Chapter 31

32 15 1
                                    


Napatingin ako sa paligid ko. Nasira na namin ang buong paligid dahil sa paglalaban namin ni Akaenyo. Mabuti na lang at umalis kami sa mansyon nina Kurozul. Baka roon ay masira namin ang buong mansyon.

Tumayo ako nang makapag-pahinga na ako. Hindi ko inalintana ang mga sugat ko. Napatingin ako kay Akaenyo na nakahandusay sa lupa. Wala na itong malay. May sumilay na mapag-larong ngiti sa aking labi bago umalis.

Dumaan muna ako sa lawang nakita ko upang hugasan ang mga dugong nakakalat sa katawan ko pagkatapos ay bumalik ako sa mansyon nina Kurozul. Mahimbing pa rin itong natutulog. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago tuluyang umuwi sa mansyon ng Gigantomachia.

Kinabukasan ay nasa diyaryo agad ang balita tungkol sa sinapit ni Akaenyo. Hindi na lang ako nakialam habang pinag-uusapan nina Mr. Gigantomachia maliban kay Suga na wala rito. Siguro'y galit ito sa akin.

Agad akong nagpalit ng uniform. Mamayang gabi ang pagtatanghal pero kailangan ko pa rin pumunta ngayong umaga. Ngumiti na lang sa akin si Mr. Gigantomachia na nagpapahiwatig na galingan ko. Pilit na lang akong gumanti sa kanya nang ngiti.

"Bakit pala kayo sumama?"pagtatanong ni Giran habang nagmamaneho. Sa kanya kasi kami sumabay ni Isagani.

"Don't you like that? Manunuod ako sayo!" Proud na sabi nito sa pinsan. Napangiti na lang si Giran. Sumali kasi ito sa combat.

"Eh ikaw naman Enyo? Manunuod ka rin?" Umiling na lang ako sa kanya.

"Hindi. Gusto ko lang pumunta." Walang gana kong sagot. "Teka lang ano pala ang sinalihan ni Suga sa mga competition?"

"Bakit? Siya ba ang pinunta mo?" Umiling na lang ako sa tanong ni Giran.

"Hindi. Pero malay mo." Napatango na lang ito sa sagot ko.

"Hindi sumasali sa competition si Suga. Isa kasi siya sa mga judge."

"Ganon ba." Mahina kong sabi. "Sanga pala Giran kailan matatapos ang combat ninyo?"

"Tapos na." Napakunot na lang ako sa aking ulo.

"Bakit hindi mo sinabi? Anong gagawin ko roon?" Naiinis na sabi ni Isagani.

"Well, hindi naman kayo nagtanong kanina." Nakangiti nitong sabi. "Pero manuod na lang tayo sa ibang competition." Dagdag nito.

"Hindi naman ako interesado sa ibang competition." Sabi ni Isagani.

"Mamayang gabi. Maraming magtatanghal." Nakita ko naman ang pagningning ng mga mata ni Isagani.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Na-eexcite nitong tanong. Mahilig talaga sila sa mga sining.

"Pagtatawanan ko talaga si Baltazar. Dinig ko na magsasayaw daw ito ng tango dance." May sumilay na mapag-larong ngiti sa kanyang labi. Nanatili lang akong nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

Humiwalay agad ako sa kanila nang makababa kami sa kotse. Winagayway ko na lang ang kamay ko nang tinatawag nila ang pangalan ko.

Dumiretso ako sa lihim na silid ni Baltazar. Napangiti naman ako nang makita kong naroon sila ngunit seryuso ngayon ang mukha ni Nonna. Tiyak na galit ito sa nangyari kay Akaenyo.

Alam na niya sigurong ako ang may gawa non kay Akaenyo. Gayunpaman ay kontento na akong narito siya at hindi ako kinakausap.

"Are you all right now?" Nakangising tanong ni Baltazar. Tumango na lang ako sa kanya.

"Magsimula na tayo." Seryuso kong sabi.

"Sure. Matagal ko na 'tong hinihintay."

Tumingin muna ako kay Nonna bago kami pumunta sa posisyon. Hindi na ako nagpalit ng uniform kasi magpapalit din naman kami mamaya.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now