Chapter 29

33 20 1
                                    


Umuwi akong nasa ibang lupalop na lugar ang utak ko. Hindi rin makapag-salita si Isagani dahil ramdam niya siguro ang mangyayari sa kanya pag pinakialaman ako.

Dumiretso agad ako sa aking kuwarto at ni-lock ang pinto. Hindi pa ako nakakapunta sa kama ay napahagulgol ako. Hindi ko mapigilan na umagos ang mga luha ko.

Hinubad ko ang paris kong sapatos at humiga sa kama. Nagkumot na lang ako habang kagat-kagat ko ang kamay ko upang walang makarinig sa pag-iyak ko. Nalalasahan ko rin ang dugong nagmumula sa kamay ko. Napadiin ng sobra ang mga pangil ko rito.

Masyado akong nasasaktan ngayon. Masyadong naging kumplikado ang lahat. Ang dami-dami kong problema ngunit dumagdag pa itong relasyon namin ni Kurozul. Ano na ang gagawin ko?

Bumangon na lang ako at sinabunotan ang buhok ko. Nababaliw na ako! Hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan. Maging ang kumot ko'y itinapon ko rin.

Napakawalang hiya niya!

Agad akong pumunta sa balkonahe at doon ay naramdaman ko ang lamig ng hangin. Nakatulong naman ito sa akin upang kumalma. Napaupo na lang ako at sumandig sa pader habang nakatanaw sa malawak na kagubatan.

Namalayan ko na lang na naka-idlip ako.

Nagising ako sa aking kama. Hindi na ako nag-taka kung sino ang nag-dala sa akin dito. Bumangon na lang ako at dumiretso sa banyo upang maligo.

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Mas lalong nangitim ang ibabang mata ko. Napatawa ako ng kaunti. Kasalanan ito ni Kurozul.

Kasalanan niya!

Bumaba ako sa sofa at nakita ko silang lahat na nagbabasa ng diyaryo. Tumabi naman ako kay Mr. Gigantomachia.

"Umiyak ka na naman?" Tanong ni Mr. Gigantomachia dahilan upang mapatingin sa akin ang mga apo nito.

"Hindi po." Seryuso kong tugon kay Mr. Gigantomachia kaya ibinaba nito ang kanyang diyaryo.

"Sinong nagpaiyak sayo? Ang kasintahan mo?" Napabuntong hininga na lang ako sa tanong nito. Muntik ko ng makalimutan na mahirap lokohin itong matandang ito.

"Naghiwalay kami kahapon." Tanging naisagot ko. Narinig ko naman ang pag-tawa ni Giran at Isagani. Maging si Suga ay nakita ko ang pag-ngiti nito. Kinuha naman ni Mr. Gigantomachia ang kanyang tsaa habang napapangiti ito.

"Isa ka ngang Gigantomachia, apo." Sabi ni Mr. Gigantomachia nang uminom ito sa kanyang tsaa.

"Ang bilis ng inyong relasyon parang tinangay lang ng hangin. Akalain mo hindi pa umaabot ng isang linggo?" Ani naman ni Isagani habang natatawa.

"Mas magaling pa sa akin si Enyo." Natatawang sabi ni Giran kaya napatingin ako sa kanya ng masama.

"Kaya naman pala hindi siya makausap kahapon." Tuloy naman ni Isagani. "Masakit ba?" Dagdag pa nitong tanong habang natatawa.

"Hindi. Sa totoo lang parang hangin din na biglang nawala."

"Mabuti 'yan." Tanging narinig ko kay Suga. Napatikhim naman si Mr. Gigantomachia.

"Sa susunod kasi apo, tumingin ka sa paligid mo at tiyak na makikita mo talaga ang bampirang magpapasaya sayo hanggang sa huli." Napatango naman ako sa sinabi ni Mr. Gigantomachia.

"Opo, Grandpa." Seryuso kong sabi.

"Hindi talaga ako makapaniwala. Hindi umabot ng isang linggo ang relasyon tapos hindi umabot ng isang araw ang pagdamdam sa sakit dahil sa hiwalayan." Hindi makapaniwalang ani ni Giran. "Ipinagmamalaki talaga kita, Enyo." Dagdag nito.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now