suga maging ang dalawa nitong pinsan upang ihatid ako sa loob kaya naman pinagtitinginan kami ng mga estudyante, lalo na ang mga kababaihan na isinisigaw pa ang pangalan ng tatlo kong kasama. Hindi naman ako nagugulat sa mga inaasta ng mga kababaihan.

Si Suga ay 4th year college na siya sa Civil Engineering samantalang kami ay Senior High School pa lamang. Pareho kaming gagraduate this year. Kung walang mangyaring masama.

Namamangha ako sa pagbabago ng eskwelahan na ito. Ang lawak ng sakop nito bukod pa ron ay nagsisitaasan ang mga gusali kaya napapatingala ka na lang.

Walang pasok ngayon ang tatlo kong kasama sapagkat mamayang gabi ang kanilang pasukan. Samantalang ako ay ngayong umaga. Kaklase ko si Giran at Isagani ngunit magkaiba lang kami ng oras. Napunta ako sa umaga dahil tao parin naman daw ako. Ngunit kung pagmamasdan ko ang paligid ay may mga bampira akong nakikita na nag-aaral sa umaga pero mabibilang lang sa daliri ang bampirang nakikita ko ngayon.

Sigurado akong kasama ang lahat ng ito sa plano. Ang mga taga Necrocius ay kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng paaralan na ito at tiyak kong ganon din ang Harthus.

Umalis na ang tatlo ng masigurado nilang enroll na ako sa Luna University. Itinuro na lang nila sa akin kung saan ang room ko. Pumasok na lang din ako at dumeritso sa likuran upang doon umupo. Hindi ko pinansin ang paligid ko. Sigurado naman akong mapanghusga lang ang igagawad nilang tingin sa akin.

Pumasok ang isang may edad na babae habang nakasuot ito ng makapal na salamin. Makikita mo talaga sa kanya na takot sa kanya ang mga estudyante nang tumindig siya sa harapan. Nawala ang ingay maging ang mga babaeng panay ang tingin sa akin ay umupo nang maayos.

"Our new student, come in and introduce yourself." Nakatingin siya sa akin ng seryuso kaya tumayo naman ako at pumunta ako sa unahan.

Ngayon nakikita ko na ang bawat mukha ng mga kaklase ko, mga halo-halong tingin. May mapanghusga, mapagmataas, at higit sa lahat nandidiri habang nakatingin sa akin.

"I'm Enyo Gigantomachia, a Huvanire person." Nabigla na lang sila sa sinabi ko. Napayuko na lang ang iba sa kanila na tila natatakot samantalang ang iba ay ganoon pa rin ang tingin, mapanghusga.

"Okay, you may now sit." Seryusong sabi ng babae pagkatapos ay inayos ang kanyang salamin kasabay din nang pag-bukas ng pinto at bumungad sa amin ang tatlong babae. Dumeritso na lang ako sa aking upuan.

"Why are you late, Elvira." Seryusong sabi ng guro pero hindi pinansin ni Elvira at dumeritso sa kanyang upuan na sinunod din ng mga kasamahan nito. Tiningnan ko ang dalawa nitong kasama at pamilyar sa akin ang kanilang mukha, they were my old friend. Kaya pala naka bakante ang tatlong upuan sa unahan dahil sila ang nakaupo.

"You really have no manner, Miss Luna! Miss Agante! Miss Pagua!" Umupo na lang ng maayos ang tatlo. "Get out of my sight! You're not needed at my class." Turo nito sa pintuan.

"Sorry, ma'am Agua." Nakangising sabi ng isa sa kasama ni Elvira. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Feria Agante.

Tumayo na lang si Elvira at walang pasabing lumabas sa classroom kasama ang dalawa nitong kaibigan.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now