Chapter 18

39 24 1
                                    


Bumalik ako sa room nang mawala ang guro sa loob. Agad naman akong sinalubong ni Isagani habang may mapang-asar itong ngiti sa kanyang labi.

"Gising na gising ka ngayon ah. Anong nangyari sayo sa labas?"

"Nakipaglandian." Tanging lumabas sa bibig ko pagkatapos ay umupo sa upuan ko. Nakita ko naman ang pagningning sa kanyang mga mata.

"Sino siya Enyo? Sabihin mo!" Parang naeexcite itong malaman.

"Si Kurozul." Walang gana kong sabi at sapat na iyon upang siya lang ang makarinig sa sinabi ko. Nakita ko naman sa kanya ang pagkagulat. Umupo sa kanyang upuan pagkatapos ay itinabi sa akin ito upang bumulong.

"Enyo may sasabihin ako sayo." Parang natatakot itong lumingon sa paligid pagkatapos ay tumabi pa siya sa akin upang walang makarinig sa sasabihin niya.

"Pinsan kita Enyo kaya susuportahan kita. Ang kaso wag lang kay Kurozul, maaaring manganib ang buhay mo. Huwag kang maging kabit sa kanila." Napanganga ako sakanyang sinabi kaya lumayo ako sa kanya ng kaunti.

"Ganon ba? Sorry, hinalikan ko na siya. Nakita pa ng kanyang kasintahan." Nagulat naman si Isagani sa sinabi ko.

"Ano? Enyo nababaliw ka ba? Demonyo ang babaeng Akaenyo, alam mo ba iyon?" Tumingin na lang ako sa harapan at nakikita ko ngayon ang matalim na tingin sa akin ng babae. Hinakbayan ko naman si Isagani at tumingin sa babaeng nakatingin sa amin habang may sumilay na ngisi sa aking labi.

"Huwag kang mag-salita, Isagani. Nakatingin ang pinsan niya." Lumingon naman si Isagani sa babae pero agad nakaiwas ng tingin ang anak na babae ni Tita Drusilla.

"Wala naman ah. Sumeryuso kanga Enyo." Lingon nito sa akin. " Gaano katagal kayo nag-halikan?" Bumitaw na lang ako sa pag-hakbay sa kanya at umupo ng maayos.

"Hindi ko matukoy kung ilang oras." Napatakip na lang ito sakanyang bibig. "Oh? bakit anong problema mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Wag na wag kang hihiwalay sa akin mag-mula ngayon, Enyo." Pagkatapos nitong sabihin ay ibinalik ang upuan nito sa kinalalagyan. Hinintay na lang namin ang susunod na guro.

Dumating ang guro namin at pinilit kong huwag matulog. Ayaw kong makalabas ulit baka sa iba na ako mapulot. Hindi pwedeng baliwalain ang sinabi ni Isagani, tiyak kong alam din niya ang mangyayari. Pero hindi naman iyon ang pinag-aalala ko. Ayaw ko lang makita muli si Kurozul, tiyak akong lumaki ang ulo nito dahil sa ginawa ko.

Well, normal naman siguro iyon sakanya ang mahalikan sa pisngi. Ako lang itong dinamdam ang pag-halik ko sakanya.

Ano ba itong iniisip ko? Halik lang naman iyon sa pisngi ngunit bakit ang laking bagay na iyon sa akin? Mababaliw ako nito. 

Nakatitig lang ako sa labas. Hindi rin nag-tagal ay lumabas ang guro namin. Tumayo naman ako dahil kanina ko pa pinipigilan na umihi pero agad hinawakan ni Isagani ang kamay ko. Nabigla ako ng tumingin ako sa mukha ni Isagani. Hindi na ito si Isagani kung hindi ito na ang nakakatakot niyang pag-uugali. Lumabas din ang kulo ng lalaking ito.

"Saan ka pupunta?" Seryuso nitong tanong sa akin kaya ganon din ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa mga abo niyang mata. Naalala ko ang ginawa ko sa tribo ng Zuma na nagiging dahilan upang bangungutin ako tuwing gabi. Sa tuwing nakikita ko ang isa sa mga Gigantomachia.

"Bakit? Sasama ka? Pupunta lang ako ng banyo." Hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kamay ko kaya tumingin ako sa kanya nang masama. "Nasasaktan ako, Isagani." Diin kong sabi rito.

"Anong gagawin mo sa banyo?" Napanganga na lang ako sa tanong nito. Iba rin ang pag-uugali ng lalaking ito noh? Gusto pa ba niyang isalaysay ko sa kanya ang gagawin ko sa banyo hanggang sa pag-labas ko?

Tears of BloodWhere stories live. Discover now