Chapter 35

19 12 0
                                    


Isang buwan na akong naririto sa mansyon ng Luna. Kahit gumagaling ang mga sugat ko sa katawan ay agad naaagapan ni mama ng panibagong mga sugat.

Naka-upo ako ngayon sa sahig. Hindi ko magawang tumayo dahil sa nakakadenang paa ko na nagdurugo na ito. Nasipa kasi ito ng tauhan ni mama kanina.

Napahawak na lang ako sa tiyan ko habang pumapatak ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan na hindi mangamba sa lugar na ito. Lalo na kapag wala si Guhan pero minsan narito nga siya ngunit nahuhuli naman siya ng dating. Nasasampal pa rin ako ni mama na hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang pagtalpik nito sa pisngi ko. Nalalasahan ko rin ang dugo mula sa aking labi.

Niyakap ko na lang ang mga binti ko dahil sa lamig na tumatama sa balat ko. Naramdaman kong medyo lumalaki na rin ang tiyan ko.

"Sinaktan ka na naman ba ni Mama?" Biglang tanong ng nasa likuran ko pero hindi ako kumibo. "Ganon talaga si Mama. Huwag kanang umasang magbabago 'yon." Malumanay niyang sabi. Nag-iba na ang turin niya sa akin. Hindi na niya ako nginingisian o minamaliit sapagkat naaawa na siya sa akin ngayon.

"Umalis ka na." Tanging nasabi ko. Narinig ko naman na bumuntong hininga siya.

"Sige, pagsasabihan ko si Mama." Seryuso nitong sabi pagkatapos ay naramdaman kong umalis.

Nang makaalis na ito ay dahan-dahan akong napatingin sa pinto. Napahagulgol na lang ako habang napapahawak sa kumikirot kong dibdib.

Suminghap ako ng hangin pagkatapos ay nahiga ako sa sahig habang patuloy sa pag-tulo ang mga luha ko.

Lumipas ang mga araw na hindi ako dinadalo ni mama kaya unti-unting naghihilom ang mga sugat ko subalit ramdam ko ang pamumutla ko. Tila malala na ang aking sakit.

Napangiti na lang ako sa kawalan. Tumingin sa paligid na puno ng mamahaling bagay, mga painting na tiyak akong malalaki ang halaga ng bawat isa nito.

Hindi nag-tagal ay napabuga ako ng dugo. Pilit akong napangiti sa sarili dahil sa kaalaman na wala na akong takas dito. 

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng ingay sa labas. Tila mga putok na baril. Naghinay-hinay akong tumayo mula sa kama habang hawak ko ang tiyan ko. Malaki na ang tiyan ko na tatlong buwan o dalawang buwan ay manganganak na ako.

Hindi rin ako sinasaktan ni mama. Hindi man lang siya nagpapakita sa akin na ipinagtakaka ko dahil alam kong walang araw na hindi niya gustong makitang hindi ako nasasaktan. Ngunit ngayon ay hindi ko alam kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero mas mabuti na 'yon upang ang kalusugan ko lang ang problema ko.

Sa paghakbang ko papunta sa pinto ay kasabay ng pagbukas nito. Nagulat man ako ay tiningnan ko lang siya ng masama ngunit napatingin siya sa tiyan kong lumaki na. Nagtaka naman ang hitsura nito.

"What are you doing here?" Kahit masama ang pakiramdam ko ay taas noo akong tumanong sa kanya ngunit nang may marinig kaming mga putok ulit ay agad niya akong hinatak.

Hindi man lang ako makapiglas sa kanya dahil sa lakas nito. Hindi na ako yung dating malakas na kayang lumaban at makipagtagisan sa babaeng ito. Si Akaenyo na tila nagmamadali. Gayunpaman ay hindi ako susuko sa kanya kaya tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Why are you doing this?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero agad nitong hinatak ulit ang kamay ko. Napadaing naman ako nang higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Nang mapansin niyang nasasaktan ako ay niluwag nito ang pagkakahawak sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Look, Enyo. Sumama ka na lang, pwede? Wag ka munang magtanong ng sa gayon ay maiwasan mong masaktan." Makahulugan nitong sabi pagkatapos ay tumingin sa tiyan ko. Napalunok naman ako sa pahiwatig ng kanyang tingin kaya nagpatangay na lang ako sa kanya.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now