Chapter 5

70 46 10
                                    


It's time for payback!

Agad akong sumugod sa kanila kasabay din ng pagpapaputok nila sa akin ng bala na agad kong naiilagan hanggang mapunta ako sa isa sa kanila at nakita ko kung paano ito mabigla habang may tumulong pawis mula sa kanyang noo na agad kong nginisian. Naramdaman ko na lang ang pag-tulo ng dugo sa aking kamay habang saksak ko ito sa kanyang dibdib dahilan upang bumuga ito ng kanyang sariling dugo.

Habang sumusugod sa kanila ay panay ang pag-ilag ko sa kanilang mga bala ng maramdaman ko ang isa ritong tumama sa aking kaliwang binti dahilan upang matalisod ako pero agad akong tumayo at sumugod sa taong nakabaril sa aking binti.

Kaya agad ako nitong pinaputukan ng bala ng mapansing sumusugod ako sa kanya pero agad kong naiilagan ang mga bala nito hanggang sa makarating ako sa kanya at agad hinawakan ang kanyang leeg ng mahigpit kaya napabitaw ito sa kanyang hawak na baril.

Kasalukuyan siyang nagpupumiglas pero hinigpitan ko lang ang pagkakahawak sa kanyang leeg at nakikita ko kung paano dahan-dahang pumuti ang kanyang mga mata pati ang kanyang bukol sa leeg ay dinig ko kung paano ito maputol dahil sa pagkakasakal ko rito. Nang mawalan na ito ng buhay ay agad ko siyang binitawan.

How I love it!

This kind of sensations that I can't explain, it gives me more to kill them like it's healing the pain I feel in my chest! It's gives me a little happiness how they scream in the pain. I think, only killing can make me like this, I want it! I want more to kill them! More!

____

Napaluhod na lang ako habang panay ang pawis ko sa aking ulo dahil sa pagod at walang natira ni isa sa kanila pati sa mga kasamahan ko ay lahat na sila nakahandusay sa sahig na wala ng buhay maliban lang sa akin.

Pagtingin ko sa paligid ay kasabay din ng pagkahilo ko na tila umiikot ang paligid kaya napahawak na lang ako sa aking ulo, napapailing na lang ako habang damang-dama ang sakit na hindi ko maipaliwanag hanggang sa mapahawak na ako sa lupa. Parang mababaliw ako sa sakit na aking nararamdaman, sa paglipas ng panahon ay mas lalong lumalala ang kalagayan ko.

Naramdaman kong may tao sa aking bandang likuran, kung hindi ako nagkakamali ay tatlo sila habang panay ang titig nila sa aking likuran. Kahit namimilipit sa sakit ay nakaalerto pa rin ako sa bawat kilos na kanilang gagawin hanggang sa maramdaman ko ang isang likidong tumulo sa aking kamay ng mamalayan kong galing pala ito sa aking ilong dahil dumudugo na rin pala ito.

Hindi rin nag-tagal ay napasigaw na lang ako dahil sa sakit na tila pinipira-piraso ang aking katawan at dama kong nagkatinginan na lang ang tatlo habang may nakaguhit na ngisi sa kanilang mukha, kahit nakatalikod ako ay malakas ang pandama ko sa bawat kilos na kanilang gagawin.

Naramdaman kong gumalaw ang isa sa kanila papunta sa akin kaya agad din ako napatayo. Sa isang iglap ay naitapon ako sa malaking puno dahilan upang sumuka pa ako ng dugo.

Hindi ito maaari!

Napasandal na lang ako sa puno habang nakapikit. Nang idilat ko ang mga mata ko, kitang-kita ko ang pigura ng kanyang katawan at mukha na nagpakulo ng aking dugo.

Pinagmasdan ko siya upang kumpirmahing tama ako na hindi naman ako nagkamali.

Napabuga ako ng dugo kasabay ng pag-tulo ng aking luha dahil sa pagkasuklam sa kanya.

Siguro hindi na niya ako maalala sa ganitong kalagayan na punong-puno ng dugo ang mukha. Siguro matagal na niya akong kinalimutan dahil sa pagkamuhi. Hindi tulad ko na kahit saan anggulo ng parte ng kanyang mukha ay nakatatak sa aking isipan.

Kurozul!

"Hey! Kurozul" Napakahusky voice na pagtawag sa kanya ng lalaki na nag-mula sa itaas ng puno na kinasasandalan ko kasabay din ng kanyang pagtalon sa baba.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now