Chapter 30

39 19 1
                                    


Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang sarili kong walang saplot. Dahan-dahan akong tumingin sa aking gilid dahilan upang mahulog ako sa kama pero mabuti na lang at hindi siya nagising.

Agad kong hinanap ang damit ko ngunit nang makita ko ito ay gutay-gutay na. Nagsimulang maglandas ang aking mga luha. Bakit ko sinapit ang pangyayaring ito?

Paano 'to nangyari sa akin?

Naglinga-linga ako sa kabuoan ng kuwarto baka sakaling may masuot ako. Nakita ko naman ang polong kulay itim kaya agad kong kinuha at isinuot. Napakaluwag ng damit kaya maaari na akong lumabas.

Hahakbang na sana ako ngunit napatingin ako sa mahimbing na natutulog. Napatitig ako sa kanya dahilan kaya muntik na akong mapahagulgol. Napakagat na lang ako sa aking kamay.

Nagmadali akong pulutin ang mga saplot ko pagkatapos ay kinuha ang kumot na nabahidan ng aking dugo.

Nawala na ang lahat sa akin.

Hindi na ako birhen.

Hindi ko siya mapapatawad. Napakagago niyang lalaki! Isusumpa talaga kita Kurozul! Walang pwedeng magmay-ari sayo ng wala ang pahintulot ko.

Tumingin ako sa labas at wala akong marinig na ingay. Siguro'y nagsi-uwian o tulog pa ang iba. Pahika-hika akong pumunta sa kotse. Tiyak akong nasa loob pa rin sina Giran at Isagani.

Nagmaneho ako sa kotse at pinaharurot ito. Kahit ito ang una kong pagmamaneho ay himalang marunong ako dahil sa pag-obserba ko tuwing papunta kami ng Luna University.

Lumalabo ang paningin ko habang nagmamaneho dahil sa mga luhang namuo sa mata ko. Inihinto ko ang kotse pagkatapos ay napahawak ako sa aking puso, masyado itong nangangamba. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinaghahampas ko na lang ang manibela at sinabunotan ko ng sobra ang buhok ko.

Nasaan ang hustisya?!

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Bakit ganoon si Kurozul? Hindi na ako nirespeto kahit nagmamakaawa na ako sa harap niyang huwag ituloy. Puro na lang anak ang sinasabi niya.

Masyado ba siyang nagmamadali upang magkaroon ng anak? Idinamay pa niya ako sa kalokohan niya?

Naramdaman ko na lang ang dugong nagmumula sa aking leeg dahil sa pag-diin ng kuko ko. Napalunok ako bago ko paandarin ang kotse. Kumikirot pa rin ang puso ko sa kadahilanan na magagawa iyon ni Kurozul sa akin.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nawalan ako ng lakas upang makatakas sa kanya. Nagtataka ako kung paano ito nangyari? Bakit tila siya'y wala sa katinuan at ako naman ay walang lakas upang itulak siya?

Napahinto ako nang maalala ko ang sinabi ni Guhan. Hindi kaya...

Napapikit na lang ako sa galit. Ito pala ang regalo niya? Inilagay lang niya ako sa kapahamakan!

Siguro may ginawa siya kay Kurozul. Malapit naman ang dalawa sa isa't isa kaya hindi imposibleng may gawin sa kanya si Guhan. Tulad ng ginawa niya sa akin. Tiyak akong may nilagay siya sa inumin ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas sa kotse. Narito pa rin sa paligid ang mga bampirang nakaarmado. Hindi ko tuloy maisip kung ano ba talaga ang Gigantomachia? Bakit ang dami nilang mga tauhan?

Bumuntong hininga na lang ako. Napalunok ako nang makita ko si Suga na nakaupo ng maayos habang nagbabasa na naman.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto pa rin ako. Nangamba akong lumingon sa kanya habang yakap ko ang kumot. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot ngayon. Maging ang mga tuhod ko ay nanlambot habang nakatingin sa akin ng seryuso ang mga abo nitong mata.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now