Chapter 20

43 27 2
                                    


"Talagang matigas ka rin noh?" Tumayo ito habang nakaalalay pa rin sa kanya si Nonna. Mabuti naman at nagpatulong siya kay Nonna, hindi niya tinanggihan.

"Ayaw mo ba ng ganoon?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Nag-isip naman siya sa sinabi ko. Alam ko kung ano ang tipo ni Sandra. Ayaw niya nang lalampa-lampa.

"Tila alam mo kung ano ang gusto ko." Sagot nitong nakangiti. Ngayon ay nararamdaman ko ang malalakas na aura na nagmumula sa amin.

"Tama na ito, Alessandra." Seryusong sabi ni Nonna pero itinaas lang ni Sandra ang kamay nito na nagpapahiwatig na wag kang makialam. Napabuntong hininga na lang si Nonna kaya umawat ito sa amin.

Kasabay nang pag-awat ni Nonna ay agad akong sinipa sa tiyan ni Sandra dahilan upang mapalayo ako sa kanya. Pero hindi ako natinag sa kanyang sipa kaya agad akong nasa harapan niya at hinawakan ang uniform nito at pinalipad din siya. Ngayon ay nakikita ko ang pag-crack ng pader na kanyang tinilapunan.

Tumayo na lang ito pagkatapos ay inayos niya ang neckline ng kanyang uniform habang nakangiti siyang nakatingin sa akin. Nakita ko rin ang kaunting dugo na tumulo mula sa kanyang ulo pero hindi man lang ito pinansin.

Aataki na naman si Sandra ngunit nang maramdaman niyang may paparating ay nakita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Humawak pa ito sa kanyang leeg habang naiinis na nakatingin sa paparating na bampira.

"What a disappointment." Seryuso nitong sabi pagkatapos ay tumingin sa akin. "Ituloy na lang natin ito sa susunod, Enyo Gigantomachia." Nakangisi nitong sabi pagkatapos ay tiningnan niya si Nonna. Naintindihan naman ni Nonna ang pahiwatig ng kanyang tingin.

Agad inalayan ni Nonna si Sandra. Humakbay naman si Sandra kay Nonna at pareho silang tumingin sa akin.

"Bye." Mahinang sabi ni Sandra pagkatapos ay may gumuhit na ngiti sa kanyang labi at umalis na sila. Nakatulala lang ako nang matunghayan ko ang pangyayaring iyon.

Bakit ganoon si Sandra? Akala ko siya iyong tipong bampira na mapride sa sarili at hindi kailangan ang tulong ng iba pero tila nagkamali ako ron. Masasabi kong mabait pa rin si Sandra. Nais ko tuloy siyang makilala ng husto.

Tiyak akong may nagpabago sa kanya.

Nang tuluyan na silang makaalis ay napabuga ako ng aking dugo. Hindi ko maitatangging malakas din ang pagkasipa sa akin ni Sandra. Pinunasan ko naman ang aking labi gamit ang aking kamay.

Kukunin ko na sana ang uniform ko sa locker pero nakaramdam ako ng mga yapak sa likuran ko. Lumingon ako rito at nasilayan ko ang nakangisi nitong tingin pero biglang nawala iyon nang mapatingin siya sa labi ko.

"What happened to you?" Nag-aalala nitong sabi ngunit mapapansin mo pa rin ang galit sa kanyang tono ng boses. Ngunit nagtataka ako kung bakit? Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan Kurozul? That's the most I hated.

"Don't ask. It's not important for you to worry about." Seryuso kong sabi sa kanya pagkatapos ay kinuha ko na ang uniform ko sa locker.

Aalis na sana ako ngunit hinawakan nito ang kamay ko dahilan upang mapahinto ako.

"What if I say that, this is big deal to me?" Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos ay lumingon sa kanya ng seryuso.

"Pwede ba Kurozul. Wala akong panahon sa kung ano man ang sabihin mo. Pumunta ka sa iba at doon mo sabihin ang mga salitang iyan." Diin kong sabi sa kanya pagkatapos ay binitawan ang kamay ko. Napalunok na lang ako nang matapos ko iyon sabihin. Bakit tila ako ang nasasaktan?

"Sorry if I bothered you, Enyo Gigantomachia." Mahina nitong sabi. Aalis sana ako ngunit hinawakan na naman nito ang kamay ko. Nilingon ko siya at nakangisi ito ngayon.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now