Chapter 27

33 19 1
                                    


"Sumama ka sa akin."

Nagpatangay naman ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko habang nakangiti ito sa akin. Hindi ko rin napigilan na mapangiti sa kanya.

Nabigla ako nang buhatin niya ako at nagpatalon-talon sa mga puno. Humakbay na lang ako sa kanya at tumingin sa dinaraanan namin.

Nang makalayo na kami sa Luna University ay ibinaba niya ako. Huminto kami sa napakataas na lugar, sa mataas na bangin. Ngayon ko lang ito nakita. Damang-dama ko ang hangin na dumadampi sa balat ko maging ang buhok ko ay tinatangay din ng hangin.

"Nagustuhan mo?" Tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Sobra." Mahina kong sabi sa kanya.

"Paano mo ito nahanap? Ngayon ko lang ito nakita." Pagtataka ko pero ngumiti lang ito.

"Naligaw lang din ako rito."

Katahimikan ang nayanig sa amin sa lugar na ito. Pinagmasdan na lang namin ang kagandahan ng lugar. Nakakagaan sa pakiramdam.

Naramdaman ko naman na yumakap siya sa aking likuran. Nabigla ako sa kanyang ginawa pero hinayaan ko na lang ito.

"Mahal kita, Enyo." Mahina nitong bulong sa tainga ko. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.

"Totoo ba 'yan?" Tanong ko pagkatapos ay humarap ako sa kanya. Hinawakan naman niya ang magkabila kong baywang.

"Maniwala ka man o hindi. Sadyang napaamo mo ang aking sarili. Mahal na mahal kita, Enyo." Niyakap ako nito kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Mahal din kita, Kurozul." Mahina kong sabi. Naramdaman ko na lang ang pag-halik niya sa noo ko.

Natagalan kami sa ganoong posisyon. Hindi rin nag-tagal ay ako na ang humiwalay sa pagkakayakap pagkatapos ay humarap ako ulit sa magandang tanawin.

"Mahal na mahal kita, Enyo. Sasama ako sayo kahit saan ka man maparoon."Dinig ko pa rin na sambit ni Kurozul kaya hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko. Naramdaman kong niyakap niya ako muli sa aking likod kasabay ng pagbuga ko ng sarili kong dugo.

"Ganon din ako, Kurozul." Pilit kong sabi sa kanya pagkatapos ay dahan-dahan kong hinawakan ang aking likod. Mas lalong tumulo ang mga luha ko ng maramdaman ko ang dugong nagmumula rito.

Tumingin ako kay Kurozul at nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-hingi ng tawad. Napaatras na lang ako sa kanya habang umiiling.

"B-bakit?" Nabubulol kong tanong sa kanya. "Bakit Kurozul?" Napatawa na lang ito ng kaunti.

"Hindi mo pa rin ba maintindihan?" Nakangisi nitong tanong pero nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata na napilitan lang itong gawin. Tumingin na lang ako sa kanyang kamay na puno ng dugo na nag-mula sa akin.

"A-aminin mo Kurozul. N-napilitan ka lang diba?" Tanong ko sa kanya habang umaatras pero humahakbang naman siya patungo sa akin.

"Hindi Enyo. Balak ko talaga ito sa umpisa pa lang na masilayan kita." Pilit itong ngumiti pagkatapos ay umiling sa akin. "Gusto ko lang tapusin ang paghihirap mo, Enyo." Sabay saksak niya ulit sa tiyan ko gamit ang kanyang mga kamay. Napatingin naman ako sa kanya gamit ang mga mata kong pagsisisi. Itinulak ko naman siya agad.

Humakbang pa ako ng isang hakbang dahilan upang muntik na akong mahulog sa mataas na bangin pero agad nahawakan ni Kurozul ang baywang ko kaya napayakap ako sa kanya.

"Paumanhin, Enyo." Naging seryuso ang tingin nito at dahan-dahan akong binibitawan. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mukha nito kasabay nang pagguhit ng ngiti sa aking labi.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now