Chapter 24

31 18 1
                                    


"Enyo, tama na'yan." Hahawakan na sana ako ni Suga pero agad ko siyang tiningnan ng masama kaya napatulala ito.

"Ano kaya ang naramdaman ng ex-husband mo?" Matalim kong tinitigan ang aking Ina dahilan upang mawala ang ngiti nito.

"Tumigil ka, Enyo. Wag kang mapangahas." Seryusong sabi ng anak ni Mama kaya napunta ang tingin ko sa kanya.

"Bakit? Nakakahiya ba?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Ngayon ay napagmasdan ko ang abo nitong mga mata. Totoong isa nga siyang Gigantomachia at nagmana kay Mama na morena.

"Alam mo, ijah? Mas mabuting mag-ingat ka sa pananalita..."

"Oh? Pinagbabantaan niyo na ako ngayon?" Natatawa kong sabi sa kanya.

Natahimik na lang sila habang nakatingin sa akin. Natatawa ako subalit nadudurog ang puso ko ngayon. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin sa kanya.

"Narito pala kayo, Mama." Biglang sabi ng babaeng nasa likuran namin kaya nawala ang ngiti ko. Humawak ulit ako sa kabilang braso ni Suga at nakita ko naman na tumingin siya sa akin na nagtataka pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Kumusta ang anak ko sa pamamahay ng Vesper?" Nakangiting sabi ni Ms. Davina kay Akaenyo nang makapunta na sa amin. Gayunpaman ay nahahalata ko sa mukha ni Mama ang pagkabalisa. Siguro ay dahil sa sinabi ko.

"Mabuti naman." Nakangiting tugon sa kanya ni Akaenyo habang kasama si Kurozul na nakatingin sa akin pero inirapan ko lang ito.

"So, ito pala ang anak niyong babae sa Vesper." Napatingin naman sila sa akin. "Anong masasabi mo Akaenyo sa pagkakaroon ng kapatid sa ibang lalaki? Nakakatanda pa ito sayo." Nang-uuyam kong sabi sa kanya ngunit wala akong makitang may paki ito.

"Nagagalak ako, diba Mama?" Nakangiti nitong sabi kaya napataas ang kabila kong kilay.

Tiningnan ko ang aking Ina pero hindi ito makapag-salita. Nakita ko na lang na ngumiti ito ng kaunti.

"Mabuti at ikaw ang naging anak ko, Akaenyo. Walang sama ng loob sa iyong Ina." Base sa pagkakasabi ng aking Ina ay tila alam niyang ako ang totoo niyang anak.

"Bakit naman ako magagalit sa aking Ina?" Nakangising sabi ni Akaenyo. Napaatras na lang ako ng kaunti sa kanila. Ayaw kong makita ang pagmumukha nila.

"Napakabuti mo nga, Akaenyo." Seryuso kong sabi sa kanya. "Maunawain kang anak." Ngumiti ako ng kaunti. "Sige, maligayang kaarawan sayo Ms. Davina Luna Vesper." Nakita kong napalunok ang aking Ina dahil sa sinabi ko. Gayunpaman ay pinapanatili nito ang kumpiyansa sa sarili. "Aalis na po kami." Tumingin ako kay Suga na naintindihan niya naman kaya sabay kaming nag-lakad.

Habang papalayo sa kanila ay nararamdaman ko ang pagbigat ng aking katawan. Hindi ko kayang ilakad ang mga paa ko. Nanginginig din ang mga binti ko. Napansin naman ni Suga na hindi ko kayang mag-lakad. Nabigla na lang ako ng buhatin niya ako. Tatanggi na sana ako kaso sadyang nagparaya ang katawan kong dalhin niya.

"Damn! Sana hindi na lang kita isinama." Naririnig kong sabi ni Suga sa mahinang boses. Nakikita ko pa ang pag-aalala niya ngayon sa akin.

Kung makatingin siya sa akin ngayon ay tila may alam siya kung sino ako. Hindi na ako nagtataka kung tama ako ng iniisip.

Naramdaman ko ang paglapat ko sa upuan ng kotse ngunit tila isa akong lantang gulay ngayon. Nakita ko naman si Suga na pumasok sa kabilang side ng pinto. Nang makaupo siya ay walang gana akong sumandig sa upuan at tumingala sa taas.

"Umamin ka Suga." Walang gana ako sa kanyang tumingin kaya napatingin ito sa akin. "May alam ka na diba?" Sumeryuso na lang ang tingin nito sa akin kaya iniba ko ang paningin ko. Tumingin lang ako sa labas at pinipigilan kong huwag umiyak.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now