Chapter 16

44 26 2
                                    


At ngayon ay narito siya sa harap ko.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa lalaking ilang hakbang na lang ang agwat namin. Nakasuot ito ng bathrobe na kulay itim habang nakikita ang matipuno nitong dibdib, magulo ang buhok nito habang nagtataka ang hitsura nito. Hindi rin nagtagal ay ngumisi ito kasabay ng pag-sugod ko sa kanya.

Umiilag lang ito sa akin habang panay naman ako sa pag-ataki sa kanya. Nawawalan na ako ng kontrol sa sarili ko. Kahit gusto kong pigilan ang sarili ko ay hindi ko maipagkakaila na nahuhumaling ako sa dugo ng lalaking ito.

Huminto ako sa pag-ataki sa kanya at huminga ng malalim. Samantalang ang lalaking ito ay binibigyan lang ako ng nakakainis na tingin. Tumingin ako sa paligid at ang dami naming nasira, tiyak akong mamahalin lahat ng ito.

"You wanna taste my blood? Play with me." Mapag-laro nitong sabi na agad ko rin siyang sinugod pero hindi pa ako nakarating sa kanya ay tumilapon ako sa mga dingding kaya napasigaw ako dahil sa pagkakaalam na palaging may humahadlang sa akin.

Nag-iba ng husto ang aking hitsura, ramdam ko ang masamang aura na nagmumula sa akin. Tumayo ako at tiningnan nang masama ang lahat ng lalaking nakaitim ngayon habang pinoprotektahan ang nais kong makuha, si Kurozul.

May dumating din na babaeng kasing edad ng aking Ina habang nagugulat sa nakikita. Napakaganda niya habang nakasuot ng unwrapped dress na kulay puti na nababagay sa kanyang mala porselanang balat. Gayunpaman, ngumiti ito nang makita ako.

Nararamdaman ko na ang masama kong intensyon sa mansyon na ito. Kanina lang ay gusto kong makuha ang dugo ni Kurozul pero ngayon ay sumagi sa isipan ko na patayin ang lahat ng narito.

Namalayan ko na lang na sumugod ako sa lalaking umataki sa akin. Nakikita ko sa kanilang mukha ang pagka-gulat ng nasa harapan na ako ng lalaki at dudukotin ang kanyang puso pero hindi na naman ako nagtagumpay dahil nakita ko ang lalaking kaharap ko na tumilapon sa mga pader habang hawak ni Kurozul ang mga kamay ko. Ito na ang pagkakataon ko!

Hinawakan ko ang bathrobe nito gamit ang kabila kong kamay at binalibag siya sa sahig. Nakita ko naman ang pagkabigla ng mga bampirang naririto lalo na ang babaeng may anghel na mukha. Napatakip na lang ito ng kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay.

Nasa ibabaw ako ngayon ng katawan ni Kurozul habang nakahiga. Nakikita ko sa kanyang mukha ang pagkatulala rin sa nangyari kaya nagkaroon ako ng pagkakataon upang sunggaban sana ang kanyang leeg pero agad may humawak sa magkabila kong kamay upang pigilan ako sa ginagawa ko.

"Stop it! Enyo!" Nagagalit na sabi ni Suga pero nagpupumiglas pa rin ako sa kanyang pagkakahawak. Naalerto naman ang mga lalaking nakaitim dahil sa pag-dating ng tatlong mag-pinsan na Gigantomachia.

"We really sorry for what happen today." Pagsasabi ni Isagani sa babaeng nagugulat sa mga pangyayari pero hindi rin nag-tagal ay napangiti ito pagkatapos ay tumingin sa akin.

"No worries about that, ijoh." Lumapit siya sa akin habang nagpupumiglas pa rin ako kay Suga pero sadyang bumibigay ang katawan ko. Nanghihina dahil sa kaalaman na nag-aalala sa akin ang matandang Gigantomachia. "You're so beautiful, ijah. May I know your name?" Pagtatanong nito sa akin pero napadura na lang ako sa aking gilid. Anong pinagsasabi niyang maganda ako? Nagmumukha akong halimaw ngayon tapos maganda? Sinong inuuto ng babaeng ito?

"She's our cousin, Enyo Gigantomachia." Si Giran na ang sumagot sa babae kaya ngumiti na lang ang babae.

"I see. I'm glad to meet you, Enyo. I'm Rebekah, ako ang Ina ni Kurozul." Nabigla naman ako sa sinabi nito. Siya ang Ina ni Kurozul?

"If you don't mind, Ms. Alaric. We'll leave right now." Tumango na lang ang babae pagkatapos ay tumingin sa anak na nakatingin ito ng seryuso sa amin.

Hindi na ako nagpumiglas at nagpatangay kay Suga habang patalon-talon sa mga puno. Naiiyak na lang ako habang pinagmamasdan ang mansyon nila Kurozul, nabigo na naman ako.  

Tears of BloodWhere stories live. Discover now