Chapter 34

31 12 0
                                    


"Ako si Akaenyo Luna Vesper." Natahimik naman sila. Halatang hindi sila naniniwala na ako ang totoong Akaenyo.

"Uncle Vlad, maniwala ka! Ako talaga si Akaenyo!" Turo ko sa aking sarili habang nanginginig ang kamay ko. Hindi ko mapigilan na mapahagulgol. "Ako talaga si Akaenyo, ako ang totoo ninyong pamangkin!" Naiiyak kong sabi pagkatapos ay pinagdikit ko ang mga kamay ko upang magmakaawa sa kanya. "Palayain ninyo na po ako, Uncle. Hindi ko na po kaya, nasasaktan na ako ng sobra!" Sabay hawak ko sa kumikirot kong puso.

Gusto ko ng umuwi. Gusto ko nang makita ang pamilyang Gigantomachia habang nagbabasa na naman ng diyaryo tuwing umaga't hapon.

"Hayaan ninyo akong maging si Enyo na apo ni Mr. Gigantomachia! Hayaan ninyong iluwal ko ang bata sa sinapupunan ko ng matiwasay." Pahagulgol kong sabi. "P-parang awa ninyo, Uncle Vlad!" Pilit kong sabi habang isinisigaw ang pangalan ni Uncle Vlad.

Nakita ko na lang na napatawa ng kaunti si Uncle Vlad na tila hindi kapani-paniwala ang bawat sinabi ko ngunit hindi nag-tagal ay nilapitan ako ni Nonna at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang galing talaga niyang mag-arte." Dinig kong sabi ni Alessandra nang dahan-dahan itong lumalapit sa akin.

"Lumayo ka sa kanya Nonna. Kailangan muna nating malaman kung totoo ang kanyang sinabi." Seryusong sabi ni Uncle Vlad pero ramdam kong umiling lang sa kanya si Nonna.

"Hindi, Uncle. Maniwala kayo! Siya talaga si Akaenyo! Umpisa pa lang na makita ko siya ay kusang lumambot ang loob ko sa kanya. Kahit alam kong magkaaway ang pamilyang Vesper at Gigantomachia ay nakipag-kaibigan pa rin ako!" Naiiyak na sabi ni Nonna. "M-maniwala naman sana kayo!" Sigaw nito nang makitang walang naniniwala sa sinabi ko.

"Ikulong ninyo sa kanyang silid si Nonna." Seryusong tingin ni Uncle Vlad sa magkambal na lalaki. Sumunod naman sila at hindi man lang nagawang makatanggi ni Nonna. Siguro'y naisip na niya ang kahihinatnan kapag nagpumilit pa siya.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang makita kong tumalikod si Uncle Vlad na tila nag-iisip.

"Ikaw na Alessandra ang bahala kay Akaenyo." Napangiti naman si Alessandra na akala mo'y nabigyan ng karangalan.

"Huwag kayong mag-alala." Nakangisi nitong sabi pagkatapos ay dumiretsong naglakad palabas.

"Ikaw naman, maghintay ka." Pagbabantang sabi ni Uncle Vlad pagkatapos ay naglakad din palabas.

Napatingin naman ako sa kamay kong nakakalas na. Nakalimutan nila siguro. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko sa aking nakagapos na paa at binuhol-buhol ito gamit ang mga kuko ko. Kahit masakit sa kamay ay hindi ko dinamdam.

Nagsimula akong mag-lakad papunta sa pinto. Nagtaka ako kung bakit nakabukas ito. Hindi man lang nila ni-lock. Tiyak akong pakana nila ito.

Hindi ko itinuloy ang pagbukas sa pinto at lumingon sa kabuoan ng lugar. Doon ay napangiti ako dahil may bintana pala sa sulok ng likuran na aking kina-uupuan ngunit nakasara ito. Kaya pala hindi ko maramdaman na may bintana dahil sa dilim ng silid na ito.

Pumunta ako rito at sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Natatangay pa nito ang mahaba kong buhok. Tumingin ako sa baba at napakataas ito. Nandito pala ako sa pinakamataas na parte ng mansyon ng Vesper. Gayunpaman ay walang atubiling na tumalon ako rito. Nag-ingat naman ako sa aking pag-lapag sa lupa.

Tumingin muna ako sa aking paligid nang makarating ako sa mataas na harang bago tuluyang lagpasin ito. Nagtagumpay naman ako at ngayon ay patalon-talon ako sa puno upang umuwi. Nakaramdam din ako ng saya. Ang saya pala kapag malaya kang gawin ang gusto mo.

Nang mapalayo ako sa mansyon ng Vesper ay huminto muna ako sa malaking ugat ng puno upang magpahinga. Napadaing na lang ako nang igalaw ko ang aking kamay.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now