Chapter 19

41 27 1
                                    


Pumasok agad ako sa aking kuwarto nang makababa na kami sa kotse. Agad kong hinubad ang uniform ko at pumunta sa banyo upang maligo. Nakatingin lang ako sa salamin at nakikita ko ang sarili kong matutulog na kaya agad akong umalis sa banyera. Pinatuyo ko ang buhok ko pagkatapos ay nag-suot ng whole black na jumper dress at pumunta sa kama. Nagkumot ako at namalayan ko na lang na naka idlip ako.

Pagkagising ko ng tanghali ay agad akong pumunta sa banyo upang maghilamos pagkatapos ay pumunta ako sa baba at nadatnan ko si Mr. Gigantomachia na nagbabasa na naman ng diyaryo.

"Kumusta ang tulog ng aking apo?" Tumingin siya sa akin pagkatapos ay uminom sa kanyang tsaa.

"Maayos naman po, Grandpa." Sagot ko sa kanya habang tinitingnan ang kabilang side ng mansyon baka sakaling nandoon ang magpipinsan.

"Wala sila ngayon." Tumingin naman ako kay Mr. Gigantomachia at nakangiti ito sa akin. Nahalata niya siguro na hinahanap ko ang mga apo nito.

"Nasaan po sila?" Uminom ulit ng kanyang tsaa si Mr. Gigantomachia bago niya ako sagutin.

"Nagka problema kasi ngayon sa kompanya kaya si Suga na ang pinapunta ko." Napatango na lang ako sa sinabi nito.

"Ganon po ba? Kailan siya umalis?"

"Kaninang umaga lang nang papasikat ang araw." Napahawak na lang ako sa aking leeg nang sabihin niya iyon.

"Tiyak akong pagod iyon." Tanging naisagot ko kay Mr. Gigantomachia.

"Tama ka ijah. Bata palang si Suga ay magaling na siyang mag manage sa kompanya kaya siya ang inaasahan ko palagi. Maganda kasi ang pamamaraan nito. Bukod pa ron, kapag nandiyan siya ay tiyak na resolve na ang problema." Si Suga talaga ang inaasahan niya para sa kanyang kompanya.

Sa nakikita ko naman sa pamilyang Gigantomachia ay walang interesado na mag-manage sa kanilang kompanya. Kung tatanungin si Galeo at Abegail ay halata sa kanila ang walang pagka-interes dito.

Hindi na ako nagtataka sa galing ni Suga. Sa tindig at tingin palang nito sayo ay alam mo na kung gaano ito ka impluwensya. Hindi ko na rin kailangan malaman kung anong klaseng kompanya ang pagmamay-ari ng mga Gigantomachia. Sapat nang nakikitira ako sa kanila. Wala naman iyong halaga sa akin.

"Paano po ang dalawa niyong apo? Kasama rin ba sila ni Suga?" Uminom ulit ng kanyang tsaa.

"Nasa labas si Isagani. Nagtatanim ito ng magagandang bulaklak. Iyon ang kinahiligan din niyang gawin." Napangiwi ako sa sinabi nito. Mahilig pala sa bulaklak si Isagani? Hindi halata.

Nakita kong bumuntong hininga na lang si Mr. Gigantomachia bago dagdagan ang kanyang sinabi.

"Samantalang si Giran. Nakikipag-laro na naman sa mga kababaihan." Napapailing na sabi ni Mr. Gigantomachia at the same time ay nakangiti ito. "Nagmana talaga siya sa akin." Nakangiti nitong sabi na tila may naalalang magandang pangyayari sa kanyang buhay. "Mga kabataan talaga, masyadong mapusok." Napangiwi na lang ako sa sinasabi nito. Talagang hindi siya nagsisinungaling na susuportahan niya ang kanyang mga apo kahit ano pa man iyon.

"By the way Grandpa. Sasali ako sa magaganap na Luna Festival." Ngumiti na lang ang matanda sa sinabi ko.

"Maganda iyan ijah." Napanganga na lang ako sa tugon nito. Hindi man lang ba siya susuway ng kaunti? "Anong sinalihan mo na competition ijah?" Binitawan nito ang kanyang hawak na diyaryo.

"Gusto ko sanang sumali sa Combat ngunit ayaw kong mawala ang pokus ko sa pagmamasid." Nagulat naman si Mr. Gigantomachia sa sinabi ko.

"Sa Combat? Apo, wagkang sumali diyan. Hindi kita papayagan na sumali kung diyan ka sasali. Tiyak akong kapag may masamang mangyari ay kayong nasa Combat ang mahihirapan." Nag-aalala nitong sabi pero napahawak na lang ako sa aking leeg at minasahe ito.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now