Chapter 6

58 32 6
                                    


Nagising akong hingal na hingal. Tumingin sa paligid at lumantad sa akin ang puting kisami maging ang higaan ko'y puti na rin ngunit nabahidan ng aking dugo na nagmumula sa aking ilong.

Nasaan ako? Bakit ako narito?

Dahil sa pagkalito ay agad akong bumaba sa kama. Nang maglalakad ako ay agad akong natumba. Ngayon ko lang napansin na nakakadena pala ang magkabila kong paa.

Sinong gumawa nito?

Gayunpaman, nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa pintuan ngunit nang marating ko ito ay hindi ko mabuksan na nagpaigting ng aking panga. Ano bang nangyari at narito ako ngayon? Nakabilanggo?

Kahit anong pilit kong buksan ang pinto ay hindi ko mabuksan kaya napaupo na lang ako sa sahig habang nakatingin sa pinto at inaalala kung anong nangyari. Nang lumingon ako sa gilid ko, nakita ko ang sarili ko sa salamin. Lumapit ako upang tingnan ang hitsura ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatingin sa salamin. Ito pala ang mukha ko. Namumutla ang mga labi, namamaga ang ibaba ng mata ko tapos duguan pa ang ilong.

Naaawa ako sa nakikita ko ngayon. Isang babaeng tila mamamatay na dahil sa malala nitong sakit. Iyon ang nakikita ko sa aking sarili.

Napalingon ako sa pintuan ng makita ko sa salamin na bumubukas ito.

"Gising na pala siya." Nakangiting sabi ng lalaking kasing edad ko lamang pero ang kaharap kong lalaki ngayon ay seryuso ang tingin nito sa akin.

"Sino kayo?" Tumawa lang ang lalaking nag-salita kanina. Samantalang naiinis ang kaharap ko habang nakatingin sa akin.

"Tama na iyan, Isagani!" Kararating lang ng isang matandang lalaki kaya natahimik ang lalaking nagngangalang Isagani.

"Kumusta ka, ijah?" Nakangiting tanong ng matanda ngunit mababanaad mo pa rin ang malakas nitong presensya.

"Sino kayo? Bakit ako narito?"

"Kalma lang, ijah. Napansin kasi ng apo kong ito na hindi ka normal na tao sapagkat may dugo kang bampira." Tingin nito sa seryusong lalaki.

"Ang tanong, bakit ako narito?" Bakit hindi na lang nila ako diretsuhin?

"Dahil magaling ka?"

"Anong konektado ng pagiging magaling ko sa pagparito ko?"

"Patapusin mo monang mag-salita si Grandpa!" Matalim na titig sa akin ng lalaki.

"Ayos lang Suga." Ngiti nito sa nagngangalang Suga kaya naman tumahimik ito. "Interesado ako sa mga katulad mo na kayang ipagtanggol ang sarili." lingon nito sa akin.

"Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?" Pinapahaba pa ang usapan!

"Walang galang!" Ani naman ng lalaking Suga.

"Ganito kasi iyon, ijah. Nais kong maging parte ka ng angkan namin."

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.

"Ngayong wala na ang tribo ng Zuma, tiyak kong wala ka ng mapupuntahan."

"Bakit anong nangyari sa kanila?" Nagkatinginan na lamang sila. Anong ibig niyang sabihin na wala na ang tribo ng Zuma? Ano ba talaga ang nangyari?

"Tila nakalimot siya, Grandpa." Sabi ni Isagani.

"Siguro dahil sa labis na galit_"

"Magsalita kayo! Saan niyo ako nakita?" Matalim ko silang tinitigan.

"Natagpuan ka ni Suga sa mga kakahuyan. Sa Isla kung saan nakatira ang tribo ng Zuma. Napansin kasi niya na may dugo kang bampira." Ngayon nakaramdam ako ng sakit sa puso ng unti unting nalilinaw sa aking isipan ang nangyari. Hindi maaari, hindi nila ako iiwan.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now