Chapter 9

51 30 2
                                    


Ang saya nilang lahat habang nakikipag-usap sa mga ka sosyo nila. Hindi tulad ko na walang emosyon na lumalabas sa hitsura ko. Tumingin lang ako kay Suga at ang sama ng tingin niya sa akin bago lumipat ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kabila nitong braso pero mas lalo ko lang itong hinigpitan.

"You're here." Kadadating ng may pagkatanda nang babae habang may dala itong baso na naglalaman ng alak. Siya ang aking Ina.

Ngumiti lang sa kanya si Mr. Gigantomachia kaya naman ng mapatingin sa akin ang babae ay nahalata sa kanyang mukha ang pagtataka kaya naman napansin ni Mr. Gigantomachia.

"Siya ang kaisa-isa kong apong babae. Si Enyo." Pag-lahad ni Mr. Gigantomachia sa kanyang kamay sa akin kaya bumitaw ako sa pagkakahawak kay Suga at inabot ang kamay ng matanda. Naramdaman ko na lang na umalis si Suga kasama ang mga pinsan nito upang mag-aliw.

"Oh, I see." Uminom ito sa dala niyang alak. Tiningnan ko ang kabuoan ni Ms. Davina and she was wearing a red peplum dress. At naka bun lang ang kanyang buhok. Kahit may pagkatanda na ito, nananatili pa  rin ang kanyang ganda.

"Salamat nga pala sa invitation mo, Ms. Davina" Ngumiti lang ang babae pagkatapos ay tumingin sa akin na tila kinikilatis ang pagkatao ko.

"You're welcome Mr. Gigantomachia, it's my pleasure to meet you at this party. I think this is the first time that you've come and I was happy for that. Salamat at dumalo ka sa pagdiriwang na ito." Ngumiti lang si Mr. Gigantomachia pero si Ms. Davina ay nanatili pa rin ang tingin niya sa akin.

"Napakaganda ng iyong apo, Mr. Gigantomachia." Tanging nasabi ng babae habang nakatingin pa rin sa akin na tila may panganib akong lalakarin.

"Well it's my pleasure to meet you, Enyo. Ako si Davina Luna." Paglalahad nito sa kanyang kamay sa akin pero tinitigan ko lang ang kanyang mukha. Hindi rin nag-tagal ay ibinaba ang kamay nito at tumawa.

"Napaka seryuso ng inyong apo, Mr. Gigantomachia. Sa pagkakaalam ko ay wala kayong apong babae?" Napataas ang kilay nito nang tumingin kay Mr. Gigantomachia kaya upang hindi mapahiya si Mr. Gigantomachia ay ako na ang sumagot.

"Paano mo naaatim na sabihin iyan sa harap ko? Base sa pananalita mo ay tila isa lang akong babaeng pinulot. Sadyang hindi lang ako ipinakilala ni Grandpa dahil sa kadahilanan na isa akong Huvanire." Nabigla naman si Ms. Davina sa sagot ko sa kanya pero hindi nag-tagal ay ngumiti ito.

"Maganda ang iyong pananalita, ijah. Hindi na ako magtataka kung saan ka nga napapabilang na angkan." Uminom ito sa kanyang baso kasabay din ng pag-lapit ng isang matandang lalaki na kasing edad lang ni Ms. Davina habang may babaeng nakahawak sa kanyang kabilang braso na kasing edad ko lamang o mas matanda siya ng isang taon sa akin. Malakas ang kanilang aura na nakakapanindig balahibo lalo na ang matandang lalaki. Hindi na ako magtataka kung sino sila.

"I didn't expect that you would come, Mr. Gigantomachia." Pagsasaad ng lalaki at hindi maiwasan na mapatingin sa akin na kanyang ikinagulat na napansin naman ni Mr. Gigantomachia.

"Nice meeting you again, Vlad. Siya nga pala ang kaisa-isa kong apong babae, si Enyo." Tumango naman ako sa matandang lalaki ng walang emosyon pero nakatingin lang ang lalaki na parang kinikilatis ang aking mukha. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang mga titig na nagpanginig ng aking binti ngunit hindi ko pinahalata sa kanila. Iba siya kung kumilatis, parang ramdam mo ang masama nitong aura. Ano pa ba ang inaasahan ko sa tagapag-taguyod ng pamilyang Vesper, can I call him Uncle Vlad?

"You look so familiar, ijah." Napatingin naman sa kanya si Ms. Davina ng sabihin iyon ni Uncle Vlad.

"Sa tingin mo rin, Vlad?" Tumingin lang sa kanya si Uncle Vlad na parang ayaw niyang marinig ang boses ni Ms. Davina.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now