Chapter 12

43 26 1
                                    


Mas lalo pa akong umakyat sa puno nang dumating na si Elvira sa tuktok ng hagdan, sa pinakahuling palapag ng mataas na gusali at doon huminto na tila may hinihintay. Hindi rin nag-tagal ay may dumating na lalaki, si Kurozul na nag-mula sa pintuan na papasok sa floor na iyon. Agad naman siyang niyakap ni Elvira pero seryuso pa ring nakatayo si Kurozul habang nakapamulsa ang kamay nito.

May sinasabi si Elvira pero hindi ko marinig dito sa kinatatayuan ko. Hinawakan na lang ni Kurozul ang magkabilang balikat ni Elvira at pinalayo ito sa kanya. Ngayon nakikita ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Nagtataka tuloy ako kung anong nangyari sa kanila. Kung bakit ang lamig ng tingin sakanya ni Kurozul ngayon? May sinabi si Kurozul upang hawakan siya ni Elvira na parang nagmamakaawa. Gayunpaman, wala siyang nagawa at iniwan na lang siya ni Kurozul. Ngayon, nakikita ko siyang napaupo sa sementadong sahig habang umiiyak ito.

Sapat na ba ito upang maging masaya ako?

Pero hindi. Parang hindi ako masaya sa kalagayan ni Elvira ngayon dahil alam kong hindi ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Dahil alam kong kagagawan iyan ng babaeng nagpapanggap na ako. Magkagayon man, masaya pa rin ako.

Namalayan ko na lang na nakatayo ako ngayon sa kanyang harapan habang nakaupo siya sa sahig. Tumingin ako sa baba ng gusaling ito at wala akong nakikitang bampira sa baba. Ngayon, masusulo ko na siya.

Habang iniisip iyon ay may mapaglarong ngiti na sumilay sa aking mga labi habang nakatingin sa kanya kasabay din ng pagtingala niya sa akin.

Tinanggal ko ang nakatalukbong sa aking ulo at nagulat siya nang makita ang mukha ko. Agad naman niyang pinunas ang mga luha sa kanyang mata.

"Nakakaawa ka." Nang-uuyam kong sabi kaya napatingala siya muli sa akin.

"Ikaw iyong babae diba?" Naiinis nitong tanong pagkatapos ay tumayo ito. "Bakit ka narito?" Tanong niya kasabay din ng pagdungaw niya sa ibaba ng gusali. Paano kaya kung itulak ko siya diyan? Magiging masaya pa ba ako ron?

Dahan-dahan akong pumunta sa kanyang likuran at itutulak ko sana siya ng mag-salita ito kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko. "Sagutin mo akong babae ka!" Lingon nito sa akin na tila nandidiri. Bigla kong naisip na kung mawawala siya agad ay hindi na magiging masaya. Mas ako ang magiging kawawa dahil nauna pa siyang mag-laho kay sa sa akin. Dapat siya mismo ang kumitil sa kanyang buhay.

"Well, naaawa ako sayo." Nakangisi kong sabi na nagpadagdag ng kanyang inis. Kung hindi lang niya naiisip na pumuslit lang kami sa lugar na ito ay tiyak akong kanina pa ako nito sinigawan.

"Naaawa?" Napalunok nitong sabi habang tinitiis na huwag magwala sa lugar na ito. Mabuti na lang at alam niya ang mangyayari kapag may makarinig sa amin dito.

"Nakita ko kayong dalawa ni Kurozul kanina." Nag-lakad din ako at tumabi sa kanya upang tingnan din ang malawak na espasyo rito sa Luna University. Tumingala ako sa langit at crescent moon ngayon.

"What do you mean? Sino ka ba talaga?" Tumingin lang ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti. Nakita ko naman ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Ako si Enyo Gigantomachia." Dahan-dahan kong sabi sa kanya baka sakaling maisip niya na kinuha ang pangalang Enyo sa Akaenyo. Ngunit nainis lang itong tumingin sa ibaba.

"You know? You look so familiar." Nagtataka itong tumingin sa akin at the same time ay naiinis. Siguro ay dahil narinig niyang isa akong Gigantomachia. Sa pagkakaalam ko ay malaking investor nila ang mga Gigantomachia.

"Ano sa tingin mo?" Inayos na lang nito ang kanyang buhok.

Mayroon na akong pagkakataon, ano pa ba ang ginagawa ko?

Tears of BloodWhere stories live. Discover now