Chapter 14

43 27 2
                                    


Lumipas ang isang araw nang mangyari ang insidente kay Elvira. Nanatili ako sa mansyon at hindi ko maiwasan na hindi mapakali. Gusto kong makita kung saan siya nahulog, nais kong malaman kung sino ang may kagagawan non kay Elvira. Sigurado naman akong hindi suicide iyon.

Tumatanaw lang ako sa labas habang nangangati ang kamay ko na kunin ang aking kapa upang tingnan ang nangyayari sa labas.

Isang buwan at kalahati akong nakaratay sa kama kaya hindi ko alam kung anong nangyayari.  Hinala kong may kinalaman siya sa pagkahulog ni Elvira sa mataas na gusaling iyon. Siya lang naman ang pwedeng gumawa ng ganoong bagay kay Elvira.

Dahil hindi ko kayang manuod na lang sa maaaring mangyari ay agad kong kinuha ang aking kapa at isinuot ito. Nakasuot ako ngayon ng kulay itim na croptop at skirt na hanggang tuhod ko. Nang isuot ko ang talukbong ng kapa ay dito na naman ako dumaan sa balkonahe.

Pumunta ako sa Luna University at ngayon ay natatanaw ko na ang malaking espasyo nito. Wala akong nakikitang tao at bampira. Siguro dahil suspended ang paaralan kaya sino naman ang magkaka interesado na pumunta?

Bababa na sana ako sa mataas na punong ito ngunit may nakita akong dalawang lalaki na naglalakad sa loob ng Luna University. Tiningnan ko ito ng maayos upang makita ko kung sino sila at ngayon ay malinaw ko siyang nakikita habang seryuso itong nakikipag-usap sa kasama nitong lalaki. Siya si Kurozul.

Base sa kanyang tindig, suot, at hitsura ay wala kang makikitang nalulumbay ito sa pangyayari. Parang karaniwan lang ito sa kanya.

Habang ang kasama nitong lalaki ay mahahalata mo sa kanya ang pag-aalala. Hindi ko man kilala ang lalaki ay tila may kahawig itong pamilyar na pamilyar sa akin. Ngunit malabo naman sigurong maging kasapi siya ng pamilya. Magkahawig lang siguro.

Nakita ko silang nag-hiwalay ng landas hanggang sa hindi ko na sila makita dahil nakapasok na sila sa mga building.

Bumaba rin ako sa punong ito at pumasok sa loob ng University. Hindi ko hinayaan na may makakita sa akin nang papasok ako sa loob. Dumeritso ako sa gusali kung saan nahulog si Elvira, iyong dati naming pinag-usapan.

Lumingon mo na ako sa aking paligid bago pumasok sa mga nakaharang ditong bawal puntahan ang lugar na ito ngunit tumapak na lang ako sa exit na hagdan sa building na ito upang pumunta sa huling palapag. Nang makarating ako sa pinakahuling palapag na hagdan ay tiningnan ko ang kabuoan nito.

Ngayon ay masasabi mo talagang hindi ito suicide. Kung titingnan mo ang kapaligiran ay makikita mong lumalaban ang babae bago mahulog. Ganon naman talaga siya.

Dahil nandito ako sa pinakahuling palapag ng building na ito ay natatanaw ko sa ibaba ang lalaking kasama ni Kurozul kanina habang tumitingin-tingin sa paligid nito na tila nagsu-survey kaya naman agad akong pumunta sa exit na pintuan at pumasok ako.

Ngayon ay nakikita ko na kung gaano kalawak ang loob ng building, ang daming room sa building na ito. Walang ilaw sa loob ng gusaling ito, tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan  ang dahilan kaya medyo nakikita ko ang bawat room na nadadaanan ko na nagmumula sa labas ng bintana.

Habang naglalakad upang tingnan ang iba pang room ay bigla akong nakarinig ng tunog kasabay din ng pagtanggal ko sa aking talukbong. Tila mga upuan na nasisira at may sumasabay pang ingay. Nakakarinding pakinggan, ang sakit sa tainga.

Tinakpan ko ang magkabila kong tainga gamit ang dalawa kong kamay at nag-patuloy sa paglalakad. Nakita ko ang isang room na nakabukas ang pintuan nito, ngayon ko lang naaninag dahil sa kabilang side ako nakatingin.

Napansin ko rin na roon nanggagaling ang nakakarinding tunog. Dahan-dahan akong nag-lakad papunta roon, tiniyak kong ang mga yapak ko ay hindi maririnig maging ang hininga ko ay pinipigilan ko.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now